Councilor Marty Romualdez

Councilor Marty Romualdez Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Councilor Marty Romualdez, Government Official, Tacloban City.

29/08/2026

Ang kasaysayan ay hindi lang nababasa dahil nakikita rin ito sa mga lugar na ating dinaraanan araw-araw.

Ngayong National History Month, balikan natin ang ilan sa mga tanawin at landmark na naging saksi sa paghubog ng pagkakakilanlan ng Tacloban.
Bawat tulay, simbahan, baybayin, at monumento ay may kwentong nag-uugnay sa ating nakaraan at nagbibigay-inspirasyon sa ating kinabukasan.

Ipagmalaki natin ang ating kasaysayan at ang lungsod na patuloy na bumabangon at umuunlad.

šŸ“Alin sa mga lugar sa Tacloban ang may espesyal na alaala para sa'yo?

Kumusta Mga Taclobanon?Ngayong linggo, ano ang isang bagay na nagpangiti sa'yo?Maaaring isang magandang balita, simpleng...
27/08/2026

Kumusta Mga Taclobanon?

Ngayong linggo, ano ang isang bagay na nagpangiti sa'yo?
Maaaring isang magandang balita, simpleng bonding kasama ang pamilya, o isang maliit na tagumpay na gusto mong ibahagi.

Kwentuhan tayo sa comments. Baka ang kwento mo ang magbigay ng inspirasyon sa iba.

Magandang Huwebes, mga Taclobanon!

Ang tunay na serbisyo ay nagsisimula sa pakikinig.Damo nga Salamat sa inyong mainit na pagtanggap at sa pagbabahagi ng i...
26/08/2026

Ang tunay na serbisyo ay nagsisimula sa pakikinig.

Damo nga Salamat sa inyong mainit na pagtanggap at sa pagbabahagi ng inyong mga saloobin, Barangay 61 Sagkahan.

Sa bawat pagbisita, mas napapalalim ang ating ugnayan at mas nagiging malinaw ang mga hakbang na dapat nating gawin para sa komunidad.

Hasta ha sunod naton nga pagkirigta!

Mas napapadali ang paglilingkod kapag bukas ang komunikasyon.Damo nga salamat sa lahat ng residenteng nakiisa sa ating b...
25/08/2026

Mas napapadali ang paglilingkod kapag bukas ang komunikasyon.

Damo nga salamat sa lahat ng residenteng nakiisa sa ating barangay consultation sa Barangay 89 San Jose. Ang bawat opinyon, mungkahi, at kwento ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng mga programang mas akma sa pangangailangan ng ating komunidad.

Patuloy tayong magtutulungan para sa mas maayos na Tacloban.

23/08/2026

May mga lugar na maganda.

Pero ang mas nagpapaganda sa bawat biyahe ay ang mga taong kasama natin.
Ang tawanan sa gitna ng lakad, ang mga kwentuhang hindi namamalayan ang oras, at ang mga simpleng sandaling nagiging alaalang panghabambuhay.

Ngayong Linggo, sana ay makahanap ka ng oras para makasama ang pamilya, mga kaibigan, o kahit sinong nagbibigay ng saya at inspirasyon sa iyong buhay.

Dahil sa huli, hindi ang lugar ang pinakanaaalala natin—kundi ang mga taong nakasama nating bumuo ng magagandang alaala.

Magandang Linggo, mga Taclobanon.

May mga tradisyong hindi lang ipinagdiriwang ito rin ay ipinagmamalaki.Isa na rito ang Fluvial Parade, isang makulay na ...
22/08/2026

May mga tradisyong hindi lang ipinagdiriwang ito rin ay ipinagmamalaki.

Isa na rito ang Fluvial Parade, isang makulay na bahagi ng kultura ng Tacloban na nagpapakita ng ating pananampalataya, pagkakaisa, at mayamang pamana.

Sa , sama-sama nating kilalanin ang mga tradisyon at kwentong nagbibigay ng natatanging pagkakakilanlan sa ating lungsod.

Nakapanuod ka na ba ng Fluvial Parade? Ano ang paborito mong bahagi nito?

Mahabang weekend na naman!Samantalahin ang pagkakataong makapagpahinga, makasama ang pamilya, o makapaglibot sa ating ma...
21/08/2026

Mahabang weekend na naman!

Samantalahin ang pagkakataong makapagpahinga, makasama ang pamilya, o makapaglibot sa ating magagandang pasyalan. Saan man kayo magpunta, laging unahin ang kaligtasan at mag-ingat sa biyahe.

Magkaroon ng mapayapa at restful na long weekend, mga Taclobanon!

20/08/2026

Sa bawat sesyon ng konseho, nagsisimula ang mga pag-uusap at desisyong may layuning mapabuti ang ating lungsod.

Narito ang ilang mga ganap natin mula sa City Council Session, kung saan sama-samang tinatalakay ang mga usaping mahalaga sa bawat Taclobanon.

Patuloy ang pakikipagtulungan. Patuloy ang paglilingkod.

Mas matibay ang komunidad kapag bukas ang komunikasyon. šŸ¤Damo nga Salamat sa lahat ng nakiisa sa ating barangay consulta...
19/08/2026

Mas matibay ang komunidad kapag bukas ang komunikasyon. šŸ¤

Damo nga Salamat sa lahat ng nakiisa sa ating barangay consultation sa Barangay 57 Sampaguita. Ang inyong mga ideya at mungkahi ang nagsisilbing gabay upang mas mapabuti pa ang ating mga programa at serbisyo.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang mas maayos at mas masayang Tacloban.

May mga solusyong nagsisimula sa simpleng pag-uusap.Damo nga salamat sa mga residente ng Barangay 35 Real Magallanes par...
17/08/2026

May mga solusyong nagsisimula sa simpleng pag-uusap.

Damo nga salamat sa mga residente ng Barangay 35 Real Magallanes para sa inyong mainit na pagtanggap at sa pagbabahagi ng inyong mga saloobin.

Ang bawat pagbisita ay pagkakataon upang mas makilala ang ating komunidad at mas mapalapit ang serbisyo sa bawat Taclobanon.

Hasta ha sunod naton nga pagkirigta!

Address

Tacloban City
6500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor Marty Romualdez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share