MENRO LGU Magallanes

  • Home
  • MENRO LGU Magallanes

MENRO LGU Magallanes Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from MENRO LGU Magallanes, Nature Preserve, Magallanes, Sorsogon, .

01/04/2026
20/03/2026
Tuwing ika-3 araw ng Marso, ipinagdiriwang natin ang World Wildlife Day para kilalanin ang kagandahan at kahalagahan ng ...
03/03/2026

Tuwing ika-3 araw ng Marso, ipinagdiriwang natin ang World Wildlife Day para kilalanin ang kagandahan at kahalagahan ng wildlife o buhay-ilang at ang mga natatangi nitong papel ng sa atin at sa kapaligiran.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Magallanes, sa pangunguna ng MENRO ay nagsagawa ng Patrol Works sa kagubatang sakop ng Brgy. Cagtalaba kasama ang Nursery Workers at Brgy. Councils ng nasabing Barangay.

Ang layunin ng nasabing pagpapatrolya ay upang obserbahan ang kasalukuyang status ng buhay-ilang at bigyan ng importansya ang kanilang pag-iral sa kagubatan.

Sa pagsasagawa ng pagpapatrolya ay natagpuan ang mga pinagkainan ng mga unggoy sa kagubata. Natagpuan rin ng grupo ang isang threatened species na tinanawag na JADE VINE (Strongylodon macrobotrys).

Ang jade vine (Strongylodon macrobotrys), na kilala sa tawag na Tayabak sa Tagalog, ay isang uri ng namumulaklak na baging na katutubo sa mga tropikal na kagubatan ng Pilipinas. Ito ay klasipikado bilang isang leguminous perennial liana (makahoy na baging) na kabilang sa pamilyang Fabaceae. Ang Tayabak ay kilala sa makulay na turquoise o jade-green na mga bulaklak na pabitin.

Isa pang aktibidad ngayong araw, ika-27 ng Pebrero, 2026, ang patuloy na Maintenance ng Binisitahan Sur Tree Park na isi...
27/02/2026

Isa pang aktibidad ngayong araw, ika-27 ng Pebrero, 2026, ang patuloy na Maintenance ng Binisitahan Sur Tree Park na isinagawa ng ating mga Nursery Workers.

Ngayong araw, ika-27 ng Pebrero, 2026, isinagawa ng LGU Magallanes sa ilalim ng pamumuno ng ating alkalde Hon. Maria Ele...
27/02/2026

Ngayong araw, ika-27 ng Pebrero, 2026, isinagawa ng LGU Magallanes sa ilalim ng pamumuno ng ating alkalde Hon. Maria Elena Ramona M. Ragragio ang Gapas-gapas ID Tagging sa Mangrove area ng Brgy. Caditaan na pinangunahan ng MENRO at Nursery Workers sa pakikipagtulungan ng Brgy. Council ng Caditaan na pinamumunuan ni Punong Barangay Jimmy M. Canales at kasama ang espesyal na partisipasyon ng UCMCI – United Caditaan Mangrove Conservation Inc. na pinamumunuan ni Mr. Danilo B. Batolbatol at kasama si Secretary Niña M. Gime.

Ang Gapas-gapas (Camptostemon philippinense) ay ang pinaka endangered na mangrove species sa Pilipinas. May tinatayang 1,200 na indibidwal na lamang ang natitira nito. Kilala ito sa mala-koton na mga hibla ng buto nito at ito ay nanganganib sa pagkawala ng tirahan, deforestation, at conversion sa fishpond. Ito ay kritikal, mabagal ang paglaki, at endemic na species na nangangailangan ng agarang konserbasyon.

Sa nasabing ID Tagging, inisyal na naitala ang 24 na indibidwal ng Gapas gapas sa isang quadrant na may sukat na 20x20 metro at ipagpapatuloy ang aktibidad na ito sa darating na ika-4 ng Marso, 2026.

Sa pangangasiwa ng MENRO at HRMO ng Local na Pamahalaan ng Magallanes sa ilalim ng pamumuno ng ating Municipal Mayor HON...
07/02/2026

Sa pangangasiwa ng MENRO at HRMO ng Local na Pamahalaan ng Magallanes sa ilalim ng pamumuno ng ating Municipal Mayor HON. MARIA ELENA RAMONA M. RAGRAGIO at Municipal Vice Mayor HON. AUGUSTO MANUEL M. RAGRAGIO ay naisagawa ang TREE Planting Activity sa Brgy. Salvacion ngayong araw ng Sabado, Ika-7 ng Pebrero 2026.

Nakapagtanim ng 250 pcs. na punla ng niyog, 50 pcs. ng rambutan at 50 pcs. ng cacao sa pagtutulungan ng MENRO na pinangunahan ni MS. EDEN L. ARIATE - OIC MENRO, HRMO na pinangunahan ni MS. CYTHIA G. EXTREMADURA - MHRMO I, Nursery workers at OFW family.

Simultaneous Cleanup Drive na naisagawa ngayong araw kaugnay ng pagdiriwang ng "World Wetlands Day". Maraming salamat po...
02/02/2026

Simultaneous Cleanup Drive na naisagawa ngayong araw kaugnay ng pagdiriwang ng "World Wetlands Day".

Maraming salamat po sa lahat nang nakiisa sa pagpapanatili ng ating mga wetlands sa bayan Magallanes sa pamumuno ng ating ginagalangang Mayor Hon. MARIA ELENA RAMONA M. RAGRAGIO at Vice Mayor Hon. AUGUSTO MANUEL M. RAGRAGIO.

Compliance monitoring sa effectivity ng Municipal Ordinance No. 05-2009Pagbawal sa paggamit ng plastic bags sa dry goods...
30/01/2026

Compliance monitoring sa effectivity ng Municipal Ordinance No. 05-2009

Pagbawal sa paggamit ng plastic bags sa dry goods.
Pag-regulate sa paggamit ng plastic bags sa wet goods – pwede lang maggamit ng single use plastic.
Pagbawal sa paggamit ng styrofoam
Pag-regulate sa pagbenta ng plastic bags – pwede lang magbenta ng plastic na pambalot sa asukal, harina, yelo, ice candy, hipon at iba pang wet goods. Pwede lang magbenta ang may clearance mula sa Lokal na Gobierno pakatapos magbayad ng kaukulang fee sa MTO.

Isinagawa ngayong araw ng ika-30 ng Enero taong 2026 sa pagtutulungan ng MENRO Magallanes at Office of the Public Market Administrator.

Ang “World Wetlands Day” ay ipinagdiriwang tuwing ika-2 ng Pebrero taun-taon. Ito ang araw ng pag adopt ng 18 na bansa s...
28/01/2026

Ang “World Wetlands Day” ay ipinagdiriwang tuwing ika-2 ng Pebrero taun-taon. Ito ang araw ng pag adopt ng 18 na bansa sa Convention on Wetlands o ang tinatawag na “Ramsar Convention” noong 1971 sa Ramsar, Iran. Ito ay isang intergovernmental na kasunduan na nakatuon sa konserbasyon at matalinong paggamit ng mga wetlands at nagkabisa noong 1975.
Ito ay ipinagdiriwang upang buksan ang kaisipan ng lahat nang mga seksyon ng lipunan tungkol sa kahalagahan ng wetlands sa atin at sa ating kapaligiran. Bawat taon, isang pandaigdigang tema ang pinagtibay upang ituon ang atensyon at tumulong na malaman ng publiko ang kahalagahan nito.

Ang tema ngayong taon:
"Wetlands and Traditional Knowledge: Celebrating Cultural Heritage"

Inaanyayahan po sa muli ang lahat nang Barangay ng Munisipalidad ng Magallanes, Sorsogon na makiisa sa nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng cleanup drive activity sa mga wetlands sa kanilang Barangay.

Ang inyong patuloy suporta at pagsusumikap sa pangangalaga sa ating kapiligiran ay lubos naming pinapasalamatan.
Maraming salamat po at isang makakalikasang araw po sa lahat.

Address

Magallanes, Sorsogon

4705

Telephone

+639661939777

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MENRO LGU Magallanes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your organization to be the top-listed Government Service?

Share