27/04/2026
Magandang Araw mga Kabarangay!
Sa darating na Sabado, Mayo 2, 2026, ay magkakaroon po ng COMELEC Satellite Voter’s Registration sa ating Barangay (Registration, Transfer, Update, Reactivation).
Ito po ay gaganapin sa ating Barangay Hall (2nd Floor) mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon.
Magkakaroon din ng Registration ng PHILSYS National ID sa parehong araw, oras at lugar para sa mga hindi pa nakakapag paregister sa National ID.
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Sto. Tomas, na magparehistro. Tangkilikin po natin ang mga programa ng ating barangay.
PAALALA:
- Magdala ng isang valid government-issued ID. Hindi tatanggapin ang cedula, Barangay-issued Certificate at Barangay ID.
- Para naman sa 15-18 y/o na applikante, magdala ng photocopy ng Birth Certificate.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay, ABC Ging A. Ramos
Maraming Salamat po!