18/11/2025
Mula sa liwanag na handog ng ICP Santa Maria, muling magniningning ang diwa ng Pasko sa Kislap ng Kultura at Sigla ng Kalikasan ngayong PARADA NG MGA TALA 2025! โจ
ICP - Senior High School - SHS 002
"Kislap ng Kultura, Sigla ng Kalikasan"
Ang "Kislap ng Kultura, Sigla ng Kalikasan" ay sagisag ng pag-asa at pagkakaisa ngayong pasko. Gamit ang balat ng mais, kahoy mula sa pinaglagyan ng saging sa palengke, lumang test paper, tray ng itlog, at lumang electronic waste, muling nabuhay ang kagandahan sa llikod ng mga bagay na minsang itinapon. Bawat bahagi ng parol ay sumasalamin sa malikhaing diwa ng Pilipino- maparaan. Mapagmahal sa kalikasan, at tapat sa tradisyon. Ang liwanag nito ay hindi lamang mula sa ilaw, kundi mula sa pusong handang magbigay at mamahagi. Sa gitna ng hamon ng panahon, patuloy na magniningning ang ating kultura at kalikasan.