Book Nook Columbio, Sultan Kudarat

Book Nook Columbio, Sultan Kudarat A safe and friendly space for everyone.

Since 2021, the National Book Development Board's The Book Nook Project has also been a force for good in bringing hundr...
10/09/2026

Since 2021, the National Book Development Board's The Book Nook Project has also been a force for good in bringing hundreds of Filipino-published books to over 130 communities across the Philippines.

These books have been used for various DepEd programs such as, "Catch Up Fridays," "ARAL Program," and "Brigada Eskwela." This is in addition to various storytelling sessions, writing workshops, community outreach activities, and literacy interventions held inside and outside of Book Nook sites.

We at the Book Nook Columbio, Sultan Kudarat congratulate DepEd and EDCOM II on the country's strongest PISA performance since 2018. May we continue to work together in creating a culture of reading in the Philippines one book at a time. It truly takes a village.

Aklat para sa lahat!

Congratulations to DepEd Philippines and EDCOM 2 - The Second Congressional Commission on Education on the country's strongest PISA performance since 2018!

To Secretary Sonny Angara, whose department carried the reforms through to the classroom. To EDCOM 2 Executive Director Karol Mark Yee, whose commission kept the evidence in front of policymakers and named the gaps plainly. And to Undersecretary Fatima Panontongan, who has been NBDB's steady counterpart at DepEd and who has argued, here and abroad, that education recovery takes structural work rather than short campaigns.

NBDB has been glad to work alongside them. Since 2023, the Philippine Book Festival has served as DepEd's venue for scoping Supplementary Learning Resources, putting Filipino-published titles in front of the people who choose what reaches public school libraries.

The PISA 2025 results belong to the learners and teachers who earned them. We are grateful to have been part of the effort.

Sa ika-4 at huling araw ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly, pinagtibay natin ang dedikasyon ng ating...
26/08/2026

Sa ika-4 at huling araw ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly, pinagtibay natin ang dedikasyon ng ating Book Nook site partners na pag-ibayuhin ang kanilang mga inisyatiba para patuloy na maihatid ang .

Sa unang sesyon, ipinakilala ni Daniel Mariano, Readership Development Division Chief, ang iba’t ibang programa ng NBDB—mula sa grants para sa mga awtor at publisher hanggang sa Philippine Book Festival na nagsisilbing espasyo upang ilapit ang mayaman at makulay na panitikang Pilipino sa mas maraming mambabasa. Tinalakay rin kung paano makatutulong ang NBDB sa pagtatatag at pagtataguyod ng mga komunidad ng mga mambabasa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tinalakay naman nina Gillian Reyes, Project Development Officer ng NBDB Policy and Industry Research Division, at Ana Manalaysay, Project Manager ng The Book Nook Project, ang mga inisyal na resulta ng Book Nook Project Impact Survey. Batay sa kanilang talakayan, positibo ang epekto ng mga Book Nook sa pagbibigay-akses sa mga libro sa mga komunidad na kailangan pang bumiyahe nang malayo upang makarating sa mga silid-aklatan. Nakatutulong din ang mga programa ng iba’t ibang Book Nook sites sa paglikha ng makabuluhang karanasan sa pagbabasa ng mga bumibisita rito.

Bago nagtapos ang programa, nagkaroon din ng konsultasyon ang mga Book Nook site partners at cluster coordinators upang pag-usapan ang mga kasalukuyang proyekto at mga programang balak nilang ipatupad sa hinaharap. Patunay ang kolaboratibong konsultasyon na ito na ang pagbubuo ng kultura ng pagbabasa ay bunga ng sama-samang pagsusumikap.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa apat na araw ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly! Nawa’y magsilbing inspirasyon ang mga ng bawat Book Nook site upang patuloy pa nating palawakin ang mga komunidad ng mga mambabasa sa bawat sulok ng bansa.

Paano natin mapapakilos ang ating komunidad ng mga mambabasa? Iyan ang naging sentro ng talakayan sa ikatlong araw ng BO...
26/08/2026

Paano natin mapapakilos ang ating komunidad ng mga mambabasa?
Iyan ang naging sentro ng talakayan sa ikatlong araw ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly.

Sa unang sesyon, nakasama natin si Hyasmin Encina, area coordinator ng The Book Nook Taltal, na nagbahagi kung paano pinapalago ng Balin Hiraya ang kultura ng pagbabasa sa Masinloc, Zambales. Sa pamamagitan ng mga proyektong tulad ng Balin Hiraya on Wheels, in-house storytelling sessions, at reading stations, napapakilos ang kanilang komunidad upang linangin ang pagmamahal ng kabataan sa pagbabasa. Patunay ang kuwento ng Book Nook Taltal na kolektibong pagsisikap ang susi sa pagtataguyod ng mga komunidad ng mga mambabasa.

Samantala, ibinahagi naman ni Christopher Asa, tagapagtatag ng Towfee Publishing House, ang kanyang karanasan sa paglalathala at pagkukuwento ng mga kuwentong sumasalamin sa kulturang Pilipino. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tama at maaasahang datos, kabilang ang kasaysayan at oral na panitikan, sa paglikha ng mga kuwentong nagtatampok at nag-iingat sa kultura ng isang komunidad. Sa kanyang sesyon, hinikayat ang ating Book Nook site partners na pakilusin ang kanilang mga komunidad upang lumikha at magsulat ng mga kuwento sa sariling wika upang itampok ang kanilang kultura.

Laco a salamat sa lahat ng nakiisa sa ikatlong araw ng ating Book Nook Online Assembly! Tutok lang para sa iba pang mula sa ating Book Nook sites sa mga susunod na araw!

Sa ikalawang araw ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly, sama-samang nakinig, natuto at lumikha ang ati...
18/08/2026

Sa ikalawang araw ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly, sama-samang nakinig, natuto at lumikha ang ating reading partners upang mapalakas ang iba't ibang programa sa kani-kanilang Book Nook sites.

Ibinahagi ni Amylen N. Bautista, Area Coordinator ng Book Nook Albay, ang kanilang mga malikhaing aktibidad upang gawing mas interaktibo ang pagbabasa. Kabilang dito ang “The Market Challenge,” na nagbigay-buhay sa akdang 𝐴𝑟𝑎𝑤 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑙𝑒𝑛𝑔𝑘𝑒 ni May Tobias-Papa (guhit ni Isabel Roxas) sa pamamagitan ng pagsasadula. Para sa buong Book Nook Legazpi City, Albay, mahalagang maranasan ng mga mambabasa ang mga kuwentong kanilang nakikita upang higit itong tumatak sa kanilang isipan.

Pinangunahan naman ni Liza Flores ng Ang Ilustrador ng Kabataan (INK) ang isang interactive workshop sa paggamit ng ilustrasyon at paper cutouts upang gawing mas malikhain at masaya ang storytelling sessions ng ating reading partners sa kani-kanilang komunidad. Bukod dito, ibinahagi rin niya ang kanyang proseso sa paglikha ng kanyang picture books na 𝑆𝑢𝑛𝑔𝑖𝑡 at 𝐻𝑖𝑦𝑎, at ang iba’t ibang programa ng Ang INK.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa Day 2 ng ating online assembly!

Abangan ang iba pang sa mga susunod na araw.

"A Book Nook is not only a place. It is a community. It is a network. It is a commitment.”Matagumpay ang unang araw ng B...
18/08/2026

"A Book Nook is not only a place. It is a community. It is a network. It is a commitment.”

Matagumpay ang unang araw ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly, kung saan ibinahagi ng ating reading partners ang kanilang mga karanasan sa pagbubuo ng mga komunidad ng mga mambabasa.

Isinalaysay ni Gary Garcia, Area Coordinator ng Book Nook Agusan Youth Alliance Network (BN AYAN), kung paano nila tinutugunan ang kakulangan sa akses sa mga libro sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagmomobilisa ng kanilang koleksiyon ng mga aklat upang maabot ang iba’t ibang komunidad at mailapit ang mga kuwentong Pilipino sa mas maraming kabataan.

Ibinahagi naman ni Lawrence Cusipag, tagapagtatag ng Bagong Silang Community Library, ang kahalagahan ng community-led efforts at mga interaktibong programa sa paghikayat sa kabataan na magbasa. Aniya, hindi basta-basta ang pagbubuo ng kultura ng pagbabasa.
Nangangailangan ito ng kolektibong pagkilos at dedikasyon upang tiyakin na bawat bata ay may kakayahang magbasa at isabuhay ang mga karakter na nababasa nila sa iba’t ibang kuwento.

Nagkaroon din ng maikling talakayan hinggil sa mga layunin ng National Alliance of Reading Advocates (NARA), na pinangunahan ni NARA Convener Yazhmin Malajito. Ipinakilala rito ang NARA Agenda bilang tugon sa reading crisis. Binigyang-diin din ang makabuluhang ambag ng iba’t ibang Book Nook sites sa pagsusulong ng NARA Agenda sa pamamagitan ng pagbubuo ng kultura ng pagbabasa sa kani-kanilang komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa Day 1 ng BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly!

Abangan ang iba pang ng ating Book Nook sites sa mga susunod na araw.

Ito ang aming  :Bilang bahagi ng National Arts Month, nagsagawa ng isang Lakbay-Aral sa Book Nook Columbio Reading Cente...
07/08/2026

Ito ang aming :

Bilang bahagi ng National Arts Month, nagsagawa ng isang Lakbay-Aral sa Book Nook Columbio Reading Center ang Datalblao Day Care Center. Nagkaroon ng storytelling session tampok ang kuwentong Si Hugo: Ang Pahamak na Hunyango ni Charles Funk. Sa paglalakbay ni Hugo, natutuhan ng mga mag-aaral ng Datalblao ang kahalagahan ng kagandahang asal, pananagutan, at matalinong pagpapasiya. Layunin ng aktibidad na ito na pagyamanin ang pagkamalikhain at imahinasyon ng mga kabataan ng Datalblao, pati na rin ang pagmamahal sa pagbabasa.

Walang pagsidlan ng tuwa ang mga bata lalo’t aklat at sining ay pinagsama!

Samahan kami sa isang paglalakbay tungo sa pagiging BOOKod Tangi!

Ang BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly ay gaganapin sa 13-14, 20-21 ng Agusto 2026.

Kayo, ano ang inyong ?

Empowering young minds through creativity and learning.Miss Irene Matchacon Tababa, a child development worker receives ...
20/04/2026

Empowering young minds through creativity and learning.Miss Irene Matchacon Tababa, a child development worker receives Arts Learning Kits from LGU Columbio headed by Hon. Mayor Amirh M. Musali,this program will help nurture imagination, skills, and brighter futures for every child .

Through drawing, music, storytelling, and hands-on activities, children learn to express themselves, solve problems, and explore their talents. With support from Arts Learning Kits, every child is given more opportunities to grow, dream, and succeed. Goodluck kids.

Your spot at   is one form away.Scan the QR code below or click the link in the comments to register for free. Fill out ...
06/03/2026

Your spot at is one form away.

Scan the QR code below or click the link in the comments to register for free. Fill out the form, hit submit, and screenshot your Acknowledgment Page—that's your entry pass. Show it at the door, get your hand stamp, and the festival is yours!

Philippine Book Festival 2026, March 12–15, Megatrade Hall, SM Megamall: free to attend, easy to join.

What are you waiting for? G na!

JUST IN ‼️Applications for The Book Nook Project are STILL ONGOING! The deadline has been EXTENDED to the end of the wee...
04/03/2026

JUST IN ‼️

Applications for The Book Nook Project are STILL ONGOING! The deadline has been EXTENDED to the end of the week, 6 March 2026. 📅📝

What are you waiting for? Follow the QR Code or the link bit.ly/BN26Application for more information. 🩵🧡

Surprise visit of NCCA Commissioner and National Coordinator for the  National Book Development Boards for Book Nook Pro...
01/03/2026

Surprise visit of NCCA Commissioner and National Coordinator for the National Book Development Boards for Book Nook Project in the Philippines sir Carlo Ebeo.

Maraming Salamat!

Address

LGU Compound, Poblacion
Sultan Kudarat

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Book Nook Columbio, Sultan Kudarat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Book Nook Columbio, Sultan Kudarat:

Shortcuts

Share