29/08/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐
Kusang isinuko ang dalawang (2) improvised na 12-gauge sh***un sa Local Government Unit (LGU) ng Tampakan at Tampakan Municipal Police Station sa tulong ng nga opisyal ng LGU, Tampakan Municipal Police Station, 1205th Regional Mobile Force Battalion 12, at 39th Infantry Battalion, Philippine Army.
Nasaksihan ang turnover ni PCOL Isralene Z. Lauren, Acting Provincial Director ng South Cotabato Police Provincial Office, Municipal Mayor Leonard Escobillo, RN, Vice Mayor Ric Magbanua, at IPMR Dalena Samling.
Ang boluntaryong pagsuko ay isinagawa matapos kumalat sa social media ang mga ulat tungkol sa umanoโy presensya ng mga armadong indibidwal sa paligid ng Barangay Kimlawis, Davao del Sur.
Sa isinagawang beripikasyon, napag-alamang ang mga nasabing indibidwal ay hindi miyembro ng New Peopleโs Army (NPA). Sila ay mga miyembro ng isang Indigenous Peoples community na tumutulong sa pag-aayos ng mga alitan sa pagitan ng mga tribo at pagpapanatili ng kapayapaan sa mga komunidad na matatagpuan sa tri-boundary area ng South Cotabato, Davao del Sur, at Sultan Kudarat.
Matapos ang turnover, ang dalawang isinukong improvised fi****ms ay maayos na idinekumento at inilagay sa kustodiya ng Tampakan Municipal Police Station para sa nararapat na disposisyon.
Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng koordinasyon, beripikasyon ng impormasyon, at pakikipagtulungan ng lahat kasama na ang mga law enforcement agencies upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa lugar.