02/06/2026
Balik eSKwela na!📚
Magandang araw po sa ating lahat!
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, kami po ay magsasagawa ng Pamamahagi ng School Supplies para sa mga estudyante ng ating barangay.
📅 Hunyo 3, 2026 (Miyerkules)
🕘 4:00PM
📍 Brgy. Alo-o Covered Court
Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing kagamitan na kanilang magagamit sa paaralan.
Inaanyayahan po namin ang lahat ng mga benepisyaryo at kanilang mga magulang o tagapag-alaga na dumalo sa tamang oras upang maging maayos at organisado ang pamamahagi. Hinihiling din po namin ang inyong pakikiisa at kooperasyon para sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Sama-sama nating suportahan ang edukasyon ng ating kabataan at patuloy na magtulungan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat mag-aaral.
Maraming salamat po at magkita-kita tayo bukas💛