Sta Praxedes PS

Sta Praxedes PS bisita ni pd at cop

05/05/2026

LOOK: Personnel of Santa Praxedes Police Station Cagayan Police Provincial Office conducted foot patrol at Brgy. Centro 2 Santa Praxedes, Cagayan to enhance police visibility and ensure public safety and security.


05/05/2026

Ang Pagnanakaw o Theft ay hindi lamang simpleng paglabag—ito ay may katumbas na mabigat na parusa ayon sa batas.

05/05/2026

Biyahe man o bakasyon, siguraduhing ligtas ang bawat galaw.
Ang Cagayan Police Provincial Office ay nakaantabay upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan ngayong tag-init.

✔️ Mag-ingat sa biyahe
✔️ Bantayan ang mga gamit sa mga pasyalan
✔️ Siguraduhing ligtas ang tahanan bago umalis
✔️ Protektahan ang pamilya sa lahat ng oras

📍 Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya

Tuloy ang biyahe, sigurado ang babalikan!


05/05/2026

Parusa sa Theft o pagnanakaw at kung paano makaiwas dito

05/05/2026

PRO2 News Brief 05-04-08
May 4, 2026

1st IPMFC, Rumesponde sa Grassfire sa Roxas, Isabela

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan— Mabilis na umaksyon ang mga kapulisan ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company matapos ang naitalang insidente ng sunog sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela ngayong araw na agad naapula sa tulong ng maagap na koordinasyon at pagtutulungan ng mga awtoridad at komunidad.

Ayon sa ulat, isang grassfire ang mabilis na kumalat sa nasabing lugar dulot ng tuyong damo at matinding init ng panahon. Agad itong namataan ng mga naka-duty na tauhan ng 1st IPMFC, na siyang unang rumesponde sa insidente. Kaagad nilang inalerto ang mga residente sa paligid upang maiwasan ang anumang panganib at nakipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP) para sa agarang suporta.

Sa kabila ng banta ng mabilis na pagkalat ng apoy, pinangunahan ng mga pulis ang paunang pag-apula gamit ang mga available na kagamitan habang hinihintay ang karagdagang pwersa mula sa BFP. Sa pamamagitan ng koordinadong aksyon at pagtutulungan ng mga responders at mamamayan, tuluyang naapula ang sunog matapos ang ilang oras.

Walang naitalang nasawi o nasugatan, at wala ring napaulat na napinsalang ari-arian sa nasabing insidente.

Pinuri ng pamunuan ng PRO 2 ang ipinakitang kahandaan at dedikasyon ng mga rumespondeng pulis, na anila’y patunay ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa mabilis at epektibong serbisyo publiko. Ang insidente ay sumasalamin din sa pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna.

Binigyang-diin ng Acting Regional Director ng PRO 2 na ang ganitong uri ng agarang aksyon ay nagpapakita ng tunay na diwa ng serbisyo publiko—ang pangangalaga sa buhay at ari-arian ng mamamayan sa oras ng pangangailangan.

“Ang mabilis na pagtugon ng ating mga kapulisan ay patunay ng kanilang kahandaan at malasakit sa komunidad. Patuloy nating paiigtingin ang ating kakayahan sa disaster response upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan,” ani ni PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ, Acting Regional Director.

Patuloy namang pinaalalahanan ng PRO 2 ang publiko na maging mapagmatyag at agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa oras ng sakuna upang maiwasan ang mas malalang insidente.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-04-08
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Acting Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


05/05/2026
05/05/2026

PRO2 News Brief 05-04-07
May 4, 2026

Suspek, Timbog sa Ilegal na Transportasyon ng Produktong Petrolyo sa Nueva Vizcaya

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City, Cagayan – Naaresto ang isang lalaki habang ang kanyang kasama ay patuloy na pinaghahanap kaugnay ng umano’y ilegal na pag-aangkat ng hindi dokumentadong produktong petrolyo sa Barangay Baliling, Santa Fe, Nueva Vizcaya nitong umaga ng Mayo 4, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas Carlo, 59 taong gulang, driver at residente ng Bukod, Benguet.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga nang tangkain ng pinagsanib na pwersa ng Santa Fe Municipal Police Station at 205th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2 na pahintuin ang isang mini dump truck sa checkpoint. Sa halip na huminto, pinaharurot umano ng driver ang sasakyan patungong hilaga, dahilan upang magsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad.

Nabatid na may kasabay na motorsiklo ang truck na pinaniniwalaang es**rt at minamaneho ng isa pang suspek, na nakatakas sa naturang operasyon. Sa tulong ng Santa Fe Police Station, tuluyang naharang ang sasakyan at naaresto si Carlo. Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ng mga kapulisan na naglalaman ito ng tinatayang 3,580 litro ng diesel na walang kaukulang dokumento.

Kabilang sa mga nakumpiska ang anim na drum, dalawang malalaking container, labintatlong lalagyan, at apat na galon ng diesel na may kabuuang halagang humigit-kumulang Php304,300.00.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1865 kaugnay ng ilegal na transportasyon ng produktong petrolyo.

Samantala, nagbigay ng babala si PBGEN Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng PRO 2, sa lahat ng patuloy na nagbebenta o nagta-transport ng mga iligal na produktong petrolyo.

“Sa patuloy na operasyon ng ating kapulisan, tiyak na ang pag-aangkat ng mga ilegal na produktong petrolyo ay matutuldukan, alinsunod sa mas pinaigting na Focused Agenda ng PNP,” saad ni PBGEN Rodriguez.
# # #

PRO2 News Brief No. 05-04-07
Authority: PBGEN MARIANO C RODRIGUEZ
Acting Regional Director
PMAJ SHARON C MALLILLIN
OIC, RPIO
Contact Nos. Tel: (078) 304-0074
Fax: (078)304-2897
Website http://www.pro2.pnp.gov.ph/
page: Police Regional Office 2


05/05/2026

DALAWANG PANGANGANAK, AGARANG RINESPUNDIHAN NG PULIS; INA AT SANGGOL LIGTAS

Dalawang magkahiwalay na insidente ng panganganak ang agad na naagapan ng kapulisan sa Albay at Pangasinan, na muling nagpakita ng malasakit at kahandaan ng Philippine National Police sa oras ng emergency.

Sa Rapu-Rapu, Albay, bandang alas-2:30 ng hapon noong Mayo 2, 2026, rumesponde ang mga tauhan ng Rapu-Rapu Municipal Police Station matapos makatanggap ng tawag na may buntis na nanganganak habang sakay ng motorbanca sa gitna ng dagat.

Sa aktuwal na sitwasyon, inabutan na ng panganganak ang ginang, at dito naipakita ang kahandaan ni PCpl Rachelle Dondonilla, isang pulis at lisensyadong nurse, na maingat na tumulong upang masigurong ligtas ang ina at sanggol bago sila isinugod sa ospital. Ligtas ang mag-ina sa kasalukuyan.

Samantala, sa San Jacinto, Pangasinan noong Mayo 3, 2026, isang babaeng nasa aktibong naglalabor ang humingi ng tulong sa himpilan ng pulisya. Dahil sa mabilis na aksyon ng mga tauhan ng San Jacinto MPS, naipanganak ang sanggol sa isang tricycle sa harap mismo ng istasyon. Agad ding isinunod sa pangangalaga ng rural health unit ang mag-ina para sa karagdagang gamutan. Ligtas ang mag-ina.

Pinuri ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga tauhan sa kanilang mabilis at makataong aksyon.

“Ito ang uri ng serbisyo na inaasahan ng ating mga kababayan—handa, maaasahan, at may malasakit. Hindi lang ito tungkol sa tungkulin, kundi sa tunay na paglingap sa kapwa,” ani PGen Nartatez.

Dagdag pa niya, “Sa ganitong mga pagkakataon, naipapakita natin na ang pulis ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas, kundi katuwang sa pagligtas ng buhay.”

Ang insidenteng ito ay patunay na sa oras ng pangangailangan, maaasahan ang kapulisan—kahit sa gitna ng dagat, walang inuurungan pagdating sa serbisyo.

Patuloy na isinusulong ng PNP ang adhikaing Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman, sa pamamagitan ng mga gawaing tunay na sumasalamin sa malasakit at dedikasyon sa sambayanan.

(PNP-PIO)

05/05/2026

209 CASES FILED, 104 ARRESTED IN PNP CYBERCRIME APRIL OPERATIONS

The Philippine National Police (PNP), through its Anti-Cybercrime Group, continues to step up its nationwide campaign against online offenses, resulting in significant gains for the past month as authorities sustained efforts to make the digital space safer for all Filipinos.

A total of 209 cybercrime cases were referred for filing, while 104 individuals were apprehended through entrapment operations and the service of warrants. Police also carried out 108 cyber warrants, conducted 2,196 cyber patrol activities, and completed 77 digital forensic examinations. These operations led to the rescue of 19 victims and the conviction of nine offenders.

The intensified campaign forms part of the PNP’s Focused Agenda, particularly under Enhanced Managing Police Operations, aligning with the broader direction of the administration of President Ferdinand R. Marcos Jr. to strengthen public safety both offline and online.

PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., underscored the importance of staying ahead of evolving cyber threats.

“Sa panahon ngayon na halos lahat ay konektado na online, mas pinalalakas natin ang ating kakayahan para protektahan ang publiko laban sa mga krimeng nangyayari sa digital space. Hindi tayo titigil sa paghabol sa mga lumalabag sa batas,” said PGen Nartatez.

He added, “We remain committed to building a secure and trustworthy online environment. Our message is clear—those who exploit technology to harm others will be held accountable, while we continue to safeguard victims and support their path to justice.”

The PNP assures the public that it will further enhance its cyber capabilities, strengthen coordination with partner agencies, and sustain proactive operations to address emerging threats in the digital landscape.

These continuing efforts reflect the organization’s commitment to a more responsive and people-centered police service—anchored on the vision of a Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

05/05/2026

PNP ARRESTS MOST WANTED SUSPECT FOR R**E CASES IN BULACAN

The Philippine National Police, under the command of PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., successfully arrested the No. 2 Most Wanted Person at the regional level in an operation conducted at about 1:20 PM on May 3, 2026, in Brgy. Lapnit, San Ildefonso, Bulacan. Operatives from the San Ildefonso Municipal Police Station under the Bulacan Police Provincial Office served the warrant of arrest against the accused, who is facing four counts of statutory r**e with no bail recommended and three counts of acts of lasciviousness with a recommended bail of PhP600,000.00. The accused is now under the custody of the arresting unit.

The arrest highlights the firm and sustained efforts of the PNP in pursuing individuals listed among the most wanted, particularly those involved in grave offenses against women and children. The operation was carried out through lawful procedures, resulting in the immediate arrest of the accused and ensuring that the individual will answer before the court.

“This operation reflects our strong commitment to enforce the law without hesitation and to protect those who are most at risk in our communities,” said PNP Chief PGEN Nartatez. “Sisiguraduhin namin na ang mga taong gumagawa ng krimen laban sa kababaihan at kabataan ay mahaharap sa hustisya.”

Aligned with the PNP Focused Agenda—a strategic framework of transformation designed to make police service more responsive and accountable—this accomplishment underscores the key priority on Enhanced Managing Police Operations, particularly in intensifying manhunt efforts against wanted persons involved in high-impact crimes.

“We will not allow offenders to remain at large. Our police units will continue to act with determination in locating and arresting those facing serious charges,” PGEN Nartatez added. “Mas paiigtingin pa namin ang aming paghahanap sa mga wanted upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating mga komunidad.”

As the PNP strengthens its manhunt operations and reinforces its efforts to uphold public safety under the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr., it continues to assure the public of “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

(PNP-PIO)

05/05/2026

PNP ANTI-SMUGGLING DRIVE YIELDS ₱6.2-B SEIZURES, NEARLY 2,000 ARRESTED

The Philippine National Police (PNP) reported significant gains in its nationwide campaign against illegal smuggling, with a total of 5,389 operations conducted from January 1 to April 30, 2026, resulting in the arrest of 1,976 individuals and the confiscation of smuggled goods and cash valued at ₱6.27 billion.

For April alone, authorities carried out 2,031 operations, leading to the arrest of 603 suspects and the seizure of approximately ₱3.34 billion worth of illegal items.

These accomplishments underscore the PNP’s strengthened enforcement efforts against smuggling activities, which continue to undermine local industries and government revenues. The operations were carried out in coordination with partner agencies to ensure lawful and orderly implementation.

PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., emphasized the importance of sustained vigilance and cooperation among law enforcement units.

“We will continue to protect our borders and support lawful trade. Ang laban kontra smuggling ay laban para sa kabuhayan ng ating mga mamamayan,” he said.

He also assured the public that all operations are conducted with respect for human rights and due process. “We remain firm but fair in our actions. Our goal is to enforce the law while upholding the dignity of every individual involved,” he added.

The campaign forms part of the PNP’s Focused Agenda under Enhanced Managing Police Operations, aligning with the broader directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to strengthen border protection and curb economic sabotage.

The PNP continues to call on the public to report suspicious activities related to smuggling, reaffirming its commitment to a safer and more secure nation through Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

Address

Maharlika Highway, Centro II, Cagayan
Santa Praxedes
3521

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta Praxedes PS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share