29/04/2026
Mga Minamahal na Kostumer,
Ang Mayo 1 ay Araw ng mga Manggagawa o Labor Day. Ito ay pagkilala at pagpupugay sa sipag, tiyaga, at mahalagang ambag ng bawat manggagawa sa pag-unlad ng ating lipunan.
Kami sa Balibago Waterworks ay taos-pusong nagpapasalamat sa dedikasyon ng aming mga empleyado. Sila ang dahilan ng patuloy na pagdaloy ng tubig sa bawat tahanang aming sineserbisyuhan.
Kaugnay nito, ipinapaalam po namin na sarado ang aming opisina sa Mayo 1, 2026 (Biyernes) bilang pagdiriwang ng nasabing okasyon. Pinapayuhan po ang lahat na isagawa ang kanilang mga transaksyon bago o pagkatapos ng nasabing petsa.
Para sa anumang water emergency o service interruption, maaari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa numerong:
📞 0951-195-3722
Maligayang Araw ng mga Manggagawa! 💪🏭👷♂️👷♀️