Brgy Ilasan Ilaya Tayabas City

Brgy Ilasan Ilaya Tayabas City The Official page of Brgy Ilasan Ilaya City of Tayabas Quezon Province.

HAPPY BIRTHDAY KAGAWAD Marilou Masinag๐ŸŽ‰Mula sa Sangunian ng Barangay Ilasan Ilaya ang pag bati namin ng maligayang kaara...
14/09/2026

HAPPY BIRTHDAY KAGAWAD Marilou Masinag๐ŸŽ‰

Mula sa Sangunian ng Barangay Ilasan Ilaya ang pag bati namin ng maligayang kaarawan, Naway maging malusog at mas malakas pa ang iyong pangangatawan para sa patuloy na pagseserbisyo sa ating Brgy.

NARITO ANG LISTAHAN NG MGA UNCLAIMED NA BIGAS ! Maari po kayong magtungo sa window 7 CSWD Office New City Hall para i-cl...
27/08/2026

NARITO ANG LISTAHAN NG MGA UNCLAIMED NA BIGAS !

Maari po kayong magtungo sa window 7 CSWD Office New City Hall para i-claim ito ngayong araw ng Huwebes August 27, 2026.

๐Ÿ“ข PAALALA SA LAHAT NG BENEPISYARYO NG RICE DISTRIBUTIONKAILAN : AUGUST 25, 2026 ORAS : 02:30PM - 04:30PMSAAN : INFRONT O...
22/08/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA LAHAT NG BENEPISYARYO NG RICE DISTRIBUTION

KAILAN : AUGUST 25, 2026
ORAS : 02:30PM - 04:30PM
SAAN : INFRONT OF NEW CITY HALL

Nandito na po ang final list ng mga benepisyaryo ng Rice Distribution Program. Pakitandaan po ang numero ninyo sa listahan, dahil ito po ang inyong magiging reference sa araw ng release ng bigas.

๐Ÿ“Œ Mga Paalala:

Magdala po ng 2 photocopies ng valid ID.
Ang venue ng release ng bigas ay sa harap ng New City Hall, Tayabas City.
Mangyaring sumunod sa nakatakdang oras at araw ng inyong schedule upang maging maayos at mabilis ang distribution.
Papayagan lamang ang authorized representative kung may makatwirang dahilan kung bakit hindi personal na makakakuha ang mismong benepisyaryo.
Kung representative po ang kukuha, kinakailangang magdala ng:
Authorization Letter mula sa benepisyaryo;
Pangalan ng authorized representative na malinaw na nakasaad sa authorization letter;
2 photocopies ng valid ID ng authorized representative; at
2 photocopies ng valid ID ng benepisyaryo.

๐Ÿ™ Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Pakitandaan po ang inyong numero, schedule, at mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang abala sa araw ng distribution.

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT NG NAKIISA AT TUMULONG UPANG MAGING SUCCESSFUL ANG ATING IKA-SAMPUNG TAON NG LUNISAN...
17/08/2026

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT NG NAKIISA AT TUMULONG UPANG MAGING SUCCESSFUL ANG ATING IKA-SAMPUNG TAON NG LUNISAN !

Sa mga sponsors maraming maraming salamat po sa palagiang suporta at pakikibahagi sa Brgy Ilasan Ilaya. Naway pagkalooban pa kayo ng maraming biyaya.

Sa mga nagbahagi ng Talento ngayong gabi, SRPS LYRE BAND, LIKHA FIRE ARTIST, THE VAMPS AT DALLAS DANCERS maraming salamat sa napakagandang performance na inyong ibinahagi upang mas mapaganda pa ating Lunisan.

Sa mga kalapit barangay na nakiisa at nakisaya, maraming salamat po sa inyong lahat.

Laloโ€™t higit sa ating masisipag na bantay bayan, sa mga Police Hotline Movement Inc. -Lucena Chapter at Kapulisan upang matiyak na walang kaguluhang magaganap.

Ang Sangunian ng Ilasan Ilaya po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.

Tuloy tuloy ang pag unlad, ILASAN ILAYA magyayabong pa.

ONLINE ECO FIESTA RAFFLE!Handa na ba ang lahat? Ngayong 4:00 PM, sama-sama nating tutukan ang ating ONLINE ECO FIESTA RA...
17/08/2026

ONLINE ECO FIESTA RAFFLE!

Handa na ba ang lahat?
Ngayong 4:00 PM, sama-sama nating tutukan ang ating ONLINE ECO FIESTA RAFFLE!

๐Ÿ“ฑ LIVE na LIVE sa page ng Brgy. Ilasan Ilaya, Tayabas City!

Abangan ang ating LIVE DRAW at alamin kung sino-sino ang mga maswerteng mananalo!

Mula sa simpleng pagre-recycle, naging pagkakataon para manalo at makatulong sa ating komunidad.

MASAYA ANG FIESTA, MAY PREMYA KA PA!
SUPORTA SA KALIKASAN, PREMYA PARA SA BAYAN!

๐Ÿ“Œ LIVE AT 4:00 PM
๐Ÿ“ Brgy. Ilasan Ilaya, Tayabas City page

Huwag mahuli! Kita-kits sa LIVE! ๐Ÿ”ด๐Ÿ“ฑ

MAMAYA NA PO ANG ATING 10TH YEAR LUNISAN SA ILASAN ILAYA! Malapit na ang pinakahihintay nating gabi ng musika, saya, pag...
17/08/2026

MAMAYA NA PO ANG ATING 10TH YEAR LUNISAN SA ILASAN ILAYA!

Malapit na ang pinakahihintay nating gabi ng musika, saya, pagkakaisa at tradisyon!

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng ating appointed at elected officials, gayundin sa ating mga minamahal na mamamayan ng Ilasan Ilaya, na nakiisa at naglaan ng oras at lakas upang maihanda at maisaayos ang ating Covered Court para sa ating pagdiriwang mamaya.

Higit sa lahat, maraming-maraming salamat po sa ating mga SPONSORS sa inyong walang sawang suporta, pagtulong at pakikiisa upang maging mas makabuluhan at matagumpay ang ating 10th Year Lunisan sa Ilasan Ilaya.

Ang pagdiriwang na ito ay patunay na kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan, mas nagiging makulay ang bawat selebrasyon.

๐Ÿ“ Quezon Ave. New Covered Court, Ilasan Ilaya
๐Ÿ“… August 17, 2026

MAMAYA NA PO! TARA NA AT MAGLUNISAN!
10TH YEAR LUNISAN SA ILASAN ILAYA, ISANG GABI NG SAYA, MUSIKA AT PAGKAKAISA! ๐ŸŽถ๐ŸŽ‰

MASASAKSIHAN DIN NATIN MAMAYA! Ihanda na ang inyong mga sarili dahil makikisaya at magpapasigla sa ating 10th Year LUNIS...
17/08/2026

MASASAKSIHAN DIN NATIN MAMAYA!

Ihanda na ang inyong mga sarili dahil makikisaya at magpapasigla sa ating 10th Year LUNISAN SA ILAYA ILASAN ang SRPS LYRE BAND!

Isang gabi ng musika, saya at tradisyon ang ating pagsasaluhan! Tara na at suportahan natin ang ating mga kabataang musikero.

๐Ÿ“… AUGUST 17, 2026
๐Ÿ“ Quezon Ave. New Covered Court, Ilasan Ilaya
โฐ Gates Open: 6:00 PM

TARA NA! MAKISAYA, MAKINIG AT MAKISABAY SA INDAYOG NG MUSIKA!

Kanya-kanyang dala ng lamesa, inumin at pulutan.
Panatilihin ang kalinisan, iwasan ang gulo. Ang alak ay sa tiyan, hindi sa ulo!

Maligayang Kapistahan ni San Roque!VIVA SAN ROQUE!Ngayong Agosto 16, sama-sama nating ipagdiwang ang kapistahan ng ating...
15/08/2026

Maligayang Kapistahan ni San Roque!
VIVA SAN ROQUE!

Ngayong Agosto 16, sama-sama nating ipagdiwang ang kapistahan ng ating mahal na patron, San Roque, nang may buong puso, pananampalataya at pasasalamat.

Nawaโ€™y maging masaya, makabuluhan at puno ng pagkakaisa ang ating selebrasyon.

Paalala sa lahat: Magselebra tayo nang masaya, matiwasay at responsable. Panatilihin ang kaayusan at kalinisan, igalang ang bawat isa, at iwasan ang anumang gulo.

Magsaya, magkaisa, at ipagdiwang ang ating Fiesta nang may respeto at pagmamahal sa ating komunidad!

VIVA SAN ROQUE!
MABUHAY ANG ILASAN!

LAST DAY NG PALIT BOTE PARA SA 2nd ECO FIESTA RAFFLE NG ECOLOGICAL SOLID WASTE AT BNS NG ILASAN ILAYA!! Sa mga nais maki...
13/08/2026

LAST DAY NG PALIT BOTE PARA SA 2nd ECO FIESTA RAFFLE NG ECOLOGICAL SOLID WASTE AT BNS NG ILASAN ILAYA!!

Sa mga nais makilahok sa ating Eco fiesta raffle magtungo lamang po sa
๐Ÿ“Brgy Ilasan Ilaya, Brgy Hall, Sitio ESG

50plastic bottles = 1raffle Entry
25 glass bottles = 1raffle Entry

Hanapin lamang po ang ating masisipag na BNS para makapag palista at mabilang ang inyong bote.

Sa AUGUST 17 po ang ating raffle 3PM ng hapon !!

I-follow, like and share ang ating page para sa update!!

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ โ—โ—โ—Pamamahagi ng ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž para sa mga kwalipikadong ๐‰๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ at ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ...
11/08/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ โ—โ—โ—

Pamamahagi ng ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐„๐๐ฎ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐œ๐ž para sa mga kwalipikadong ๐‰๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ at ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‡๐ข๐ ๐ก ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ž๐ง๐ž๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ซ๐ข๐ž๐ฌ:

๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐: August 12, 2026 (Wednesday)
๐’๐€๐€๐: Atrium, New Tayabas City Hall, Brgy. Baguio, Tayabas City
๐Ž๐‘๐€๐’: 1:30 P.M.

๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐†๐€๐ ๐ƒ๐€๐‹๐‡๐ˆ๐:

Para po sa mismong beneficiary na ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™จ๐™ค๐™ฃ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™ ๐™ช๐™ ๐™ช๐™๐™–:
๐Ÿ“Œ Photocopy ng valid ID ng beneficiary at 2026 Cedula
๐Ÿ“Œ Para po sa minor beneficiary, pakidala ang photocopy ng 2026 Cedula ng magulang o guardian

๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐€๐”๐“๐‡๐Ž๐‘๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐‘๐„๐๐‘๐„๐’๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐•๐„:

Pakidala po ang mga sumusunod:
๐Ÿ“Œ Authorization Letter- nagsasaad na pinahihintulutan ng beneficiary ang kanyang authorized representative na tumanggap ng Educational Assistance
๐Ÿ“Œ Photocopy ng valid ID ng beneficiary
๐Ÿ“Œ Photocopy ng valid ID ng authorized representative
๐Ÿ“Œ Photocopy ng 2026 Cedula ng magulang o guardian para sa mga minor beneficiary

Address

Tayabas
4327

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Ilasan Ilaya Tayabas City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share