Tanauan As One

Tanauan As One Nagkakaisang Mamamayan, Tungo sa Maunlad na Tanauan ☝️ Ang Tanauan As One ay samahan ng mga nagkakaisang mamamayan sa Lungsod ng Tanauan.

Naninindigan sa mabuting pamamahala, pantaypantay na karapatan at malinis na hangarin sa bayan. Naniniwala na ang pagkakaisa ay ang susi tungo sa Kaunlaran. Walang Tanaueñong Maiiwan tungo sa isang Maunlad na Lungsod na Tanauan!

Happy Monday Tanaueños!"A new week means new opportunities. Show up, stay focused, and give it your best."
24/08/2026

Happy Monday Tanaueños!

"A new week means new opportunities. Show up, stay focused, and give it your best."

𝗧𝗵𝗲 𝗣𝗿𝗶𝗱𝗲 𝗼𝗳 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻'𝘀 𝗕𝗮𝘀𝗲𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗖𝘂𝗽 🇵🇭Mula sa Tanauan City, Batangas, tatlon...
14/08/2026

𝗧𝗵𝗲 𝗣𝗿𝗶𝗱𝗲 𝗼𝗳 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻'𝘀 𝗕𝗮𝘀𝗲𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗖𝘂𝗽 🇵🇭

Mula sa Tanauan City, Batangas, tatlong kabataang atleta ang muling magpapakita ng husay at tapang sa pinakamalaking entablado ng women’s baseball, bitbit muli ang pangalan at karangalan ng ating Lungsod. Sila ay sina:

- Jamm’n Joyce A. Rasco
Shortstop | Montaña, Tanauan City
- Erika M. Fernandez
Center Field | Altura Bata, Tanauan City
- Angel Kaye P. Bendaño
Left Field | Altura Bata, Tanauan City

Makakasama nila ang buong Philippine Women’s Baseball Team sa kanilang kampanya sa WBSC Women’s Baseball World Cup kung saan makakaharap nila ang pinamahuhusay na koponan mula sa Bansang Japan, Cuba, Chinese Taipei, Great Britain at Venezuela na gaganapin sa Taiwan, ngayong August 23–27.

Laban Tanaueño!

WALANG PASOK (FACE-TO-FACE) SA LAHAT NG ANTAS BUKAS, AGOSTO 10, 2026
09/08/2026

WALANG PASOK (FACE-TO-FACE) SA LAHAT NG ANTAS BUKAS, AGOSTO 10, 2026

WALANG PASOK (FACE-TO-FACE) SA LAHAT NG ANTAS BUKAS, AGOSTO 10, 2026

Mga mahal kong kababayan,

Batay sa pinakahuling weather advisories ng PAGASA, aktuwal na monitoring sa ating lungsod, at sa masusing assessment at pormal na rekomendasyon ng ating CDRRMO, pinal na ang aking desisyon na suspendihin ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, bukas, araw ng Lunes, Agosto 10, 2026.

Nananatili sa 50–100 mm ang rainfall outlook sa Batangas, habang may umiiral ding General Flood Advisory hinggil sa posibleng pagtaas ng tubig sa mga ilog at mabababang lugar.

Ang mga paaralan ay lilipat muna sa modular o online learning modality. Patuloy nating babantayan ang lagay ng panahon at agad tayong magbibigay ng karagdagang abiso kung kinakailangan.

Kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at pamilyang Tanaueño ang una nating konsiderasyon. Mag-ingat po tayong lahat.

Maging handa at Alerto Tanaueños! Sa panahon ng sakuna, kaligtasan ang pangunahing prayoridad ng bawat isa. Narito ang l...
08/08/2026

Maging handa at Alerto Tanaueños!

Sa panahon ng sakuna, kaligtasan ang pangunahing prayoridad ng bawat isa. Narito ang listahan ng mga Emergency Hotlines sa Lungsod ng Tanauan, na maaari nating tawagan sa oras ng pangangailangan:

𝗖𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢
📞0962-347-5073

𝗖𝗦𝗪𝗗
📞0961-417-6055

𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘
☎️(043) 778- 4829

𝗣𝗡𝗣 𝗧𝗔𝗡𝗔𝗨𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬
📞0939-322-7848
📞0977-685-6947

𝗕𝗙𝗣 𝗧𝗔𝗡𝗔𝗨𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬
☎️(043) 702-9687
📞0922-344-8887

𝗣𝗛 𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗥𝗢𝗦𝗦
📞0930-358-3051

𝗕𝗔𝗧𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗜𝗜 𝗔𝗥𝗘𝗔 𝗜𝗜𝗜
📞0920-912-5851

𝗣𝗛𝗜𝗟𝗜𝗣𝗣𝗜𝗡𝗘 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗
📞 0956-904-6653 (BATANGAS)
📞 0997-785-4915 (Headquarters Southern Tagalog)

Stay safe and alert, Tanaueños!


𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗡𝗜𝗬𝗢 𝗚𝗔? 𝗠𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗵𝗮𝘆 𝘀𝗶 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗱𝗮𝗹𝗮𝘀 𝗧𝘂𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗼𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻? Ito ang Villa Pepe, na kilala rin bilang Leyba-Mart...
05/08/2026

𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗡𝗜𝗬𝗢 𝗚𝗔? 𝗠𝗮𝘆 𝗕𝗮𝗵𝗮𝘆 𝘀𝗶 𝗥𝗶𝘇𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗠𝗮𝗱𝗮𝗹𝗮𝘀 𝗧𝘂𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗼𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻?

Ito ang Villa Pepe, na kilala rin bilang Leyba-Martinez House na matatagpuan malapit sa St. John the Evangelist Parish Church sa Tanauan. Ayon sa mga makasaysayang tala at mga pag-aaral tungkol sa pamilya ni Dr. Jose Rizal, ito ang tahanan ng kanyang mga kamag-anak sa Tanauan. Sinasabing dito siya tumutuloy tuwing bumibisita sa Batangas, kabilang ang kanyang pagbisita sa Lipa upang dalawin si Segunda Katigbak, ang kanyang unang pag-ibig.

Ang ugnayan ng pamilya Rizal at ng pamilyang Leyba ay nagmula kay Doña Basilia Bauzon de Leyba, na pinsang buo ni Doña Brigida de Quintos, ina ni Doña Teodora Alonso, ang ina ni Rizal. Sa kanyang mga liham, tinawag ni Rizal si Doña Basilia bilang "Impo Iliang." Ang anak naman nitong si Doña Maria Concepcion "Co**ha" de Leyba, na napangasawa ni Luis Martinez y Beaumont, ay tinawag niyang "Tia Co**ha." Mula sa kanilang angkan nagpatuloy ang kilalang pamilyang Leyba-Martinez sa Tanauan.

Sa kasalukuyan, nananatiling mahalagang pamanang pangkasaysayan ang Villa Pepe. Higit pa sa pagiging isang lumang bahay, ito ay sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng Tanauan, sa ugnayan nito sa pamilya ni Dr. Jose Rizal at sa mahalagang ambag ng pamilyang Leyba-Martinez sa paghubog ng Lungsod na kilala natin ngayon.

𝗥𝗲𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲:
- The Rizalian Trees: https://www.youtube.com/live/PvVTqm1NOEU?si=TJJvaLmqJCa-UlIF
- https://www.familysearch.org/.../pedigree/portrait/G6PV-X5T


𝗟𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗶𝘁𝘀𝘂𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝘁. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗘𝘃𝗮𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝘀𝘁 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵Alam mo ba na may mahigit isang siglong larawan...
01/08/2026

𝗟𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗶𝘁𝘀𝘂𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝗦𝘁. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗘𝘃𝗮𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝘀𝘁 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 𝗖𝗵𝘂𝗿𝗰𝗵

Alam mo ba na may mahigit isang siglong larawan ng Simbahan ng Tanauan na nakaimbak sa University of Michigan sa Estados Unidos?

Ang larawang pinamagatang “Church and convent: Tanauan, Batangas” ay bahagi ng Everett Thompson Photograph Collection at kinunan noong 1900 noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Makikita rito ang dating anyo ng Simbahan at Kumbento ng Tanauan, na ngayon ay kilala bilang Saint John the Evangelist Parish Church. Kinunan ito bago pa ang World War 2, isang bihirang dokumento na nagpapakita ng dating anyo ng simbahan mahigit isang daang taon na ang nakalipas.

Isang mahalagang piraso ng kasaysayan na nagpapatunay sa mayamang pananampalataya, kultura at pamana nating mga Tanaueño na patuloy na nabubuhay hanggang sa kasalukuyan.



Photo courtesy : “Church and convent: Tanauan, Batangas” “Everett Thompson Photograph Collection” University of Michigan (1900 and 1930)

𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗡𝗜𝗬𝗢 𝗚𝗔?Ang Barangay Banjo East ay dating kilala bilang Barrio Bungkalot, na naitatag pa noong 1755. Batay sa mga t...
30/07/2026

𝗔𝗟𝗔𝗠 𝗡𝗜𝗬𝗢 𝗚𝗔?

Ang Barangay Banjo East ay dating kilala bilang Barrio Bungkalot, na naitatag pa noong 1755. Batay sa mga tala ng National Library of the Philippines, ang unang pamilyang nanirahan dito ay ang Panghulan. Ayon naman sa isang lokal na alamat, nagmula ang pangalang "Bungkalot" sa maling pagkaunawa ng isang Kastila sa mga salitang "bungkal" at "binalot" na binanggit ng mga magsasaka. Bagama't hindi ito opisyal na napatutunayan bilang pinagmulan ng pangalan, nananatili itong bahagi ng ating kuwentong-bayan na nagpapayaman sa kasaysayan ng Tanauan.

Sa paglipas ng panahon, ang dating Barrio Bungkalot ay naging Barangay Banjo East, ngunit patuloy na inaalala ang dating pangalan nito bilang mahalagang bahagi ng pamana ng ating Lungsod.

Reference: National Library of the Philippines, Batangas History Culture & Folklore



𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗡𝗘𝗪𝗦! 𝗠𝗮𝘆 𝗗𝗶𝗮𝗴𝗻𝗼𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗼𝗺𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 😮Tampok sa Diagnosti...
29/07/2026

𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗡𝗘𝗪𝗦! 𝗠𝗮𝘆 𝗗𝗶𝗮𝗴𝗻𝗼𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗜𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗨𝗻𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗼𝗺𝗲 𝗨𝗻𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗻𝗮𝘂𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 😮

Tampok sa Diagnostic Imaging Unit ang mahahalagang serbisyong medikal tulad ng Mammography, Ultrasound, 2D Echocardiography, Electrocardiogram (ECG), at X-Ray para sa mas mabilis at mas tumpak na pagsusuri ng iba't ibang karamdaman.

Samantala, ang bagong Birthing Home Unit ay may kumpletong delivery room, examination area, ward, at sterilization room upang matiyak ang ligtas, de-kalidad at komprehensibong pangangalaga sa mga ina mula pagbubuntis hanggang panganganak, gayundin sa kanilang mga bagong silang na sanggol.

Photo Courtesy: Tanauan CGTV

27/07/2026

Ang Ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝟭𝟭𝟮𝗧𝗛 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬, 𝗜𝗚𝗟𝗘𝗦𝗜𝗔 𝗡𝗜 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢! Pagbati sa lahat ng ating mga kapatid mula sa Iglesia Ni Cristo, sa pangungu...
27/07/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 𝟭𝟭𝟮𝗧𝗛 𝗔𝗡𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬, 𝗜𝗚𝗟𝗘𝗦𝗜𝗔 𝗡𝗜 𝗖𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢!

Pagbati sa lahat ng ating mga kapatid mula sa Iglesia Ni Cristo, sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan na si Ka Eduardo Manalo, sa inyong ika-112 na anibersaryo ng inyong pagkakatatag.

Nawa’y maging mabiyaya ang inyong banal na pagdiriwang at magpatuloy ang inyong matagumpay na pagpapalaganap ng pananampalataya sa ngalan ng Panginoong Diyos.

Muli, Happy 112th Anniversary, Iglesia Ni Cristo!

Address

Tanauan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanauan As One posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share