PNP 504th Maneuver Company, RMFB5

PNP 504th Maneuver Company, RMFB5 Camp Police Captain Max Jim Ramirez Tria
(1)

03/06/2026

On June 2, 2026, RMFB 5 intensifies police presence in Legazpi, Albay.




03/06/2026

On June 2, 2026, RMFB 5 conducted border control checkpoint in Brgy. Bariis, Legazpi City, Albay.

03/06/2026

PNP ISKOLAR, MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA DARAGA, ALBAY

Naghatid ng inspirasyon ang programang Project F.I.V.E. (Fight Insurgency Via Education) ng Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB 5) matapos opisyal na makapagtapos sa kolehiyo ang isa nitong iskolar noong Mayo 29, 2026 sa Daraga Community College.

Ang naturang iskolar ay nagtapos ng kursong Bachelor of Elementary Education (BEEd), sa kabila ng mga hamon sa buhay at pinansyal na dinanas habang nag-aaral. Sa pamamagitan ng tiyaga, disiplina, at determinasyon, nakamit niya ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Ayon sa RMFB 5, ang tagumpay ng iskolar ay malinaw na patunay na ang edukasyon ay epektibong sandata laban sa kahirapan at iba’t ibang banta sa kapayapaan, kabilang ang insurhensiya. Layunin ng Project F.I.V.E. na bigyan ng libreng edukasyon at suporta ang mga kabataan mula sa mga komunidad na nangangailangan upang sila ay mahubog bilang produktibong mamamayan.

Pahayag ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., “Ang bawat batang natutulungan nating makapagtapos ay isang hakbang palayo sa karahasan at isang hakbang patungo sa mas maayos na kinabukasan. Ito ang tunay na diwa ng serbisyo ng PNP—ang magbigay ng pag-asa.”

Dagdag pa niya, “Hindi lamang ito simpleng programa; ito ay pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bayan. Sa bawat iskolar na nagtatagumpay, mas pinatitibay natin ang kapayapaan sa komunidad.”

Ang RMFB 5 ay patuloy na isinusulong ang Project F.I.V.E. bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya para sa kapayapaan at kaunlaran, na nagbibigay ng alternatibong landas sa kabataan tungo sa edukasyon at mas produktibong buhay.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng tuloy-tuloy na malasakit at serbisyo ng kapulisan sa komunidad sa ilalim ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

02/06/2026

ISKOLAR NG PROJECT F.I.V.E., MATAGUMPAY NA NAGTAPOS SA KOLEHIYO

Isang makabuluhang tagumpay ang naitala noong Mayo 29, 2026, matapos na matagumpay na makapagtapos sa kolehiyo ang isa sa mga iskolar ng Project F.I.V.E. (Fight Insurgency Via Education), ang scholarship program ng Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB 5), sa Daraga Community College.

Sa kabila ng mga hamon sa buhay, ipinamalas ng nasabing iskolar ang matibay na determinasyon at sipag upang maabot ang kanyang pangarap. Ang kanyang pagtatapos sa kursong Bachelor of Elementary Education (BEEd) ay hindi lamang personal na tagumpay kundi simbolo rin ng bisa ng edukasyon bilang sandata laban sa kahirapan at insurhensiya.

Ang Project F.I.V.E. ay isang inisyatiba ng RMFB 5 na naglalayong bigyan ng libreng edukasyon at tulong-pinansyal ang mga kabataang nagmumula sa mga liblib at apektadong lugar ng insurhensiya. Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makapag-aral at makapagtapos upang maiwasan ang impluwensya ng karahasan at mapalakas ang kanilang kinabukasan.

Ayon kay PCOL RODELON A BETITA, Force Commander, RMFB 5, ang tagumpay na ito ay patunay na ang patuloy na suporta sa edukasyon ay isang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa komunidad. Ipinahayag din nito ang pagbati at buong pagmamalaki sa pagtatapos ng nasabing iskolar.

Umaasa naman ang buong hanay ng RMFB 5, na ang tagumpay ng iskolar na ito ay magsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan sa rehiyon na magsumikap at piliin ang landas ng edukasyon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

PNP Kasurog Bicol
Philippine National Police

02/06/2026

COMMUNITY FEEDBACK


IWASAN ANG E-SABONGPatuloy na pinaaalalahanan ng PNP ang publiko na maging responsable at umiwas sa iligal at mapaminsal...
29/05/2026

IWASAN ANG E-SABONG

Patuloy na pinaaalalahanan ng PNP ang publiko na maging responsable at umiwas sa iligal at mapaminsalang mga gawain na may kaugnayan sa online gambling.


NATIONAL FLAG DAY | May 28, 2026 🇵🇭Today, let us take a moment to honor the symbol that weaves the Filipino people toget...
28/05/2026

NATIONAL FLAG DAY | May 28, 2026 🇵🇭

Today, let us take a moment to honor the symbol that weaves the Filipino people together — our national flag. May it remind us of the courage, unity, and sacrifices of those who fought for our freedom. As it proudly waves, may we continue to uphold the values of patriotism, resilience, and love for our nation.



CRIME PREVENTION TIPSCYBER ATTACK
28/05/2026

CRIME PREVENTION TIPS
CYBER ATTACK


Address

Esperanza
Sorsogon
4714

Telephone

+639634785283

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP 504th Maneuver Company, RMFB5 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PNP 504th Maneuver Company, RMFB5:

Share