02/06/2026
𝐒𝐊 𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄𝐒 | 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐋𝐄𝐀𝐆𝐔𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐉𝐔𝐍𝐄 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔
ONE LAST RUN. OUR FINAL SUMMER LEAGUE. 🏀
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng Summer Basketball League 2026.
Sa lahat ng manlalaro, coaches, team managers, at supporters, maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at pakikiisa sa proyektong ito ng Sangguniang Kabataan. Kayo ang dahilan kung bakit naging matagumpay at makabuluhan ang liga ngayong taon.
Hindi man naging perpekto ang lahat. Nagkaroon ng mga diskusyon, hindi pagkakaunawaan, at iba't ibang hamon sa buong takbo ng liga. Ngunit sa kabila ng lahat, nanatili kayong kasama namin hanggang dulo. Salamat sa inyong pag-unawa, pakikipagtulungan, at pagmamahal sa larong basketball.
Isang malaking pasasalamat din sa ating SPCRA, lalo na kay Sir Ding, sa walang sawang suporta at gabay upang maging maayos at organisado ang bawat laro. Maraming salamat din sa ating mga referees na naging patas at propesyonal sa pagpapatupad ng mga alituntunin ng liga.
Sa EZ Jersey San Pablo, maraming salamat sa pagbibigay ng de-kalidad na jerseys para sa ating mga manlalaro. Malaking bahagi kayo ng magandang karanasan ng bawat koponan.
Higit sa lahat, maraming salamat sa mga volunteers, table officials, at sa lahat ng tumulong sa likod ng bawat laro. Hindi magiging posible ang liga na ito kung wala ang inyong oras, pagod, at dedikasyon.
Bilang isa na ito sa mga huling proyektong maiiwan ng kasalukuyang Sangguniang Kabataan, espesyal ang Summer Basketball League 2026 para sa amin. Higit pa ito sa isang liga, isa itong alaala ng pagkakaisa, serbisyo, at pagbibigay ng oportunidad sa kabataan ng ating barangay.
Maraming salamat sa bawat taong naging bahagi ng paglalakbay na ito. Sa bawat sigaw, bawat laro, bawat suporta, at bawat alaalang nabuo sa loob ng court, mananatili itong bahagi ng kwento ng aming panunungkulan.
Maraming salamat, Kabataan ng San Jose. ❤️🏀