30/04/2026
𝙎𝙩𝙖𝙠𝙚𝙝𝙤𝙡𝙙𝙚𝙧𝙨 𝘾𝙤𝙣𝙨𝙪𝙡𝙩𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙈𝙚𝙚𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙬𝙞𝙩𝙝 𝘾𝙞𝙩𝙮/𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝘼𝙜𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙞𝙨𝙩, 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡𝙤𝙧 𝙤𝙣 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙞𝙩𝙩𝙚𝙚 𝙤𝙣 𝘼𝙜𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙚, 𝘾𝙞𝙩𝙮/𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝘼𝙜𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙚 𝙖𝙣𝙙 𝙁𝙞𝙨𝙝𝙚𝙧𝙮 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 (𝘾/𝙈𝘼𝙁𝘾) 𝙖𝙣𝙙 𝘾𝙞𝙩𝙮/𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝙁𝙞𝙨𝙝𝙚𝙧𝙮 𝙖𝙣𝙙 𝘼𝙦𝙪𝙖𝙩𝙞𝙘 𝙍𝙚𝙨𝙤𝙪𝙧𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙣𝙖𝙜𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 𝘾𝙤𝙪𝙣𝙘𝙞𝙡 (𝘾/𝙈𝙁𝘼𝙍𝙈𝘾)
𝙁𝘼𝙀𝙎-𝙊𝙋𝘼𝙜 𝙏𝙧𝙖𝙞𝙣𝙞𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙡𝙡, 𝘾𝙖𝙡𝙞𝙤𝙨, 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝘾𝙧𝙪𝙯, 𝙇𝙖𝙜𝙪𝙣𝙖
𝘼𝙥𝙧𝙞𝙡 30, 2026
𝑲𝑨𝑵𝑰𝑵𝑨 ay isinagawa ang isang konsultasyon kasama ang mga Pambayan at Panglungsod na Agrikultor, Councilor-Committee on Agriculture, M/CAFC/M/CFARMC at ilang AEW ng bawat bayan. Sa konsultasyon na ito at tinalakay ang mga pangkasalukuyan at pang hinaharap na mga plano sa mga proyekto at programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna. Gayundin ay kasama sa gawaing ito ang mga presentasyon ng bawat ahensyang katuwang ng pagpapalawig ng agrikultura sa ating bayan. Ito ang mga sumusunod:
Department of Agriculture Region IV-A
DA-PhilRice Los Baños
DA-PhilMech
National Food Authority (NFA)
Philippine Coconut Authority (PCA)
Department of Social Worker and Development (DSWD)
Layunin ng gawain na ito na malikom ang mga programa at proyekto ng bawat bayang kabilang dito upang mailapat sa mga plano at mabigyang solusyon ang mga ito.
Kaisa ang Sangguniang Panlalawigan ng Laguna-Bokal Karla Monica C. Adajar-Lajara at mga kasamahan, tinalakay ang kalagayan ng agrikultura at mga resolusyon na ipapatupad para sa sektor.
Ang konsultasyon na ito ay unang hakbang pa lamang upang mabigyan-diin ang bawat kalagayan ng iba't-ibang banner programs sa bawat bayan. Ang malilikom na resulta buhat dito ay masinsing pag-aaralan at pagtutuunan ng pansin at muling ilalahad sa mga nasabing katuwang.
Kung kaya't buhat sa isang tagumpay na konsultasyon na ito, isang pasasalamat mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, Gobernadora Sol Aragones, Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Dr. Niño Paul Meynard Banayo at lahat ng mga kasamahan sa patuloy na suporta ng bawat bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Muli, Maraming Salamat po!