SKOMA - Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs

SKOMA - Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs SKOMA is a provincial government office initiative of Gov. Datu Pax Ali S.
(1)

Mangudadatu to serve as the institutional arm of the Provincial Government in addressing the needs, concerns, and welfare of Muslim communities across the SK province.

June 7, 2026Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng pamamahala sa mga Traditional Madrasah sa nasabing lugar isinaga...
07/06/2026

June 7, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng pamamahala sa mga Traditional Madrasah sa nasabing lugar isinagawa ang pagpapaliwanag hinggil sa implementasyon ng Madrasah Identification (ID) System sa Tarbiyah Lambayong.

Ang inisyatibang ito ay isinusulong sa pamumuno ni Mushreef Attarbiyah Shiekh Murshid Mopac, katuwang si SKOMA Tarbiyah Coordinator at Tarbiyah Secretary Shiekh Halil Eshak upang matiyak ang maayos, organisado at epektibong pagpapatupad ng programa.

Sa pamumuno ni Lambayong Shiekh Abdulmoen Salem, isinagawa ang konsultasyon at oryentasyon hinggil sa pagpapatupad ng Centralized Madrasah ID System para sa mga Traditional Madrasah sa Sultan Kudarat (Daguma).

Patunay ang hakbang na ito ng patuloy na pagsisikap ng pamunuan ng Tarbiyah at SKOMA na maisulong ang isang mas sistematiko at episyenteng pamamahala sa edukasyong Islamiko sa Sultan Kudarat na nakatuon sa kalidad ng serbisyo at pagkakaisa ng mga institusyong pangmadrasah.

07/06/2026
๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ฐ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด & ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ โ€“ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผAlhamdulillah, matagumpay na naisagawa ang I...
06/06/2026

๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ฐ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜‚๐—น๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด & ๐— ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ โ€“ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ค๐˜‚๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ผ

Alhamdulillah, matagumpay na naisagawa ang Islamic Consultative Meeting & Membership sa President Quirino, Sultan kudarat na dinaluhan ng mga ulama, opisyal ng pamahalaan, at mga lider ng komunidad.

Layunin ng pagtitipong ito na mapalakas ang pagkakaisa ng Ummah, mapakinggan ang mga saloobin at pangangailangan ng komunidad, at mahikayat ang mas aktibong pakikilahok ng bawat isa sa mga programang pangrelihiyon, pang-edukasyon, at pangkomunidad. Naging daan din ito upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng mga Muslim leaders, local government officials, at iba't ibang sektor para sa sama-samang pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, at kapakanan ng mamamayan.

Taos-pusong pasasalamat kina Hon. Ma. Katrina Buena F. Sandigan, MPA (Municipal Mayor), Hon. Edgar R. Sandigan (Sangguniang Bayan Member), Hon. Jairo G. Marohomsar (Sangguniang Barangay Member), Ronante O. Tongco Sr. (Municipal Budget Officer), Ustadh Nasrudin Pasandalan (Municipal Supervisor at Tarbiyyah President Quirino), Ustadh Kaladtungan Yahya, Ustadh Abubacar Eson, at Ustadh Nadie Murrawi, mga kasamahan natin sa SKOMA - Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs na sila Sheikh Abdulfattah Abu Abdullah Zacaria , SKOMA Deputy Director, Ustadh Parid A. Abdulkarim, Public Affairs Focal Person, Ustadh Ebs Saluwang Nor, Da'wah and Masaajid Affairs, Ustadh Ishak Khalil, SKOMA Tarbiyyah Coordinator, gayundin sa lahat ng mga dumalo at sumuporta sa gawaing ito.

"At ang kanilang mga gawain ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasanggunian sa isa't isa."
(Surah Ash-Shura 42:38)

Alhamdulillah. Jazakumullahu Khairan sa inyong lahat. Nawa'y pagpalain ng Allah ang ating mga pagsisikap para sa ikabubuti ng Ummah at ng sambayanan.

๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต ๐—œ๐—— | ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐˜†๐—ฎ๐—ต ๐—”๐—ณ๐—ณ๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐˜€Sa ilalim ng pamamahala ng Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs (SKOMA)...
06/06/2026

๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต ๐—œ๐—— | ๐—ง๐—ฎ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜†๐˜†๐—ฎ๐—ต ๐—”๐—ณ๐—ณ๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐˜€

Sa ilalim ng pamamahala ng Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs (SKOMA) sa larangan ng Tarbiyyah, tinalakay ang Madrasah ID bilang bahagi ng pagpapalakas ng sistemang pang-edukasyon sa mga madrasah.

Katuwang dito ang Tarbiyyah (Daguma) sa pamumuno ni Sheikh Murshid Mopac, sa pakikipag-ugnayan ni Tarbiyyah Coordinator at Secretary Sheikh Halil Eshak, kasama ang Top Management at Staff ng Tarbiyyah Daguma Province.

๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐——๐—ฎ'๐˜„๐—ฎ๐—ต | ๐—๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บIsang makabuluhang araw ng da'wah at pagbabahagi ng kaalaman ang nasaksihan nang...
06/06/2026

๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐——๐—ฎ'๐˜„๐—ฎ๐—ต | ๐—๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—œ๐˜€๐—น๐—ฎ๐—บ

Isang makabuluhang araw ng da'wah at pagbabahagi ng kaalaman ang nasaksihan nang dalawang mag-asawang mula sa President Quirino ang lumapit upang magtanong at higit na maunawaan ang Islam sa pamamagitan ng ating kapatid na si Ustadh Romeo โ€œYusufโ€ Ramos.

Matapos ang kanilang taimtim na pakikinig, pag-aaral, at pagtatanong, sa awa at gabay ng Allah, kanilang piniling yakapin ang Islam.

Madalas nating marinig ang terminong โ€œBalik-Islam.โ€ Sa pananaw ng Islam, ang bawat tao ay isinilang na may fitrah, ang likas na pagkilala at pagsamba sa Nag-iisang Maykapal. Kaya naman, ang pagtanggap sa Islam ay itinuturing na pagbabalik sa dalisay na kalagayang ito.

Bilang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ang Islam ay naitatag na sa ilang bahagi ng kapuluan bago pa man dumating ang mga Kastila noong ika-16 na siglo. Sa paglipas ng panahon, iba't ibang pananampalataya ang lumaganap sa bansa, na naging bahagi ng mayamang kultura at kasaysayan ng mga Pilipino.

Ang SKOMA ay nananatiling bukas sa lahat ng nagnanais magtanong at matuto tungkol sa Islam. Naniniwala kami na ang tunay na pag-unawa ay nagsisimula sa maayos na pag-uusap, paggalang sa isa't isa, at paghahanap ng kaalaman.

Nawa'y gabayan tayo ng Allah sa landas ng katotohanan, karunungan, at kapayapaan.

Alhamdulillah, ang SKOMA - Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs ay naimbitahan bilang isa sa mga guest speakers sa pa...
05/06/2026

Alhamdulillah, ang SKOMA - Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs ay naimbitahan bilang isa sa mga guest speakers sa pagdiriwang ng Eid Al-Adha Kanduli 2026 na inorganisa ng ๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ก ๐—ž๐—จ๐——๐—”๐—ฅ๐—”๐—ง ๐— ๐—จ๐—ฆ๐—Ÿ๐—œ๐—  ๐—ง๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—— ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ๐—˜๐—˜๐—ฆ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—ข๐—–๐—œ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก (๐—ฆ๐—ž๐— ๐—ง๐—˜๐—”) na ginanap sa Lambayong National High School.

Ang makabuluhang pagtitipong ito ay nagsilbing pagkakataon upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa, kapatiran, at mabuting ugnayan sa pagitan ng mga g**o, empleyado, at iba't ibang sektor ng komunidad.
Kasabay ng pagdiriwang ng Eid Al-Adha, naipaalala rin ang kahalagahan ng sakripisyo, pagsunod sa Allah ๏ทป, at paglilingkod para sa kapakanan ng iba.

Maraming salamat sa lahat ng mga nag-inisyatibo, nag-organisa, at sumuporta sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito. Ang inyong dedikasyon at pagsisikap ay naging daan upang maisakatuparan ang isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na pagtitipon para sa komunidad.

Nawa'y gantimpalaan kayo ng Allah ๏ทป sa inyong mga mabubuting gawain at patuloy Niya tayong pagkalooban ng pagkakaisa, kapayapaan, at tagumpay sa paglilingkod para sa Ummah..

Jazakumullahu Khairan at Eid Mubarak!

๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—œ๐—›๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—Ÿ๐—”๐—  ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—œ๐—๐—”๐—•Ang Islam ay nagbibigay ng mataas na paggalang at dignidad sa kababaihan. Kinikilala...
05/06/2026

๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—•๐—”๐—œ๐—›๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—Ÿ๐—”๐—  ๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—œ๐—๐—”๐—•

Ang Islam ay nagbibigay ng mataas na paggalang at dignidad sa kababaihan. Kinikilala nito ang kanilang mahalagang papel bilang anak, ina, asawa at aktibong bahagi ng lipunan. Sa Islam ang halaga ng isang babae ay hindi nasusukat sa kanyang anyo o kasuotan kundi sa kanyang pananampalataya, mabuting asal at mga gawa.

Isa sa mga simbolo ng pananampalataya at pagiging disente ng isang babaeng Muslim ay ang hijab. Ang hijab ay hindi lamang isang piraso ng tela na isinusuot sa ulo, kundi isang pagpapahayag ng pagsunod sa Allah, kahinhinan at paggalang sa sarili. Ito ay nagsisilbing paalala ng pagkakakilanlan ng isang babaeng Muslim at ng kanyang mga pinahahalagahan.

Mahalagang maunawaan na ang hijab ay hindi hadlang sa edukasyon, trabaho o pakikilahok ng kababaihan sa pag-unlad ng lipunan.

Maraming kababaihang Muslim sa ibaโ€™t ibang panig ng mundo ang matagumpay na lider, propesyonal, g**o, negosyante at tagapagtaguyod ng pagbabago habang pinananatili ang kanilang pananampalataya at pagsusuot ng hijab.

๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—œ๐—ก๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—˜๐——๐—จ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—กThe Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs (SKOMA...
05/06/2026

๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง ๐—ข๐—™ ๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—œ๐—ก๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—˜๐——๐—จ๐—–๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

The Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs (SKOMA) expresses its sincere appreciation to Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu for his commitment to promoting inclusivity, religious freedom, and equal educational opportunities for all learners in the Province of Sultan Kudarat.

We commend efforts that encourage dialogue, mutual respect, and understanding among stakeholders in the education sector. We likewise encourage all educational institutions to continue fostering learning environments that uphold diversity, human dignity, and inclusivity while maintaining academic and professional excellence.

As a province known for peaceful coexistence among people of different cultures and faiths, Sultan Kudarat remains committed to strengthening unity, social harmony, and equal opportunities for every learner.

Together, let us continue building an educational environment where every student is respected, valued, and empowered to succeed.

SULTAN KUDARAT OFFICE OF MUSLIM AFFAIRS (SKOMA)

๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—”๐—ป๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—˜๐˜ƒ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ดAlhamdulillah, SKOMA admins and staff successfully conduct...
04/06/2026

๐—๐˜‚๐—ป๐—ฒ ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—”๐—ป๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—˜๐˜ƒ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด

Alhamdulillah, SKOMA admins and staff successfully conducted the Annual Planning and Activity Evaluation Meeting, bringing together department heads, coordinators, and personnel to assess accomplishments, review current initiatives, and strengthen plans for the coming months.

The meeting featured presentations and discussions from the different departments, Da'wah and Masaajid Affairs, Tarbiyyah, Madaaris and Qur'an Affairs, Youth Affairs, Women Affairs, Political and Public Affairs, and Office Administration. Each department shared updates on implemented activities, highlighted achievements, identified challenges, and presented proposed programs and targets.

The activity served as an important platform for reflection, evaluation, and strategic planning. It reinforced the organization's commitment to continuous improvement, effective service delivery, and stronger coordination among departments in carrying out programs that benefit the Ummah and the wider community.

Through collective planning and shared responsibility, SKOMA continues to move forward with a clear direction, united vision, and renewed commitment to its mission and objectives.

Lubos kaming nagpapasalamat sa ๐’๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ง ๐Š๐ฎ๐๐š๐ซ๐š๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ข๐ฌ๐ค ๐‘๐ž๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž (๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž) sa pangu...
31/05/2026

Lubos kaming nagpapasalamat sa ๐’๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š๐ง ๐Š๐ฎ๐๐š๐ซ๐š๐ญ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ข๐ฌ๐ค ๐‘๐ž๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ง๐ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž (๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž) sa pangunguna ni ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž๐ฅ๐ฒ ๐‰๐จ๐ฒ ๐‡๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ ๐š๐๐จ sa kanilang mahalagang suporta sa isinagawang Musabaqa Eid bilang bahagi ng paggunita sa Eidโ€™l Adha 2026.

Malaki ang naitulong ng kanilang medical team at mga personnel upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng lahat ng mga dumalo sa programa.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐ƒ๐š๐ญ๐ฎ ๐๐š๐ฑ ๐€๐ฅ๐ข ๐’. ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ฎ๐๐š๐๐š๐ญ๐ฎ sa kanyang patuloy na suporta, mga makabuluhang inisyatiba at sa pagpapadala ng medical team upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan na nakiisa sa programa.

Jazakallahu Khayr ๐Ÿคฒ

Address

New Capitol Ground, Isulan
Sultan Kudarat

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SKOMA - Sultan Kudarat Office of Muslim Affairs posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share