02/09/2026
Maraming salamat po, Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III, Vice Gov. Mark Ronald Lambino, Board Member Haidee Pacheco at Board Member Philip Cruz sa personal na pagbisita sa aming bayan upang kumustahin ang ating mga evacuees at magpaabot ng tulong mula sa Provincial Government at National Government. 🙏❤️
Sa lawak at dami ng mga lugar na nasalanta sa ating probinsya, alam naming gustuhin man ninyong mabisita at makumusta ang lahat, talagang hindi sasapat ang isang araw para mapuntahan ang bawat bayan at evacuation center.
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong pagpunta, pagbisita, at malasakit sa ating mga kababayan. Sa panahon ng pagsubok, malaking bagay ang inyong presensya at tulong.
Maraming salamat po, Governor, sa patuloy na pagdamay at pagtulong sa ating mga kababayan. 🙏💙