Mga Kasamang Ahensiya Kawani sa Unibersidad ng Pilipinas

Mga Kasamang Ahensiya Kawani sa Unibersidad ng Pilipinas Opisyal na FB Account para sa mga kasamang kawani ng UP Diliman mula sa ahensya ng janitorial at guard.

21/01/2025

Opisyal na Pahayag ng Defend Jobs Philippines hinggil sa Oil Price Hike
Enero 21, 2025

Muling kinukondena ng Defend Jobs Philippines ang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo ngayong Enero 2025. Batay sa aming pag-aaral, tumaas ang presyo ng gasolina, diesel, at kerosene ngayong Enero 2025 ng ₱3.50/litro, ₱5.10/litro, at ₱4.40/litro, ayon sa pagkakasunod. Ang mga dagdag-presyong ito ay direktang nagpapabigat sa kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan, partikular na ang sektor ng transportasyon at paggawa, na araw-araw nang nakikibaka laban sa tumataas na gastusin sa pamasahe, bilihin, at serbisyo.

Kasabay nito, itinutulak ng ilang grupo ang panukalang itaas sa ₱15 ang minimum na pamasahe sa jeepney. Mariin naming tinututulan ang panukalang ito. Ang ganitong hakbang ay nagpapasa ng krisis sa masang Pilipino sa halip na resolbahin ang ugat ng problema. Sa halip, nananawagan kami sa pamahalaan na managot at magpatupad ng konkretong solusyon upang maibsan ang pasanin ng publiko.

Mga Materyal na Problema

Ang umiiral na Oil Deregulation Law (Republic Act No. 8479) ang siyang nagbibigay-laya sa mga kumpanya ng langis na magtakda ng presyo nang walang sapat na regulasyon mula sa gobyerno. Ang sistemang ito ay nagdudulot ng monopolyo at manipulasyon ng merkado, na nagreresulta sa walang-kontrol na pagtaas ng presyo ng langis.

Bukod dito, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ay nagpapataw ng excise tax at value-added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo. Sa bawat litro ng gasolina, may dagdag na ₱10 excise tax at 12% VAT, na nagdadagdag ng humigit-kumulang ₱16-₱20 kada litro sa kabuuang presyo. Ang buwis na ito ay direktang binabayaran ng mga ordinaryong Pilipino, habang ang mga kumpanya ng langis ay nananatiling kumikita nang malaki.

Ang epekto nito ay malinaw: ang mga jeepney driver ay nawawalan ng halos ₱200-₱300 kita kada araw, habang ang mga manggagawa ay kinakailangang maglaan ng mas malaking porsyento ng kanilang sahod sa pamasahe. Samantala, ang mga pamilyang Pilipino ay patuloy na nagdurusa sa mataas na presyo ng bilihin.

Mga solusyon at jakbang na dapat isakatuparan

Bilang tugon, ang Defend Jobs Philippines ay nananawagan ng agarang aksyon mula sa pamahalaan at nagmumungkahi ng mga sumusunod:

1. Ibasura ang Oil Deregulation Law (RA 8479)

Dapat buwagin ang Oil Deregulation Law at ibalik ang kontrol ng gobyerno sa presyo ng langis. Ang makatarungang regulasyon ay magtitiyak ng transparency at magpoprotekta sa publiko laban sa pagmamanipula ng malalaking kumpanya ng langis.

2. Tanggalin ang Excise Tax at VAT sa produkto ng Petrolyo

Ang pagtanggal ng excise tax at VAT ay magpapababa sa presyo ng langis ng humigit-kumulang ₱16-₱20 kada litro, na magbibigay ng agarang ginhawa sa publiko. Sa halip na umasa sa buwis mula sa langis, dapat maghanap ang gobyerno ng alternatibong mapagkukunan ng pondo na hindi magpapahirap sa masa.

3. Magtatag ng National Oil Buffer Fund

Ang gobyerno ay dapat magtatag ng pondo mula sa kinikita ng malalaking kumpanya ng langis upang magsilbing subsidiya sa mga sektor tulad ng transportasyon at paggawa. Ang pondo ay magsisiguro ng proteksyon laban sa biglaang pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

4. Magpatupad ng Transport Subsidies

Sa halip na ipasa ang gastusin sa mga pasahero, dapat maglaan ang gobyerno ng targeted subsidies para sa sektor ng transportasyon upang mapanatili ang abot-kayang pamasahe.

5. Palakasin ang lokal na Enerhiya at Renewable Sources

Kailangang tutukan ang pagpapalakas ng lokal na produksyon ng enerhiya at pag-develop ng renewable energy sources tulad ng solar at wind power. Ang ganitong hakbang ay magbabawas ng pag-asa ng bansa sa imported na langis at magbibigay ng pangmatagalang solusyon.

6. Mas mahigpit na regulasyon sa kumpanya ng langis

Dapat ipatupad ang price monitoring mechanisms upang maiwasan ang overpricing at pagsasamantala ng mga kumpanya ng langis. Ang mga kumpanyang lalabag ay kailangang managot sa ilalim ng batas.

ANG PANAWAGAN!

Nanawagan kami sa pamahalaan na seryosohin ang krisis na ito at huwag itong ipasa sa balikat ng mamamayan. Ang tunay na solusyon ay hindi ang pagpapataw ng dagdag na pasanin sa masa, kundi ang pagbuwag sa mga patakarang nagpapahirap sa kanila at ang pagbibigay ng tunay na suporta sa mga apektadong sektor.

Hinihikayat namin ang bawat Pilipino na makiisa sa laban para sa makatarungan at sustenableng solusyon sa krisis ng langis. Sama-sama nating itulak ang mga makatarungang panukala upang magkaroon ng mas maayos na kinabukasan para sa lahat.

[OIL PRICE WATCH UPDATE LINK] https://tinyurl.com/OPW01212025




21/04/2024

Nagkaroon po ng meeting ang All UP workers union kina chancellor Vistan at Diliman Legal opis noong Abril 19, 2024 upang pag-usapan kung papaano mababayaran ang mga security guards ng Femjeg Security Agency. nagkaroon ng paglalatag ng ilang options papaano sisimulan ang pagsasa-ayos nito. salamat po

07/07/2022
07/07/2022
Sa ngayon ay ika 37 days ng walang trabaho ang mga dating guards ng Grand Meritus na hindi inabsorb ng kasalukuyang agen...
07/07/2022

Sa ngayon ay ika 37 days ng walang trabaho ang mga dating guards ng Grand Meritus na hindi inabsorb ng kasalukuyang agency na FEMJEG sa kabila na ang halos lahat ay may rekomendasyon ng bawat yunit. Simula noong June 1, 2022, unang araw na hindi sila inabsorb ay naging kasama na ang All UP Workers Union ng mga gwardiya sa pakikipaglaban upang sila ay maibalik, pakikipag-usap sa kinatawan ng FEMJEG kasama si Vice President Yunque, Chancellor Nemenzo at Vice Chancellor Bawagan at iba pang opisyal ng UP.

Sa ngayon ay patuloy na nagtitipon/nagkakaisa ang mga gwardiya at nananawagan na patalsikin na ang FEMJEG sa UP at palitan ng ibang security agency na maayos magpasweldo at magbigay ng mga nararapat na benepsiyo.

Sinusuportahan at nananawagan din ang All UP Workers Union na agaran ng i-terminate ang kontrata ng FEMJEG sa UP Diliman dahil sa madaming paglabag nito sa kontrata kasama na dito ang hindi pagpapasahod sa tamang panahon.

Regularisasyon! Hindi Kontraktwalisasyon!
FEMJEG Patalsikin na! Ngayon na!

IBALIK NA SA MGA DATING PWESTO AT  TANGGAPIN NG  FEMJEG SECURITY AGENCY ANG MGA GUWARDIYA!Kaninang umaga, Hunyo 14, 2022...
14/06/2022

IBALIK NA SA MGA DATING PWESTO AT TANGGAPIN NG FEMJEG SECURITY AGENCY ANG MGA GUWARDIYA!

Kaninang umaga, Hunyo 14, 2022 ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ni Vice President Yunque, Chancellor Nemenzo, Vice Chancellor Aleli Bawagan Chief Security Officer Atty. Barona, Field Commander Clark Fajardo at All UP Workers Union.

Sa naganap na pagpupulong ay napag-usapan kung papaano muling makakabalik ang mga dating gwardiya ng Grand Meritus. Mariing hiniling ni Chancellor Nemenzo kay Field Commander Fajardo na dapat mabigyan nang agarang solusyon na muling maibalik ang lahat ng mga datihang gwardiya ngayong linggong ito. Ipinahayag naman Ni Commander Fajardo na aaksyunan nila ang kahilingan ni Chancellor Nemenzo.

Kung matatandaan ang karamihang dating gwardiya ng Grand Meritus ay hindi tinanggap ng bagong nanalong agency na FEMJEG Security Agency. Simula ng ito ay nag-take-over noong Hunyo 1, 2022.

Sa ngayon ang mga guards na patuloy na nagtitipon-tipon sa may Quezon Hall mula Hunyo 1, upang patuloy na hilingin ang kanilang agarang pagbabalik.

03/06/2022

KAAGAD IBALIK NA SA MGA DATING PWESTO AT I-ABSORB NG FEMJEG SECURITY AGENCY ANG MGA GWARDIYA!

Kaninang umaga ay nagtipon tipon ang mga kasamang gwardiya na hindi na-absorb ng bagong nanalong agency na FEMJEG Security Agency sa may harapan ng opisina ng Vice Chancellor for Community Affairs upang hilingin na muli silang maibalik sa kanilang dating mga pwesto.

Simula June 1, 2022 ay nag-take-over na ang FEMJEG Security Agency ng manalo ito sa bidding sa area na dating hawak ng Grand Meritus Security Agency.

Sang-ayon sa mga guards, aabot ng halos 130 ang kanilang bilang na nawalan ng trabaho simula June 1, 2022 dahil hindi sila na-absorb ng bagong security agency.

Kaninang mga 3:00pm ay bagkaroon sila ng dyalogo kay Vice President Yunque kasama ang kinatawan ng All UP Workers at ipinaabot ang kanilang hinaing at pagnanais na makabalik agad sila sa dati nilang mga pwesto. Ipinaabot naman ni VP Yunque na muli silang makikipag-usap sa may-ari ng egency kasama ang mga kinatawan ng mga guards bukas ng hapon.

Sa ngayon ay napagkaisahan ng mga guards na patuloy silang magtitipon tipon sa may Quezon Hall upang patuloy na hilingin ang kanilang agarang pagbabalik.

Gusto mo bang magkaroon ng kaalaman sa mga batayang karapatan ng manggagawa o tumulong sa mga kapwa manggagawa?      Ina...
25/03/2022

Gusto mo bang magkaroon ng kaalaman sa mga batayang karapatan ng manggagawa o tumulong sa mga kapwa manggagawa?
Inaanyayahan po ang lahat na interesdong dumalo sa paralegal training na ito. Ang magbibigay po dito ay mula sa PRO-labor (tumutulong sa mga manggagawa sa usaping legal). Kailangan lamang po sanang matapos natin ang buong session. Ito po ay on-line training. Magbibigay din po ng "Certificate" sa mga nakatapos.
Lahat ng interesado ay mangyaring ipaabot lamang sa unyon hanggang Martes -Marso 29, 2022 upang maisama kayo sa listahan na ipapadala natin. Limitadong slot lamang po ito. Maraming salamat.

03/02/2022

Nagpadala ng sulat ang unyon sa Philcare:

31 Enero 2022

G. CHRISTOPHER MALELANG
Supervisor
PHILCARE Manpower Services
Dilimall, Philcoa Diliman Quezon City

Kaligtasan po sa ating lahat!

Ang All UP Workers Union (AUPWU), bilang sole and exclusive negotiating representative ng mga rank-and-file na administratibong kawani sa Unibersidad ng Pilipinas na nakikipag -negosasyon sa UP Administration para sa benepisyo at kagalingan ng lahat ng kawani nito. Kabilang sa tungkulin nito ay mapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa mula sa ahensya na nakatalaga sa UP.

Kami po ay malugod na humihiling sa inyo ng isang pagpupulong (face to face) upang malinawan at matalakay ang mga sumusunod na usapin para sa mga custodial workers na nakatalaga sa UP Diliman:

1. Physical/medical examination, ATM
2. Basic salary:e-COLA, overtime pay, Day Off Pay, Holiday pay
3. Mga benepisyo
4. Deductions: SSS, Pag-ibig,Philhealth, etc.

Kung inyong mamarapatin iminumungkahi namin na maganap ito sa alinmang sumusunod na petsa: Pebrero 3, 4, 2022 sa ganap na 3:00 ng hapon sa inyong opisina o sa opisina ng All UP Workers Union sa F. Benitez Alumni Center, Magsaysay Avenue corner Ylanan St. U.P. Campus.

Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon. Maraming salamat.

Para sa kawani at bayan,

Clodualdo “Buboy” Cabrera
Pangulo

Binigyang sipi:
Dr. Augustus C. Resurreccion
Director, HRDO UP Diliman
at Head JIMT

Address

University Of The
The

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Kasamang Ahensiya Kawani sa Unibersidad ng Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category