23/09/2026
PANGAMBA NG ISANG MAGULANG
Isa sa mga sektor na nangangailangan pa ng mas malalim na pag-aaral at pangmatagalang suporta ay ang ating mga Persons with Disabilities (PWDs).
May mga benepisyo na para sa kanila, pero sapat ba ang mga ito para sa kanilang kinabukasan?
May mga paaralan, ngunit kulang pa ang mga pasilidad at espasyong angkop sa kanilang pangangailangan. May mga serbisyong medikal, ngunit marami pa ring pamilya ang nahihirapang tustusan ang occupational at speech therapy.
At higit sa lahat, may isang tanong na madalas kinatatakutan ng isang magulang:
“Paano na ang anak ko kapag wala na ako?”
Ito ang isa sa mga pangmatagalang usaping tinutugunan sa ilalim ng TEK–Kalusugan Program ng pamahalaang lungsod sa ilalim ni Mayor Najie Gapangada.
Kung magpapatuloy ang kanyang panunungkulan, kabilang sa mga nakahandang hakbang ang Occupational Therapy Clinic. Natapos na ang Physical Therapy Clinic, at malapit na ring mabuksan ang ICU (Intensive Care Unit).
Ngunit hindi lamang gamutan ang dapat pagtuunan.
Pinag-aaralan din ang PWD Work Integration Program para sa mga taong may autism at iba pang challenging behaviors, kasama ang kanilang full-time carers—na kadalasan ay kanilang mga magulang.
Layunin nitong magkaroon sila ng makabuluhang gawain at oportunidad na kumita, ayon sa kanilang kakayahan.
Isa sa mga maaaring pagkunan ng kabuhayan ay ang paggawa ng artworks at souvenir items na maaaring iugnay sa turismo ng San Pablo. Maaari ring pag-aralan ang high-value crops bilang alternatibong livelihood.
At mula rito, maaaring mabuo ang mas malaking pangarap:
INDEPENDENT LIVING FACILITIES—isang lugar kung saan maaaring manirahan, matuto, magsanay at unti-unting maging mas independent ang ating mga PWD, habang patuloy pa rin ang suporta ng kanilang pamilya at komunidad.
Dito natin makikita kung bakit mahalaga ang Agro-Industrial Park.
Mas maraming negosyo → mas maraming trabaho → mas maraming kita → mas malaking kakayahan ng pamahalaan na pondohan ang mga programang tunay na makabuluhan sa buhay ng mga tao.
Dahil ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa mga gusali at imprastraktura.
Nasusukat ito sa kung paano natin inihahanda ang kinabukasan ng mga taong nangangailangan ng ating suporta.
Para sa bawat magulang na may pangambang:
“Sino ang aalaga sa anak ko kapag wala na ako?”
Ang sagot ay dapat hindi lamang manggaling sa pamilya.
Dapat kasama ang buong komunidad.
fans