15/06/2026
Nagsagawa ng Information Dissemination ang mga tauhan ng himpilang ito sa ilalim ng superbisyon ni PCPT ELVIRA F. MAKABENTA, Station Chief, kaugnay sa Ligtas SUMVAC, Gender-Related Laws, at mga Batas Pandagat.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng sapat na kaalaman at impormasyon sa publiko hinggil sa kaligtasan ngayong panahon ng SUMVAC, mga batas na may kaugnayan sa karapatan at proteksyon ng kababaihan at kabataan, gayundin sa mga batas pandagat at pangangalaga sa yamang-dagat.
Layunin din nitong mapalawak ang kamalayan ng komunidad upang mapanatili ang kaayusan, seguridad, at responsableng pakikilahok ng mamamayan.