27/11/2025
E-VAWC: APRUBADO NA! ✋🏻🧡
Aprobado na sa committee level ang Expanded Anti–Violence Against Women and Their Children (E-VAWC) Bill, kasabay ng pagbubukas ng 18-day campaign to end violence against women and their children! Isang makabuluhang tagumpay ito na pinangunahan ni LaguNanay, Cong. Ann Matibag upang palawakin ang proteksyong legal at suportang nararapat para sa lahat ng kababaihan at kabataan, lalo na sa panahon ngayon na laganap ang online harassment at digital abuse.
Sa parehong pagdinig, ibinahagi ni Manila Councilor Eunice Castro ang kanyang matapang at emosyonal na testimonya tungkol sa harassment na kanyang naranasan. Ang kanyang lakas ng loob ay nagpatibay sa panawagang palakasin pa ang Safe Spaces Act upang maging mas ligtas ang bawat sulok ng ating komunidad para sa kababaihan. Digital spaces should be safe spaces. Walang lugar ang cyberbullying, online stalking, o anumang uri ng digital violence, at narito ang mga batas para ipaglaban ang bawat babae at bata.
Habang sinisimulan ang 18-day campaign, pinapatunayan ng komite na hindi lang ito simbolikong laban, ito ay konkretong pagkilos tungo sa isang Pilipinas na may hustisya, dignidad, at tunay na proteksyon para sa lahat ng kababaihan at bata.