07/06/2026
5 Days to a Strong Start ▶️
GABAY SA SY 2026-2027 THREE-TERM CALENDAR AT GRADING SYSTEM!
Isang malaking pagbabago para sa mas produktibong pag-aaral! Ngayong Taong Panuruan 2026-2027, opisyal nang ipinapatupad ng Abuyod National High School ang DepEd Trimester / Three-Term System.
Narito ang mga paunang detalye para sa Opening Block at panibagong School Calendar para sa mga bata at mga magulang.
ANG ATING THREE-TERM CALENDAR (Kabuuang 201 Class Days)
Sa bagong sistemang ito, hinati sa tatlong (3) Terms ang buong school year sa halip na ang dating apat (4) na Quarters. Ang bawat Term ay binubuo ng tatlong bahagi (Blocks):
TERM 1: June 8 – September 15, 2026
- Opening Block (June 8-12): Oryentasyon, diagnostic tests, at paghahanda. (Unang araw ng pasukan: June 8!)
- Instructional Block (June 15 - Sept 1): 69 na araw ng tuloy-tuloy na pagtuturo nang walang abala.
- End of Term Block (Sept 2-15): Pag-compute ng grado, remediation, at wellness break para sa mag-aaral at g**o.
- End of Term 1: September 15, 2026
TERM 2: September 21 – December 18, 2026
- Instructional Block: 67 na araw ng tuloy-tuloy na klase.
- End of Term Block: Grado, Christmas programs, at recognition.
- Christmas Break: December 19, 2026 – January 3, 2027
TERM 3: January 4 – April 8, 2027
- Instructional Block: 65 na araw ng tuloy-tuloy na klase.
- End of Term Block: Final grading at paghahanda para sa Moving-Up/Graduation. (Huling araw ng pasukan: April 8, 2027!)
💡 Tandaan: Ang mga legal holidays at weekends ay hindi bawas sa 201 class days, kaya tuloy-tuloy ang aralin nang hindi humahaba ang buong school year. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ang ARAL Program upang bigyang pansin ang mga batang mahirap bumasa sa kanilang itinakdang araw at oras.
✨ ANO MAGANDANG DULOT NG SISTEMANG ITO?
Mas malalim ang pagkatuto dahil tuloy-tuloy ang turo (2 buwang walang abala). May nakalaang panahon din para sa pahinga at "wellness break" kaya iwas-stress.
Mas may sapat na oras sa pagtuturo, pag-compute ng grado, at paggabay sa mga mag-aaral na nangangailangan ng remediation (ARAL Program).
Mas organisado ang kalendaryo ng mga aktibidad at hindi nagsasabay-sabay ang turo, exam, at events.
Sama-sama nating yakapin ang makabagong sistemang ito para sa mas matatag na edukasyon! Kung mayroon po kayong mga katanungan, maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa ating opisyal na pahina o magtungo sa paaralan.