26/08/2026
๐ ๐๐ซ๐ฌ. ๐๐๐ซ๐ข๐ง๐
Mga Ka-4Ps, sasagutin ni Mrs. Caring ang inyong mga katanungan tungkol sa 4Ps โ dahil siya ay laging handang makinig at tumugon nang may malasakit.
๐ฌ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐
โ๐ด๐๐. ๐ช๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ 4๐ท๐?โ
๐๐๐ ๐จ๐ญ ๐ง๐ข ๐๐ซ๐ฌ. ๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ :
๐๐๐๐๐. Ang pagkakaroon ng mga ari-arian ay hindi sapat na batayan para masabing hindi na kwalipikado ang isang pamilya sa 4Ps.
Tinitingnan ang kabuuang kalagayan at well-being ng pamilya gamit ang mga itinakdang assessment ng programa, kabilang ang Social Welfare and Development Indicator (SWDI) Tool. Sinusuri rito ang ibaโt ibang aspeto ng kalagayan ng pamilya, kabilang ang economic at social adequacy, assets, at iba pang relevant indicators.
Kung makikitang umunlad na ang kalagayan ng pamilya at kaya na nitong magpatuloy nang hindi na nangangailangan ng intervention ng programa, maaari itong sumailalim sa program exit o graduation process, alinsunod sa umiiral na policies at protocols.
May concern tungkol sa isang 4Ps family? Huwag agad humusga o mag-akusa. I-report ito sa opisyal na grievance channels ng 4Ps upang maayos na matanggap, ma-validate, at maaksyunan.
๐ง Email: [email protected]
โ๏ธ Phone: (02) 931-81-01 to 07, local 10124 / 10265
๐ฑ Text: 0918-912-2813 (WISERV)
๐ Website: pantawid.dswd.gov.ph/contact-us
๐ Facebook: DSWD Pantawid Pamilya
๐ Confidential ang mga reklamo at pinoproseso ang mga ito ayon sa nararapat na grievance at validation procedures. Kinokolekta ang contact details ng nagrereklamo upang, kung maaari, ay maibigay ang feedback o resulta ng validation o imbestigasyon.
Sa 4Ps, hindi sapat ang hinalaโkailangan ng tamang assessment.
Huwag manghusga. I-report sa tamang channel.