30/05/2026
🏐🏆 𝐖𝐄 𝐀𝐑𝐄 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐇𝐀𝐌𝐏𝐈𝐎𝐍𝐒! 🏆🏐
Tumataginting na 10-0 sa buong season? Walang duda, 𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡!🔥
Isang taos-pusong pagbati sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗼𝗰 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗩𝗼𝗹𝗹𝗲𝘆𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗲𝗮𝗺 sa inyong muling paguwi ng kampyonato sa Tanay Inter-Barangay Tournament 2026!
Sa bawat ensayo, bawat sakripisyo, at bawat laban na inyong hinarap, ipinakita ninyo ang tunay na kahulugan ng dedikasyon, disiplina, at pagkakaisa. Hindi naging madali ang landas patungo sa kampeonato, ngunit sa pamamagitan ng inyong puso at determinasyon, matagumpay ninyong naiuwi ang pinakaaasam na titulo para sa ating barangay.
Isang pagbati rin sa mga indibidwal na parangal na lalong nagbigay ningning sa ating tagumpay:
🏅 𝙈𝙤𝙨𝙩 𝙑𝙖𝙡𝙪𝙖𝙗𝙡𝙚 𝙋𝙡𝙖𝙮𝙚𝙧 – 𝘒𝘪𝘦𝘳𝘴𝘵𝘦𝘪𝘯 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘭𝘪𝘯𝘢𝘯
🏅 𝘽𝙚𝙨𝙩 𝙎𝙚𝙩𝙩𝙚𝙧 – 𝘗𝘢𝘶𝘭𝘺𝘯 𝘛𝘰𝘳𝘪𝘣𝘰
🏅 𝘽𝙚𝙨𝙩 𝙇𝙞𝙗𝙚𝙧𝙤 – Adrianne Fontanos
🏅 𝘽𝙚𝙨𝙩 𝘽𝙡𝙤𝙘𝙠𝙚𝙧 – 𝘈𝘪𝘻𝘪 𝘛𝘢𝘮𝘣𝘪𝘨𝘢
🏅 𝘽𝙚𝙨𝙩 𝙊𝙪𝙩𝙨𝙞𝙙𝙚 𝙃𝙞𝙩𝙩𝙚𝙧 – 𝘊𝘩𝘦𝘴𝘴𝘪𝘳𝘦 𝘎𝘢𝘵𝘤𝘩𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯
🏅 𝘽𝙚𝙨𝙩 𝙊𝙥𝙥𝙤𝙨𝙞𝙩𝙚 𝙃𝙞𝙩𝙩𝙚𝙧 – 𝘋𝘢𝘱𝘩𝘯𝘦 𝘈𝘴𝘶𝘯𝘤𝘪𝘰𝘯
🏅 𝙈𝙮𝙩𝙝𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙎𝙞𝙭 – 𝘒𝘪𝘦𝘳𝘴𝘵𝘦𝘪𝘯 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘭𝘪𝘯𝘢𝘯
🏅 𝙈𝙮𝙩𝙝𝙞𝙘𝙖𝙡 𝙎𝙞𝙭 – 𝘊𝘩𝘦𝘴𝘴𝘪𝘳𝘦 𝘎𝘢𝘵𝘤𝘩𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯
Maraming salamat sa buong pusong pagrepresenta sa ating mahal na Barangay Sampaloc. Ang bawat puntos, bawat depensa, at bawat tagumpay ninyo ay nagbigay ng karangalan sa ating komunidad.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga magulang, sponsors, supporters, at sa ating masisipag na coaches:
𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗖𝗼𝗮𝗰𝗵 – Coach Laila Durante
𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗮𝗰𝗵 – Coach Mark Niones
Ang kampeonatong ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, suporta, at pagmamahal sa isport at sa ating barangay. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang kabataan na mangarap, magsikap, at magtagumpay.
𝙄𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞, 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙤𝙘!
𝘼𝙧𝙞𝙗𝙖, 𝘼𝙧𝙞𝙗𝙖, 𝙎𝙖𝙢𝙥𝙖𝙡𝙤𝙘 𝙄𝙗𝙖𝙣𝙙𝙚𝙧𝙖!
𝙵 𝙴 𝙰 𝚁 𝚃 𝙷 𝙴 𝙳 𝙴 𝙴 𝚁 🦌
🩶💚