04/06/2026
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฑ๐๐ธ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ต ๐๐๐๐ผ๐ป, ๐๐ถ๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฑ๐๐ต ๐ก๐ผ๐ฟ๐๐ต ๐๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ ๐๐๐๐ถ๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ (๐ก๐๐๐๐) ๐ฉต๐
Naging sentro ng 35th North Luzon Area Business Conference (NLABC) ang pagtatampok sa mayayamang produkto, industriya, at negosyong nagmumula sa ibaโt ibang lalawigan ng North Luzonโmga produktong sumasalamin sa husay, sipag, at pagkamalikhain ng mga lokal na negosyante.
Sa pangunguna ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), muling pinagtibay ang layunin ng NLABC na palawakin ang oportunidad para sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at bigyang-daan ang mas matibay na ugnayan sa pagitan ng sektor ng negosyo, akademya, at pamahalaan.
Nakiisa si Mayor Susan Yap sa kumperensiya kahapong June 3, 2026, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng mga programang nakatuon sa MSME development, capacity building, at digital marketplaces upang mas mapalawak ang merkado ng mga lokal na produkto at negosyo.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa PCCI sa patuloy nitong pangunguna sa mga inisyatibong nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga negosyante at nagsisilbing tulay sa pagpapalago ng ekonomiya sa buong North Luzon.
Binalikan din ni Mayor Yap ang mga naging hakbang upang maipakilala ang mga produktong Tarlaqueรฑo sa ibaโt ibang bahagi ng bansa at sa pandaigdigang merkado, kasabay ng kanyang pangakong ipagpapatuloy ang mga programang magtataguyod sa Tarlac at sa mga lokal nitong produkto.
โEconomic progress goes hand in hand with the people in business, with the academe, with our peacekeeping forces, and with the local government units,โ ani Mayor Yap.
Sa pamamagitan ng mga programang isinusulong ng PCCI at ng pagkakaisa ng sektor ng negosyo, akademya, kapulisan, at pamahalaan, patuloy na nabibigyang-lakas ang mga lokal na produkto at negosyong siyang susi sa mas progresibong kinabukasan ng North Luzon.