31/05/2026
Mga mag-aaral, para sa inyo ito!
Bukas ang oportunidad para sa mga estudyante mula sa Segundo Distrito ng Sorsogon na nangangailangan ng tulong pinansyal sa kolehiyo sa pamamagitan ng Tulong Dunong Program (TDP), dahil tayo ay naniniwala sa mga programang nagbibigay-suporta sa edukasyon upang mas marami pang kabataang Sorsoganon ang makapagpatuloy sa pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap.
Ang TDP ay isang educational assistance program para sa mga kwalipikadong mag-aaral na naka-enroll sa mga SUCs, LUCs, at mga HEIs. Ang mga mapipiling benepisyaryo ay maaaring makatanggap ng ₱7,500 kada semestre bilang tulong sa kanilang gastusin sa pag-aaral.
Upang mapabilang sa mga potensyal na benepisyaryo, sagutan lamang ang form na ito:
https://forms.gle/9QEdqWhov8GPARTRA
Tandaan, kinakailangan ding isumite ang mga sumusunod na requirements:
Para sa Continuing Grantees:
• Original or Certified True Copy of Certificate of Registration Form (1st Sem 2025-2026)
• Original or Certified True Copy of Leave of Absence (LOA) (For returning students)
Para sa New Applicants:
• TDP Application Form
• Original or Certified True Copy of Certificate of Registration Form (1st Sem 2025-2026)
• Original or Certified True Copy of Certificate of Indigency
Maaaring ma-access ang TDP Application Form, HEI Directory (HEI UII), at TDP Guidelines sa link na ito:
tinyurl.com/TDPRequirements
Tandaan! Kinakailangang wet signature ang pirma sa TDP Application Form. Para sa consolidation at endorsement ng mga aplikasyon, maaaring isumite ito sa Opisina ni Cong. Wowo Fortes sa Purok 2, Brgy. Macabari, Barcelona, Sorsogon simula Lunes hanggang Biyernes.
Ang deadline ng submissions ng hard copies at closing ng online form ay parehong nakatakda ng June 10, 5:00pm.
Ang mga aplikanteng hindi makapagsusumite ng hard copies ng mga dokumento ay maaalis sa listahan ng mga aplikante. Tanging ang mga nakapagsumite ng kumpleto at wastong requirements lamang ang maisasama sa ipapadalang listahan sa CHED Regional Office.
Patuloy nating susuportahan ang edukasyon dahil ang kabataan ang tunay na pag-asa ng bayan. Sa bawat estudyanteng natutulungan nating makapag-aral, mas pinatitibay natin ang kinabukasan ng ating mga pamilya, komunidad, at ng buong Sorsogon.