06/04/2026
PAALALA SA PUBLIKO
Dahil sa patuloy na krisis sa suplay ng gasolina, hindi tiyak kung kailan ito magtatapos, at sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, hinihikayat ng LGU ang lahat ng mamamayan na magsagawa ng mga hakbang sa pagtitipid at maghanda sa posibleng paglala ng sitwasyon.
Maaaring makaranas ng dagdag na hamon ang ating bayan sa mga susunod na buwan, dahil may mga magsasakang maaaring hindi makapagtanim dulot ng mataas na presyo ng gasolina at farm inputs, kasabay ng nalalapit na pasukan na magdudulot ng karagdagang gastusin at posibleng pagtaas ng singil sa kuryente.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang lahat na maging praktikal sa paggastos, magtipid sa kuryente at iba pang enerhiya, iwasan ang mga hindi kinakailangang biyahe, at bawasan ang di-mahalagang gastusin tulad ng mga pagdiriwang at pagtitipon. Ugaliin ang wastong pagba-budget, pag-iwas sa pag-aaksaya, at pagbibigay-priyoridad sa mga pangunahing pangangailangan. Hinihikayat din ang bawat pamilya na magsagawa ng backyard gardening upang makatulong sa sariling suplay ng pagkain.
Magkaisa po tayo sa maayos na pamamahala ng ating limitadong yaman sa panahong ito. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.