05/06/2026
It's dahil TULOY TULOY ang ENROLLMENT sa ALS TALAVERA NORTH!
Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga enrollee mula sa iba't-ibang baranggay sa Talavera upang magpatala sa ating programa para sa taong panuruan 2026-2027.
Magandang balita ito sapagkat ibig lamang nitong sabihin ay parami ng parami ang mga Out-of-School Youth at Adults ang muling nabubuhayan ng pag-asa at muling nag-aalab ang pangarap na makatapos ng pag-aaral. At the same time, ibig sabihin din nito na mas marami pang mga kabataan at mga adults ang matutulungan ng ating programa na matuto at makatapos ng pag-aaral para man ito sa mas mataas na antas ng pag-aaral, pagtatrabaho, o pagnenegosyo.
Isa rin itong tagumpay para sa ating bayan sapagkat ang hangarin ng mga mag-aaral na makatapos at mapalago ang kanilang kaalaman at kasanayan ay nangangahulugan ng isang magandang bukas na naghihintay para sa ating komunidad kung saan ang bawat miyembro nito ay produktibong nakikibahagi sa pag-unlad ng kanyang bayan.
Kaya naman kung interesado ka rin gaya nila, ABA! Huwag ng mag-atubili na magpunta at mag-enroll sa ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM TALAVERA NORTH DISTRICT.
Magdala lamang kayo ng kopya ng iyong birth certificate sa aming opisina sa loob ng district office sa Talavera Central School. Bukas ito tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas 8 hanggang alas 5 ng hapon!
Para sa mga dagdag na katanungan, maaari kayong magmessage sa aming page o sa aming numero.
SEE YOU MGA KA-ALS!