04/01/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Isang viral post sa page na โByaheng Manila to Bicol Door to Doorโ ang nagdulot ng pansin sa LTO. Isang ginang kasama ang kanyang anak ang sumakay sa Toyota Avanza, na napag-alaman ng LTO na isang pribadong sasakyan, mula Goa Terminal, Camarines Sur patungong North Caloocan. Napagkasunduan ang P2,000 para sa direktang paghatid sa kanilang tahanan kasama ang mga gamit. Ngunit sa Cubao, Quezon City, ibinaba sila ng driver at humiling ng dagdag na bayad, sinasabing hindi raw kasama ang destinasyon sa napag-usapan.
Muling nagpaalala si LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao:
โAng mga ganitong insidente ay nakakasira sa tiwala ng publiko at labag sa mga patakaran para protektahan ang mga pasahero. Ang colorum na pagbibiyahe, dagdag na singil, at pagtanggi na tapusin ang serbisyo ay hindi makakalusot sa ating mga operasyon. Hinihikayat ko ang mga pasahero na ireport agad ang mga ganitong pang-aabuso.โ
Dahil sa nabanggit na pangyayari, ipinag-utos ni Asec. Lacanilao na isyuhan ng Show Cause Order ang may-ari ng sasakyan at driver. Inatasan silang magsumite ng sworn statement sa Intelligence and Investigation Divison (IID) ng LTO Central Office at dumalo sa pagdinig sa 12 January 2026 para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat parusahan.
Kailangan nilang ipaliwanag ang pagtanggi na tapusin ang paghahatid hanggang sa napagkasunduang destinasyon. Dapat din nilang sabihin ang dahilan ng dagdag na bayad nang walang paunang pag-uusap, dahil ang pamasahe ay batay sa kasunduan bago sumakay. Bukod dito, kailangan nilang ipaliwanag kung bakit ginamit ang pribadong sasakyan para sa pagbibiyahe nang walang pahintulot mula sa LTFRB โ isang paglabag sa batas na kilala bilang colorum.
Kailangan din nilang sabihin kung bakit hindi dapat suspendihin o kanselahin ang lisensya ng driver, na maaaring ituring na โImproper Person to Operate A Motor Vehicleโ kung may patunay ng pagkakamali. Dapat nilang dalhin ang lahat ng dokumento ng sasakyan sa pagdinig.
Habang iniimbestigahan pa ang kaso, ang Toyota Avanza ay pansamantalang inilagay sa alarm status. Ang lisensya ng driver ay sinuspinde ng siyamnapung (90) araw at kailangang ibigay sa LTO bago ang pagdinig.
Pinapaalalahan ang mga nasasangkot na kung hindi sila magsusumite ng paliwanag, ituturing silang hindi makakapagbigay ng kanilang panig, at papasiyahan ang kaso batay sa ebidensya ng LTO.
https://www.facebook.com/share/p/1EQ3LBsgFN/