Kap. Rodrigo C. Vivas

Kap. Rodrigo C. Vivas "SERBISYONG SIGURADO PARA SA PATULOY NA PROGRESO"
"PUSO AT DEDIKASYON SA PAGLILINGKOD"

Karagdagang hand-held radio para sa ating mga Barangay Tanod!Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsusumikap na mapabuti ...
02/12/2024

Karagdagang hand-held radio para sa ating mga Barangay Tanod!

Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsusumikap na mapabuti ang kaligtasan at kaayusan sa ating barangay, layunin po ng hakbang na ito na mapahusay ang komunikasyon sa mga tanod, lalo na sa mga oras ng pangangailangan at emergency.

Ang mga bagong hand-held radio ay magsisilbing kasangkapan upang mas mapadali at mapabilis ang koordinasyon sa pagitan ng ating mga tanod, upang masiguro ang agarang pag-aksyon sa mga sitwasyong nangangailangan ng kanilang pag-aproba at tulong. Sa pamamagitan nito, inaasahan po namin na magiging mas epektibo ang ating mga tanod sa pagtutok sa seguridad ng buong barangay.

Ang aming layunin ay magpatuloy sa pagpapabuti ng serbisyo at proteksyon para sa bawat isa sa ating komunidad.
Patuloy tayo na magtulungan at magsuportahan sa mga programa at proyekto na nakikinabang ang buong barangay.



✌️

Maganda at Mapagpalang araw sa ating mga kabarangay!Kami po ay nagagalak na ipabatid sa inyo ang isang mahalagang progra...
02/12/2024

Maganda at Mapagpalang araw sa ating mga kabarangay!

Kami po ay nagagalak na ipabatid sa inyo ang isang mahalagang programa na layuning matulungan ang ating mga Senior Citizen na nangangailangan ng mga gamot na maintenance. Sa ilalim ng programang ito, bibigyan ng libreng gamot ang mga senior citizen at mga batang may mga kondisyon na nangangailangan ng regular na pag-inom ng gamot. Paalala lamang po na ito po ay FIRST COME FIRST SERVE lamang!

Ang mga residente ay maaaring magtungo sa ating Barangay Hall at magdala ng inyong UPDATED na RESETA.
Ang mga gamot ay ipapamahagi ayon sa pangangailangan ng bawat isa, kaya't hinihikayat ang mga kabarangay na magtulungan at magbigay ng impormasyon ukol sa mga pamilya o ka-barangay na nangangailangan.

Inaasahan po namin ang inyong aktibong pakikilahok upang matulungan ang ating mga senior citizen at mga kabataan na mapanatili ang kanilang kalusugan. Sama-sama at magtulungan tayo upang MASIGURO ang kalusugan at kaginhawaan ng ating komunidad.



✌️

16/08/2024

𝗖𝗒𝗨π—₯π—§π—˜π—¦π—¬ π—©π—œπ—¦π—œπ—§ | Sangguniang Barangay of Banaba, Silang, Cavite, headed by Kapitan Rodrigo Vivas


Isang mapagpalang umaga sa ating lahattaos pusong pasasalamat sa ating mahal na Governor Hon. Jonvic Remulla, sa kanyang...
15/08/2024

Isang mapagpalang umaga sa ating lahat
taos pusong pasasalamat sa ating mahal na Governor Hon. Jonvic Remulla, sa kanyang binigay na kagamitang pang tanod na malaking tulong sa kanilang pag iikot…



Sa ngalan ng programang "Kalinisan Sa Bagong Pilipinas 2024," ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating Sangguniang ...
03/08/2024

Sa ngalan ng programang "Kalinisan Sa Bagong Pilipinas 2024," ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating Sangguniang Barangay Councils, Sangguniang Kabataan, Brgy.Staff, Brgy Tanod, Block Leaders at Secretaries maging sa iba pang nagVolunteer sa pagtugon sa ating SIMULTANEOUS WEEKLY CLEAN-UP DRIVE.
Ang temang ito ay sumasalamin sa ating adhikaing magtaguyod ng isang MALINIS at MAAYOS na kapaligiran para sa ating lahat.

Sa ating sama-samang pagsusumikap tuwing linggo, layunin nating hindi lamang linisin ang ating kapaligiran kundi pati na rin MAGTANIM ng DISIPLINA at RESPONSIBILIDAD sa bawat isa. Ang ating mga munting hakbang ay may malaking ambag sa pagbuo ng isang komunidad na may malasakit sa kalikasan at kapaligiran.

Ang bawat piraso ng basura na ating pupulutin, bawat puno na ating itatanim, at bawat kanal na ating lilinisin ay hakbang patungo sa isang Bagong Pilipinas na ating maipagmamalaki. Hinihikayat ko ang lahat na patuloy na MAKIISA, MAGTULUNGAN, at maging INSPIRASYON sa iba.

Naging matagumpay at makabuluhan ang ating simultaneous weekly clean-up drive. Sama-sama nating isulong ang kalinisan at disiplina para sa isang mas maliwanag na kinabukasan.

Malugod ko pong binabati ang Iglesia ni Cristo sa kanilang ika-110 taon ng pagtatagumpay at paglilingkod sa Diyos at sa ...
27/07/2024

Malugod ko pong binabati ang Iglesia ni Cristo sa kanilang ika-110 taon ng pagtatagumpay at paglilingkod sa Diyos at sa bayan.
Sa pamamagitan ng inyong patuloy na paglalakbay ng pananampalataya at pagmamahal sa kapwa, nagiging tanglaw kayo sa ating lipunan. Mabuhay ang Iglesia ni Cristo, patnubayan kayo ng Poong Maykapal sa inyong mga gawain at misyon!

Pagbati Mula kay Kap. Rodrigo C. Vivas at Sangguniang Barangay Council ganun din Ng Sangguniang Kabataan Ng Barangay Banaba!



Malugod natin tinanggap ang lahat ng magulang sa ating Kindergarten Orientation! Tayo'y magtutulungan upang matiyak na a...
26/07/2024

Malugod natin tinanggap ang lahat ng magulang sa ating Kindergarten Orientation! Tayo'y magtutulungan upang matiyak na ang ating mga anak ay magkakaroon ng masaya at matagumpay na taon sa kanilang pag-aaral. Katuwang ang ating masipag na Day Care Teacher ma'am Celia Micosa at Day Care Worker na si ma'am Julie Micosa, Kasama din natin ang kinatawan ng komite ng Sports and Education na si Kagawad MaryRose Ibay Caculba.

PATULOY nating pataasin ang kalidad ng edukasyon sa ating kumonidad

Maraming salamat sa inyong suporta at kooperasyon!



✌️

Pagbati sa Matagumpay na Pamamahagi ng School Supplies πŸ“šβœοΈsa 500 na Estudyante ng Barangay Banaba!!πŸ‘¨β€πŸ«πŸ‘©β€πŸ«Kami po ay lubo...
25/07/2024

Pagbati sa Matagumpay na Pamamahagi ng School Supplies πŸ“šβœοΈsa 500 na Estudyante ng Barangay Banaba!!πŸ‘¨β€πŸ«πŸ‘©β€πŸ«

Kami po ay lubos na nagagalak na ibalita ang tagumpay ng ating programa para sa pagbibigay ng mga school supplies sa ating mga minamahal na mag-aaral. Sa tulong at suporta ng bawat isa (Sangguniang Barangay Council, Sangguniang Kabataan,Block Leaders and Sec. ,mga Staff ng Brgy. at sa ibang Volunteers), natamasa natin ang pagkakataong magbahagi ng mga kinakailangang kagamitan sa edukasyon upang masigurong handa silang harapin ang bagong taon ng pag-aaral.

Ang inyong pagmamalasakit at pagkakaisa ay nagbigay daan upang maging matagumpay ang ating adbokasiya. Sa bawat lapis, papel, ball pen, notebook, at iba pang kagamitang ipinamahagi, hindi lamang ito simpleng tulong, kundi isang malaking hakbang tungo sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa ating komunidad.

Muli, taos-pusong pasasalamat sa bawat isa sa inyo na tumulong at nagbigay ng suporta. Patuloy sana nating ipagpatuloy ang ating pagtutulungan para sa ikauunlad ng bawat bata at ng ating barangay.




✌️

Malamig man ang panahon dala ng ulan hatid ng bagyong si Carina, Hindi ka na mapapaSANA ALL Barangay Banaba….Kanina haba...
24/07/2024

Malamig man ang panahon dala ng ulan hatid ng bagyong si Carina, Hindi ka na mapapaSANA ALL Barangay Banaba….

Kanina habang ating minomonitor at sinisiguro ang KALIGTASAN at KALAGAYAN ng ating barangay sa kasalukuyang lakas ng ulan lalo na sa bahaging nakatira malapit sa danger zone o ilog.
Tayo po ay namahagi at talagang pinainit ang nanlalamig na pakiramdam ng ating mga kabarangay kaya naman NO MORE SANA ALL ang lahat sa hatid na pasopas at lugaw na may pagmamahal ng inyong lingkod!!



Address

Silang
Silang
4118

Telephone

+639153896352

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Rodrigo C. Vivas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share