22/05/2026
Isinagawa ang Feedbacking sa Barangay Biclat, San Miguel, Bulacan kaugnay ng isinagawang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol (MELLPI PRO) Barangay Level noong May 20, 2026. Kasama ng kanilang Punong Barangay Kapitana Marissa V. Ortiz at Barangay Nutrition Scholar (BNS) na si Teresita O. Sebastian at ang bumubuo ng Barangay Nutrition Committee (BNC).
Kasama sa nasabing aktibidad ang mga kasapi ng Municipal Nutrition Committee-Technical Working Group (MNC-TWG) at ang Municipal Nutrition Action Officer sa pangunguna ni Mrs. Rhea V. Pili, katuwang ang bumubuo ng Municipal Nutrition Office. (Special thanks to: Mr. Pedro R. Sambas, Mr. Denn Michael Pablo, Mr. Opdyett Keith W. Sambas, Ms. Angelita Garcia, Mr. Renato R. Matias and Ms. Kristine B. Pesino)
Kasabay rin nito ang isinagawang pagmomonitor sa Breastfeeding Station/Corner ng barangay upang masiguro ang maayos at angkop na posibilidad para sa mga nagpapasusong ina bilang suiporta sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan ng mag-ina.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap pamahalaang bayan upang mapalakas ang implemnetasyon ng mga programang pangnutrisyon at masiguro ang maayos na serbisyo para sa bawat mamamayan.
Taos pusong pasasalamat sa suporta at pangunguna nina Mayor B**g Alvarez, Vice Mayor Jhong Reyes, at ng bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa ating bayan.
Kasama Ka Sa Kaunlaran - Bayan ng San Miguel