19/08/2026
LEARNING CONTINUITY ADVISORY | AUGUST 20, 2026
Alinsunod sa kautusan ng Office of the President at batay sa Memorandum Circular No. 131, suspendido ang klase bukas, Agosto 20, 2026 (Huwebes).
Bilang bahagi ng Emergencies in Education (EiE), ipatutupad ng San Miguel Elementary School ang HINGA: Check-in, Recover, isang well-being-focused approach na nagbibigay-prayoridad sa kaligtasan, kapakanan, at kagalingang emosyonal at psychosocial ng ating mga mag-aaral habang may emergency.
ANO ANG HINGA PARA SA ATING MGA SMESians?
Sa HINGA – Level 3 (Well-Being Focus), hindi kailangang maging academic-heavy ang mga gawain. Sa halip, hinihikayat ang mga mag-aaral na:
- Maglaan ng quiet time para sa breathing exercises, stretching, prayer, o mindfulness.
- Magkaroon ng emotional check-in — “Kumusta ka? Ligtas ka ba? Ano ang nararamdaman mo?”
- Magsagawa ng simpleng well-being activities tulad ng drawing, coloring, journaling, o “What makes me feel safe?” activity.
- Maglaan ng oras para sa family bonding at simpleng gawain kasama ang pamilya.
- Maging safety-aware at alamin ang ligtas na lugar at mga dapat gawin kung lumala ang panahon.
- Walang pressure sa schoolwork — safety and well-being first!
👩🏫PARA SA ATING MGA G**O
Patuloy nating kumustahin ang ating mga learners, lalo na ang mga maaaring nasa vulnerable situations. Makinig sa kanilang concerns, magbigay ng reassurance, i-monitor ang kanilang kalagayan, at makipag-ugnayan sa mga magulang kung kinakailangan.
🧑💼 PARA SA SCHOOL PERSONNEL
Unahin ang kaligtasan habang nagsasagawa ng monitoring, pag-uulat ng hazards o damage, pagpapanatili ng communication lines, pag-check ng emergency supplies at DRRM resources, at paghahanda para sa ligtas na recovery at pagbabalik ng klase.
📌 Mahalagang Paalala: Ang HINGA ay hindi pagkakataon para magbigay lamang ng ibang uri ng academic workload. Well-being at safety ang pangunahing gawain. Ang academic load ay dapat minimal o pansamantalang ipinagpapaliban depende sa aktuwal na sitwasyon.
Sa panahon ng emergency, ang pinakamahalagang aral ay ang manatiling ligtas, maalagaan ang sarili at pamilya, at malaman na hindi tayo nag-iisa. 💚
HINGA MUNA, SMESians!