16/08/2026
Pagsisikap. Talino. Dedikasyon. Tagumpay Natin!
Isang malaking pagbati sa ating mga mag-aaral na nagpakitang-gilas sa District School Press Conference! ππ°βοΈ
Ang bawat pagkilala ay bunga ng sipag, talento, tiyaga, at determinasyon ng ating mga mag-aaral, kasama ang walang sawang suporta at paggabay ng kanilang mga magulang, g**o, School Head, SPA Advisers, at SPTA. Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta! ππ
Taos-puso rin nating pinahahalagahan ang lahat ng ating participants na hindi man nagwagi sa pagkakataong ito. Tandaan na ang tapang na makilahok, ang kahandaang matuto, at ang pagbibigay ng inyong buong makakaya ay isa nang tagumpay. π
Huwag kayong susuko. Patuloy na maniwala sa inyong sarili, pagbutihin ang inyong mga kakayahan, at gamitin ang bawat karanasan bilang hakbang tungo sa mas malaking tagumpay. Bawat pagsubok ay pagkakataong matuto at bawat karanasan ay bahagi ng inyong pag-unlad. πͺβ¨
Congratulations as well to TES for ranking 4th in the District! ππ
Muli, pagbati sa lahat ng ating mga mag-aaral! Panalo kayo sa sipag, tapang, at dedikasyon! ππππ°βοΈ
Together, we inspire. Together, we achieve! β¨