07/04/2026
Magandang Gabi mga Ka- Barangay!
Bilang paghahanda sa Unang araw ng Medical Mission na gaganapin sa BRGY. CAINGIN COVERED COURT sa darating na APRIL 12,2026 ( para sa mga taga Nayon) ganap na 7:00 ng Umaga hanggang 5:00 ng Hapon.
Ang inyong lingkod ay mamimigay ng First 150 Forms para sa mga PHILHEALTH MEMBERS para sa mas mabilis na proseso sa araw ng Medical Mission.
Mangyari lamang pong magpunta sa BRGYHALL ng CAINGIN, BUKAS 10am-5pm Hanapin lamang po si kagawad GELO FACTORIZA at higit sa lahat ihanda ang PHILHEALTH ID/ MEMBER para mabigyan ng nasabing Form na inyo namang agad na sasagutan/ fifill-upan at dadalhin sa pinaka araw ng Medical Mission sa APRIL 12,2026
Para po pagdating sa araw ng medical mission hindi na kyo mag fifill-up ng papel sa venue
Para po ito sa mas mabilis na proseso 🫶