SAN JOSE PESO

SAN JOSE PESO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SAN JOSE PESO, Government Organization, san jose, Tarlac.

Naging matagumpay ang pagbisita ni Mayor Romeo Capitulo kahapon sa ginaganap na Community-Based Training Program sa Gour...
29/05/2026

Naging matagumpay ang pagbisita ni Mayor Romeo Capitulo kahapon sa ginaganap na Community-Based Training Program sa Gourmet Making sa Maamot Covered Court. Ang programang ito ay handog ng PESO San Jose para sa KABSAT Maamot upang magkaroon sila ng bagong mapagkakakitaan.

Taos-pusong pasasalamat din kay Sir Danilo Gacusan sa pagiging trainer at sa pagbabahagi ng mahahalagang tips at sikreto sa paggawa ng masasarap na gourmet.



Binisita at nakiisa si Mayor Romeo Capitulo sa huling araw ng isinagawang Community-Based Training Program para sa Bread...
26/05/2026

Binisita at nakiisa si Mayor Romeo Capitulo sa huling araw ng isinagawang Community-Based Training Program para sa Bread & Pastry Production ng KABSAT Mababanaba na ginanap sa Mababanaba covered court.

Ang matagumpay na programang ito ay inisyatibo ng ating Municipal Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Christian F. Lantano. Layunin nitong mabigyan ng de-kalidad na kasanayan at bagong oportunidad sa pangkabuhayan ang ating mga kababayan.

Lubos din ang ating pasasalamat kay Sir Danilo Gacusan, ang kanilang mahusay na trainer na nagbahagi ng kanyang kaalaman at talento sa pagbe-bake.

Congratulations sa lahat ng ating mga trainees!

๐™‹๐™–๐™ฉ๐™ช๐™ก๐™ค๐™ฎ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ˆ๐™–๐™–๐™–๐™จ๐™–๐™๐™–๐™ฃ! ๐™Ž๐˜ผ๐™‰ ๐™…๐™Š๐™Ž๐™€ ๐™‰๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐™€๐™ ๐™Š๐™‰๐™€! ๐ŸŒฟ๐Ÿ†


Kailyan! Ang Roam Medica Enterprises ay kasalukuyang nangangailangan ng isang Bookkeeper.Kung ikaw ay kwalipikado at may...
19/05/2026

Kailyan! Ang Roam Medica Enterprises ay kasalukuyang nangangailangan ng isang Bookkeeper.

Kung ikaw ay kwalipikado at may sapat na kakayahan, huwag nang palampasin ang pagkakataong ito!



Binabati namin si Jeremy M. Catayna mula sa Brgy. Iba, San Jose, Tarlac sa pagtanggap ng Certificate of Recognition bila...
06/05/2026

Binabati namin si Jeremy M. Catayna mula sa Brgy. Iba, San Jose, Tarlac sa pagtanggap ng Certificate of Recognition bilang Regional Nominee sa 2025 Youth Employability Program and Key Partnersโ€™ Recognition Awards (Top SPES Youth Achiever Category).

Ang parangal na ito ay iginawad ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office No. III noong ika-1 ng Mayo, 2026, kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 na Labor Day sa Tarlac City.

Salamat sa DOLE Region III sa pagkilala sa husay ng mga kabataang manggagawa. Patunay ito na ang sipag sa SPES ay may magandang bunga! ๐Ÿฅณ



Handa ka na bang magkatrabaho? Sagutan na ang Job Preference Survey! ๐Ÿ’ผMga kababayan! Nais ng PESO San Jose na mas mapada...
27/04/2026

Handa ka na bang magkatrabaho? Sagutan na ang Job Preference Survey! ๐Ÿ’ผ

Mga kababayan! Nais ng PESO San Jose na mas mapadali ang paghahanap ninyo ng trabahong tugma sa inyong kakayahan at kagustuhan.
Inaanyayahan namin ang lahat ng residente ng San Jose na may edad 18 taong gulang pataas na sagutan ang ating Job Preference Survey 2026.

Ang inyong mga sagot ay makakatulong sa atin upang mas mapaganda ang ating mga Local Recruitment Activity (LRA), Special Recruitment Activity (SRA) at iba pang serbisyo sa trabaho.

๐Ÿ“ Sagutan ang form dito: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeHrcWxI3aI25hMDLfw1VnPgWqr8y1zsJofNwLJyN5Ho-LmCQ/viewform

Sama-sama tayong bumuo ng mas maraming oportunidad para sa San Josenians!




May talento ka bang dapat ipakita? Ito na ang pagkakataon mo para magningning! Sumali na at ipakita ang galing ng mangga...
14/04/2026

May talento ka bang dapat ipakita? Ito na ang pagkakataon mo para magningning!

Sumali na at ipakita ang galing ng manggagawang Tarlakenyo! ๐Ÿ’ช๐Ÿ”ฅ

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang SPES (Special Program for Employment of Students) Payout na ginanap sa ABC Hall...
13/04/2026

Matagumpay na naisagawa ngayong araw ang SPES (Special Program for Employment of Students) Payout na ginanap sa ABC Hall.

Ang programang ito ay pinangunahan ng Department of Labor and Employment Tarlac Field Office katuwang ang ating PESO San Jose.

Ito ay naglalayong makapagbigay ng tulong pinansyal sa ating mga masisipag na estudyante kapalit ng kanilang serbisyo.

Maraming salamat rin sa ama ng ating bayan, Mayor Romeo Capitulo sa kanyang walang sawang suporta sa mga kabataan at sa pagpapahalaga sa edukasyon at ng bawat San Josenians.



Matagumpay na isinagawa ngayong umaga ang Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) para sa ating mga kababayang Seasona...
07/04/2026

Matagumpay na isinagawa ngayong umaga ang Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) para sa ating mga kababayang Seasonal Workers na nakatakdang lumipad patungong South Korea ngayong April 10, 2026.

Ginanap ang aktibidad sa ABC Hall sa ilalim ng inisyatibo ng PESO San Jose, sa panugunguna nina Senior Labor and Employment Officer Christian Lantano at SWP Focal Jayson Mariano. Ang programang ito ay taos-pusong sinuportahan ng ating ama ng bayan, Municipal Mayor Romeo Capitulo, upang tiyakin ang kaligtasan at kahandaan ng ating mga manggagawa sa ibang bansa.



๐Ÿ“ข HIRING ALERT: LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY! ๐Ÿ“ขNaghahanap ka ba ng bagong oportunidad sa trabaho? Ang CleanEdge Manpower S...
05/04/2026

๐Ÿ“ข HIRING ALERT: LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY! ๐Ÿ“ข

Naghahanap ka ba ng bagong oportunidad sa trabaho? Ang CleanEdge Manpower Solution Inc. ay magsasagawa ng Local Recruitment Activity (LRA) sa ating tanggapan!

๐Ÿ—“ Kailan: April 6, 2026 (Monday)
๐Ÿ“ Saan: PESO Office, San Jose Public Market, Lawacamulag San Jose
Narito ang mga bakanteng posisyon na maaari ninyong apply-an:

๐Ÿ“ PARA SA RELOCATION (Manila, Pampanga, Bulacan, Laguna, Cavite)

May kasama itong Dormitory/Accommodation para sa mga matatanggap.
* Rider / Merchandiser (Meatshop Deployment) ๏ฟฝ- Lalaki ๏ฟฝ- At least High School Graduate ๏ฟฝ- With or without experience ๏ฟฝ- Willing ma-relocate๏ฟฝ
๐Ÿ“ ICE CREAM FACTORY (Clark, Pampanga)
* Production Staff๏ฟฝ- At least High School Graduate ๏ฟฝ- Willing mag-trabaho sa shifting schedule

๐Ÿ“ SOLAR FARM PROJECT (Mabalacat, Pampanga)
May nakalaang Barracks para sa mga manggagawa.
* 100 Laborers
* 30 Electricians (NC II)
* 1 Electrician Foreman
* 1 Civil Foreman
* 2 Mini Hydraulic Excavator Operators (NC II)
* 3 Wheel Loader Operators
* 1 Forklift Operator (NC II)
* 5 QA/QC Aide
* 2 Board Pile Machine Operators

Bakit dapat mag-apply?
โœ… Continuous hiring para sa long-term at project-based na mga posisyon.
โœ… May libreng accommodation (Dorm/Barracks) sa mga piling lokasyon.

Magtungo lamang sa ating PESO Office sa Lunes at dalhin ang inyong updated na Resume o Bio-data.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makahanap ng trabahong swak sa iyong kakayahan!




Isang mahalagang hakbang ang hinarap ng ating 24 Seasonal Workers sa ginanap na Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS...
24/03/2026

Isang mahalagang hakbang ang hinarap ng ating 24 Seasonal Workers sa ginanap na Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) sa tanggapan ng PESO. Ito ang huling paghahanda bago ang kanilang flight bukas para sa Seasonal Workers Program (SWP) sa South Korea.

Personal na ginabayan nina Senior Labor and Employment Officer Christian Lantano at SWP Focal Jayson Mariano ang ating mga kababayan tungkol sa kanilang mga magiging tungkulin at karapatan sa ibang bansa. Taos-puso rin ang pasasalamat sa ating Municipal Mayor Romeo G. Capitulo sa kanyang walang sawang pagsuporta sa mga programang nagbibigay ng hanapbuhay para sa bawat San Josenians.



Address

San Jose
Tarlac
2318

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAN JOSE PESO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share