20/11/2021
Inihahandog ng Save the Children Philippines at Department of Education Division of Tanauan City; ang pinakaunang podcast ng mga bata, para sa mga bata, at tungkol sa karapatang pambata...
ANG MAKABATA PODCAST
Kasama ang mga host Elijah Cabrera, President ng Tanuan City Division Supreme Student Government, at Jelo Pacul ang Vice President, magkakaroon tayo ng apat na episodes kung saan tinatalakay ang mga isyu at concerns na nakaka-apekto sa kapakanan ng mga bata.
Ang unang episode ay tungkol sa POSITIVE DISCIPLINE. Kasama si Ms Jerly Villanada, Child Protection Officer ng Save the Children Philippines.
Ang pangalawang episode naman ay pag-uusapan ang MENTAL HEALTH. At makaka-usap natin dito si Sir Darryl Correa, isang Guidance Advocate mula sa DepEd Quezon City Division.
Sa pangatlong episode, tatalakayin ang MISINFORMATION SA SOCIAL MEDIA with Sir Ace Diloy, Senior Advocacy Officer ng Stairway Foundation.
At sa pinakahuling episode, magdidiskurso tayo sa issue ng PAKIKILAHOK ng mga BATA sa mga usapin at gawaing panlipunan o CHILDREN'S PARTICIPATION in CIVIC AFFAIRS with Ms Olive Meimban, Child Rights Governance Officer ng save the Children Philippines.
Kaya, magkita-kita tayo mga bata! Sa susunod na Lunes, November 22, alas 10 ng umaga, dito sa page ng Save the Children Philippines at DepEd Tanauan City Division, para ilunsad o i-LAUNCH ang ating programa.
AT everyday, mula Tuesday, November 23 hanggang Friday, November 26, at 12 NN, mag sisimula ang ating podcast episodes!
Muli, sa Monday, 10 am, for the Launch. At every 10 AM mula Tuesday hanggang Friday, ang podcasts.
Next week na po ito! Kaya, kita kits at excited kami na makita at makausap kayo!