DLRO SM TRECE

DLRO SM TRECE We process Student Permit, Driver's License Renewal, Revision of Records and Replacement.

31/03/2026
26/03/2026
19/03/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Alinsunod sa Proclamation No. 1189 na nagdedeklara ng pagdiriwang ng Eidโ€™l Fitr (Feast of Ramadan) bilang isang Regular Holiday, ipinaaalam sa publiko na pansamantalang tigil operasyon ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) bukas, Biyernes, ika-20 Marso.

Ang pagdiriwang ng Eidโ€™l Fitr ay isang mahalagang okasyon para sa ating mga kapatid na Muslim bilang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan. Hinihikayat ang lahat na igalang at makiisa sa diwa ng kapayapaan, pagkakaisa, at pananampalataya.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

09/02/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐๐† ๐•๐€๐ ๐๐€ ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐‡๐ˆ๐“-๐€๐๐ƒ-๐‘๐”๐ ๐’๐€ ๐“๐€๐˜๐€๐๐€๐’, ๐๐”๐„๐™๐Ž๐

๐“๐š๐ฒ๐š๐›๐š๐ฌ, ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง - Agad na kumilos ang LTO Calabarzon matapos masawi ang dalawang angkas ng isang motorsiklo at magtamo ng malubhang mga sugat ang driver sa isang hit-and-run incident na kinasangkutan ng isang van sa Barangay Lakawan, Tayabas City, Quezon.

Ayon sa Police Report, isang humaharurot na van ang bumangga sa motorsiklo, na ikinasawi ng dalawang sakay nito at nag dulot ng malubhang mga sugat sa driver nito. Matapos ang insidente, tinangka pang tumakas ang driver ng van ngunit agad itong naaresto ng mga awtoridad.

Ang opisina sa ilalim ng pamumuno ni LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena, ay agad na naglabas ng Show Cause Order laban sa driver at sa rehistradong may-ari ng van. Inaatasan ang mga ito na magsumite ng verified comment o paliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong administratibo kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga sinisilip na paglabag ang reckless driving, posibleng colorum operation, paglabag sa mga patakaran sa operasyon ng sasakyan, at ang posibleng kanselasyon o pagbawi ng lisensya ng driver.

Bilang paunang hakbang at upang matiyak ang kaligtasan ng publiko habang isinasagawa ang imbestigasyon, pansamantalang sinuspinde ng LTO ang lisensya ng driver sa loob ng siyamnapung (90) araw at inatasan itong isumite ang lisensya sa itinakdang petsa ng pagdinig. Isinailalim din sa alarm status ang van na sangkot sa insidente upang maiwasan ang paggamit, pagbebenta, o paglipat ng pagmamay-ari nito nang walang pahintulot ng LTO.

Ayon kay LTO Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena, hindi kukunsintihin ng ahensya ang anumang uri ng iresponsableng pagmamaneho, lalo na kung may nasasawi.

โ€œHindi kami magdadalawang-isip na gamitin ang buong kapangyarihan ng batas laban sa sinumang motorista na maglalagay sa panganib ng buhay ng iba. Ang pagtakas sa lugar ng aksidente ay isang malinaw na pagpapakita ng kawalan ng pananagutan. Sisiguraduhin ng LTO na mapapanagot ang driver at ang may-ari ng sasakyan alinsunod sa umiiral na mga batas at patakaran,โ€ pahayag ni RD Decena.

Dagdag pa ng opisyal, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LTO sa Philippine National Police at iba pang ahensya upang matiyak na magiging mabilis, patas, at komprehensibo ang imbestigasyon sa insidente.

Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ R. Marcos Jr. na higpitan ang disiplina sa kalsada at panagutin ang mga pasaway na motorista, sa patnubay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan para sa mas ligtas na lansangan sa buong bansa.







31/12/2025

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Huwag Maniwala sa Fake News!

May mga kumakalat na mensahe sa iba't ibang plataporma na pinagkakamalang galing sa Land Transportation Office (LTO).

Walang katotohanan ang mga nasabing mensahe at hindi ito inilabas ng opisyal na tanggapan ng LTO.

Huwag basta-basta maniwala o mag-share ng anumang impormasyon na hindi tiyak na totoo. Laging suriin kung ang mensahe ay mula sa mga opisyal na social media account ng LTO. Ito lamang ang mga mapagkakatiwalaang sanggunian ng impormasyon tungkol sa mga patakaran at gawain ng ahensya.

18/12/2025
15/12/2025

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜: ๐“๐„๐Œ๐๐Ž๐‘๐€๐‘๐˜ ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐„๐“ ๐ƒ๐Ž๐–๐๐“๐ˆ๐Œ๐„ (๐Œ๐๐‹๐’) ๐€๐“ ๐’๐„๐‹๐„๐‚๐“๐„๐ƒ ๐‹๐“๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐’

Please be informed that we are currently experiencing internet connectivity issues through our Internet Service Provider MPLS service, affecting selected Land Transportation Office (LTO) District Offices nationwide.

We wish to clarify that the Land Transportation Management System (LTMS) itself is not affected. However, due to the internet disruption, there will be temporary delays in transaction processing at the impacted district offices.

Our technical team is actively coordinating with the Internet Service Provider to restore the internet connection at the earliest possible time, which will resolve the processing delays.

We sincerely apologize for any inconvenience this may cause to your transactions and operations. We appreciate your patience and understanding as we work to resolve the issue promptly.

Thank you.

09/11/2025

๐—”๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข

Alinsunod sa ANUNSIYO ng Malacaรฑang, ang operasyon sa Central Office at mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, at Rehiyon ng I, II, III, IV-A, IV-B, V, and VIII ay SUSPENDIDO, bukas, Lunes, ika-10 ng Nobyembre, bunsod ng nagbabadyang malakas na pag-ulan dulot ng Super Typhoon Uwan.

Samantala, ang mga personnel ng LTO-Field Enforcement Division (FED) sa Central Office at sa mga nabanggit na rehiyon ay naka-duty upang i-monitor ang situwasyon at nakahanda sa posibleng deployment para sa pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad, pagsasagawa ng evacuation assistance, at pagtulong sa distribusyon ng mga relief goods.

HAPPENING NOW: Plate Distribution in Hugo Perez TODA, Trece Martires Cavite..
04/10/2025

HAPPENING NOW:
Plate Distribution in Hugo Perez TODA, Trece Martires Cavite..

Address

SM City Trece Martires
Trece Martires

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DLRO SM TRECE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share