22/05/2026
๐๐๐๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ: ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ , ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐๐ญ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐๐ฅ๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Isinusulong ngayon ni Congressman Martin Romualdez ang Parent-Teacher and Community Association Act o ang House Bill No. 2972. Layunin ng panukalang ito na palawakin ang papel ng Parent-Teacher and Community Association (PTCA) upang mas maging aktibo sa paghubog ng mga kabataan.
Narito ang mga pangunahing pagbabago:
โ
Pinalawak na Membership: Bukod sa magulang at g**o, kabilang na rin ang social workers, health workers, at child rights experts.
โ
Automatic Membership: Ang lahat ng magulang at guardian ng mga batang naka-enroll sa mga Child Development Centers at basic education schools ay awtomatikong magiging miyembro ng PTCA.
โ
Holistic Development: Ang PTCA ang gagawa ng mga programa upang masig**ong ang mga bata ay lumaking well-rounded, stable, at civic-oriented.
โ
Child Protection: Magiging katuwang ang PTCA sa pagpapatupad at pagbabantay ng mga child protection policy sa loob at labas ng paaralan.
โ
Boses ng Kabataan: Obligadong konsultahin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng student council, sa pagbuo ng mga plano at aktibidad na para sa kanila.
Binibigyang-diin din ng House Bill No. 2972 na ang pagpapalaki at pag-protekta sa mga bata ay isang shared responsibility ng magulang, paaralan, at komunidad.