22/03/2022
Tarlac Student Leaders for Leni, Simulan na natin ang Online Campaign!
Kilala bilang kanlungang ng iba't ibang lahi, iisa pa rin ang hangarin ng bawat Tarlakenyo; Gobyernong tapat at mahusay, may pananagutan at tunay na inuuna ang interes ng taumbayan.
Ako si (pangalan) lumalaban at patuloy na maninindigan para sa gobyernong tapat, na mag aangat sa buhay ng lahat.
Sa kabila ng mga nagdaang taon, nakita natin ang luma at klase ng bulok na pulitika sa ating bansa. Sinabayan pa ng pandemya na lubhang nakaapekto sa kabuhayan ng bawat Pilipino. Ngunit dito rin natin nakita kung anong klase ng Pinuno ang kailangan natin upang tuluyan na tayong makalaya sa ating sitwasyon.
Kabataang estudyante-leader ng Tarlac, dapat lamang na ipakita at iparamdam ang ating nagkakaisang tinig at lakas upang suportahan ang kandidatura ng ating susunod na Pangulo. Pagkaisahin ang lakas, pandayin ang bukas, tumindig kasama ni Leni Robredo!
Tarlac, Tara na, tayo naman! Para sa kulay ROSAS na bukas! 💗🎀
----------------------------------------------------------------------------------
Sa Gobyernong tapat, may special profile picture ang lahat! I-change ang inyong Display/Profile Photo gamit ang Tarlac Student Leaders for Leni frame.
Para magamit ang frame, pumunta lamang sa Twibbonize link na ito twb.nz/tsll at i-upload ang inyong litrato.
Maraming salamat at kita-kits sa ika-23 ng Marso mga kakampinks!