30/03/2026
KALIPI Barangay Caruray nakiisa sa Womenโs Month Celebration 2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโs Month, matagumpay na nakilahok ang KALIPI ng Barangay Caruray sa isinagawang Womenโs Month Celebration sa Brgy. Poblacion, San Vicente, Palawan noong Marso 23, 2026.
Dumalo at nakibahagi sa nasabing aktibidad sina Kgd. Jenevi Romero at Kgd. Elsie Torres, kasama ang mga miyembro ng KALIPI. Ang kanilang pakikiisa ay naisakatuparan sa suporta ng buong 18th Council ng Barangay Caruray sa pangunguna ni Kap. Bernardo Borja, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa kababaihan.
Layunin ng aktibidad na kilalanin at palakasin ang mahalagang papel ng kababaihan sa komunidad, gayundin ang pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at karapatan ng bawat isa.
Sa pagtatapos ng buwan ng Marso, muling pinagtitibay ng Barangay Caruray ang pangako nito na patuloy na susuporta sa mga inisyatiba para sa kapakanan at pag-unlad ng kababaihan.
โAng lakas ng kababaihan ay lakas ng komunidadโat sa bawat pagkilos nila, may pag-asang hinuhubog para sa kinabukasan.โ ๐