04/06/2026
Kahapon 06| 04| 2026
Patuloy nating isinusulong ang serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad sa pamamagitan ng ating Medical Mission, isa sa mga programang hatid ng Campos Cares, kasama ang aking masipag at mapagmalasakit na kapatid na si Bokal Raffy Campos.
Lubos ang aming pasasalamat sa aming partner na Laboratory Diagnostic Clinic – Qualicheck, sa pangunguna ni Ma'am Renalyn Bautista, sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa upang matagumpay na maisakatuparan ang programang ito.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Pastor Arnel sa patuloy na pagtitiwala at pagbubukas ng pagkakataon para sa aming team na makapaglingkod at makapaghatid ng serbisyong medikal sa mga miyembro ng Jesus Is Lord (JIL) church.
Ang bawat ngiti, pasasalamat, at serbisyong naihahatid ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa nating palawakin ang ating mga programang may malasakit para sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami pa tayong maaabot at matutulungan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa Campos Cares. Sama-sama nating isulong ang Serbisyong May Malasakit para sa lahat.