16/10/2016
β
PRESS RELEASE NO. 10-25
6PM / 16 OCTOBER 2016
WALANG PASOK SA CAGAYAN ALL LEVELS (PUBLIC AND PRIVATE) BUKAS, LUNES, OCTOBER 17
Batay sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), idineklara ngayon lamang ni Governor Manuel Mamba na wala pasok sa lahat ng antas sa public at private schools mula pre-school hanggang kolehiyo bukas, araw ng Lunes, Oktubre-17.
" We're recommending for the suspension of classes in all levels due to expected flooding in low lying areas and because our overflow bridges Tawi, Abusag, Bagunut, Maguiling Piat and Tuguegarao Pinacanauan for the safety of our students crossing these areas", nakasaad sa rekomendasyon ng PDRRMO sa pamamagitan ng hepe nito na si G. Bonifacio Cuarteros.
Agaran naman inayunan ni Gov. Mamba ang payo ng PDRRMO para matiyak ang kaligtasan at hindi malagay sa peligro ang mga mag-aaral at estudyante.
Nanatili kasing banta ang pagbaha sa mga mababang lugar dahil sa pag-ulang ibinuhos ng Bagyong Karen kahit wala nang nakataas na typhoon signal sa Cagayan.
Manatiling nakatutok sa Cagayan Provincial Information Office page para sa anumang mga karagdagang abiso. # # #
via Cagayan Provincial Information Office