08/10/2026
𝐌𝐨𝐫𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫𝐲, 𝐕𝐚𝐥𝐮𝐞𝐬 𝐅𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐔𝐩𝐥𝐢𝐟𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 | 𝐌𝐠𝐚 𝐁𝐮𝐧𝐠𝐚 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐩𝐢𝐫𝐢𝐭𝐮 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 | 𝐆𝐚𝐥𝐚𝐤 (𝐉𝐨𝐲) - 𝐋𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝”
Isinagawa ang Moral Recovery Program (MRP) para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna mula sa Provincial Assessor’s Office, Sectoral Concern Office, Public Affairs Office, General Services Office (GSO), Laguna Traffic Management Office (LTMO), Provincial Nutrition Action Office (PNAO), Management Information Systems Office (MISO), at Akay ni Gob Botika sa Victoria at Pila nitong Martes, Oktubre 6, 2026.
Nakatuon ang talakayan sa Galak (Joy) bilang isa sa mga bunga ng Banal na Espiritu at sa kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pagtupad ng tungkulin. Binigyang-diin na ang tunay na kagalakan ay hindi lamang nakabatay sa magandang sitwasyon, kundi nagmumula sa pusong marunong magpasalamat at patuloy na gumagawa ng mabuti sa kabila ng mga hamon.
Sa pamamagitan ng Head, Heart, and Hand, hinikayat ang mga kawani na isabuhay ang Joyful Disposition, Joyful Reception, at Joyful Service—sa pagpapanatili ng positibong pananaw, maayos na pagtanggap sa kapwa, at masayang pagtupad sa responsibilidad bilang lingkod-bayan.
“𝗦𝘂𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗻𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗘𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁𝘂 𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴-𝗶𝗯𝗶𝗴, 𝗸𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗻, 𝗸𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻…” — 𝗚𝗮𝗹𝗮𝗰𝗶𝗮 𝟱:𝟮𝟮
Life Application:
“𝗦𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗵𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻.” — 𝗡𝗲𝗵𝗲𝗺𝗶𝗮𝘀 𝟴:𝟭𝟬
Sa bawat ngiti, mabuting pakikitungo, at tapat na pagtupad sa tungkulin, nawa’y maging daluyan tayo ng galak, pag-asa, at positibong pagbabago sa ating tanggapan at sa mga mamamayang ating pinaglilingkuran.
𝑴𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒈𝒂𝒍𝒂𝒌, 𝒔𝒂𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒈𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒐𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔.