01/06/2026
Pabatid sa mga Magulang at Mag-aaral
Magandang araw po!
Narito po ang ilang mahahalagang paalala at iskedyul para sa nalalapit na pagbubukas ng klase:
1. Listahan ng mga Seksyon - Nakapaskil na po sa Activity Center ang mga pangalan at seksyon ng mga mag-aaral. Maaari po ninyo itong tingnan ayon sa itinakdang iskedyul.
2. Brigada Eskwela - Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga magulang, guardian, at iba pang stakeholder na makiisa sa Brigada Eskwela. Sama-sama po nating linisin at ayusin ang ating paaralan upang maging handa at ligtas para sa darating na pasukan. Maaari rin po kayong magdala ng mga cleaning materials bilang inyong kontribusyon.
3. State of the School Address (SOSA) - Inaasahan po ang pagdalo ng mga magulang at guardian sa gaganaping State of the School Address (SOSA). Mahalaga po ang gawaing ito sapagkat ilalahad ng Punong G**o ang kasalukuyang kalagayan ng paaralan, mga nagawa nitong programa at proyekto, gayundin ang mga plano at layunin para sa susunod na taon ng pag-aaral.
4. Mahahalagang Iskedyul - Pakitingnan po ang mga iskedyul na nakalagay sa ibaba at tandaan ang mga ito upang maging gabay sa mga aktibidad ng paaralan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa, suporta, at kooperasyon para sa ikatatagumpay ng ating paaralan.