03/06/2026
๐ข๐ฃ๐๐๐ก ๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐๐ข๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ฅ๐๐๐ข๐๐ก๐๐ญ๐๐ ๐๐ง ๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ง๐๐ง๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐'๐ฆ ๐ฐ๐ฎ๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐ข๐๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก ๐๐๐ฌ
Kabilang ang mga scholars ng Oplan Tagumpay Free Scholarship Program ng Tanggapan ni MP Abrar A. Hataman sa mga mag-aaral na pinarangalan sa ginanap na Ika-42 Taong Pagkilala ng Basilan State College (BaSC) sa BaSC Gymnasium.
Kinilala sa seremonya ang mga mag-aaral na nagpakita ng natatanging pagganap sa akademya, tiyaga, at dedikasyon sa kanilang pag-aaral. Kabilang sa mga pinarangalan ang mga iskolar ng Oplan Tagumpay na matagumpay na nakamit ang mga pamantayang itinakda ng kanilang institusyon.
Patuloy na nagbibigay ng suporta sa edukasyon ang Oplan Tagumpay Free Scholarship Program upang matulungan ang mga karapat-dapat na mag-aaral sa Basilan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga mithiin.
Nananatiling matatag ang Tanggapan ni MP Abrar Hataman sa pagsusulong ng mga programang nagpapalawak ng akses sa dekalidad na edukasyon at nagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga kabataang Bangsamoro.
๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐จ. ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง.