SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds

SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds A youth-led organization promoting mental health and emotional well-being through safe, inclusive spaces, peer support, and open dialogue.

Founded during the 2025 Youth Camp by San Mateo LYDO.

14/05/2026

San Mateo Rizal Local Youth Development Updates | Mental Health Program TWG Meeting

Kaisa ang SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds at ang Local Youth Development Office sa isinagawang pagpupulong ng Technical Working Group para sa Mental Health Program na pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office noong ika-6 ng Mayo sa Super Health Center Conference Room, kasama ang ibaโ€™t ibang katuwang na tanggapan at institusyon.

Ilan sa mga tinalakay sa pagpupulong ang Municipal Ordinance No. 021-S-2025, ang pagbuo ng Local Council for Mental Health, at ang ibaโ€™t ibang serbisyong maaaring ma-access ng ating mga kababayan.

Naging malinaw rin ang mahalagang papel ng kabataan sa buong flow chart ng serbisyo, kung saan sila ang mangunguna sa pagpapalaganap ng kamalayan o awareness raising sa mga komunidad at paaralan.

Sa buwan ng Hunyo ay may exciting tayo na aktibidad na kasalukuyang binubuo ng SMR EYAHM. Kaabang-abang lalo na para sa mga kabataang may adbokasiya sa Mental Health.

Patuloy na isusulong ng LYDO at mga pangkabataang organisasyon ang mga espasyo para sa kabataan kung saan pinag-uusapan ang mga plano, proyekto at polisiya para sa mga kabataan. Mula sa kabataan, para sa kabataan!



๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Œ๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ.Kaisa ang SMR Empowe...
07/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Œ๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐š ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐ข๐ฉ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ.

Kaisa ang SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds sa isinagawang Joint Meeting ng Technical Working Group para sa ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ผ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ na pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office kahapon, Ika-6 ng Mayo, sa Super Health Center - Conference Room, kasama ang San Mateo Rizal Local Youth Development Office, San Mateo Rizal Gender and Development, San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO, Quirino Memorial Medical Center, at San Mateo Municipal College.

Isa sa mga naging highlight ng pagpupulong ang ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น ๐—ข๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿญ-๐—ฆ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ, na nagsisilbing mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng mental health framework ng bayan. Inaabangan din ang opisyal na pagsisimula ng ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต, na inaasahang magbibigay ng mas sistematikong koordinasyon at implementasyon ng mga programa sa mga darating na taon.

Patuloy ang pagkilos ng ibaโ€™t ibang sektor, kasama ang kabataan, tungo sa isang San Mateo na mas handa makinig, mas handa umunawa, at mas handa maglingkod para sa kalusugang pangkaisipan ng lahat.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Œ๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐š ๐ฉ๐ฅ๐š๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐ก๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ.Nagsagawa ng e...
07/05/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Œ๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐š ๐ฉ๐ฅ๐š๐ง๐จ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ฌ ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐›๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐ก๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐ง๐  ๐ค๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ.

Nagsagawa ng espesyal na pagpupulong ang SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds kasama si Mx. Riyan Portuguez, Your Millennial Psychologist, isang kilalang mental health advocate, at ang San Mateo Rizal Local Youth Development Officer na si Sir Lief Reyes noong nakaraang Mayo 05, 2026.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป ng organisasyon para sa buong taon, kabilang ang mga nakahanay na programa, mga hakbang sa pagpapalawak ng ligtas na espasyo para sa kabataan, at ang pangmatagalang direksyon at tungkulin ng organisasyon sa komunidad.

Ipinahayag din ni Mx. Riyan ang kaniyang suporta at kahandaang makatulong sa mga programa ng organisasyon. Kasalukuyan na rin nasa proseso ang opisyal na pakikipag-partnership ng EYAHM kay Mx. Riyan para sa mas matibay na pagsusulong ng mental health awareness sa komunidad.

๐—”๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ. ๐—จ๐—ป๐˜๐—ถ-๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฏ๐˜‚๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ผ.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š, ๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ซ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ซ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐๐š๐ฆ๐š๐ง.Ngayong ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†, binibig...
07/05/2026

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ฆ๐š๐ง ๐ฌ๐ข๐ฅ๐š, ๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐จ ๐š๐ญ ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š ๐ซ๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐ค๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ซ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐๐š๐ฆ๐š๐ง.

Ngayong ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐——๐—ฎ๐˜†, binibigyang pansin natin ang kahalagahan ng pagprotekta hindi lamang sa pisikal na kalagayan ng mga bata kundi pati sa kanilang emosyonal at mental na kalusugan.

Ang mga bata rin ay napapagod, nasasaktan, natatakot, at nalulungkot. At tulad ng iba, kailangan din nila ng ligtas na espasyo kung saan sila ay pakikinggan, uunawain, at mamahalin nang walang paghusga.

Mahalagang paalala na ang isang batang lumalaki sa pagmamahal, suporta, at maayos na kapaligiran ay mas may kakayahang maging matatag at ligtas sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Simulan natin sa simpleng pakikinig, pagyakap, at pagiging mas mahinahon sa kanila. Dahil ang maliliit na puso ay may malalaking laban ding kinakaharap.

๐—”๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป.

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ.Ngayong ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ-๐—•๐˜‚๐—น๐—น๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐˜†, paalala ito na ang bawat salita at kilos ay ...
04/05/2026

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฒ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ.

Ngayong ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ-๐—•๐˜‚๐—น๐—น๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฎ๐˜†, paalala ito na ang bawat salita at kilos ay may epekto. Ang simpleng biro para sa iba ay maaaring maging sugat para sa iba.

Ang pang-aapi ay hindi kailanman magiging tama, at ang pananahimik sa ganitong sitwasyon ay hindi solusyon. Bilang kabataan, may kakayahan tayong pumili kung magiging bahagi ba tayo ng problema o ng pagbabago.

Piliin nating maging maingat sa ating mga salita. Piliin nating ipagtanggol ang tama. Piliin nating maging espasyo ng pag-unawa, hindi ng pananakit.

Dahil sa isang komunidad na may malasakit, walang maiiwan at walang matatakot maging totoo.

๐—ฆ๐˜๐—ผ๐—ฝ ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—น๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด. ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜ ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด. ๐—•๐—ฒ ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ ๐˜€๐—ฝ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ.

๐๐ˆ๐‘๐“๐‡ ๐ˆ๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐๐€ ๐๐ˆ ๐•๐ˆ๐‚๐„-๐‚๐‡๐€๐ˆ๐‘ ! ๐ŸŽ‰Isang pagbati sa aming masipag, maaasahan, at laging game na Vice-Chairperson na si Arj...
04/05/2026

๐๐ˆ๐‘๐“๐‡ ๐ˆ๐’ ๐ƒ๐€๐˜ ๐๐€ ๐๐ˆ ๐•๐ˆ๐‚๐„-๐‚๐‡๐€๐ˆ๐‘ ! ๐ŸŽ‰

Isang pagbati sa aming masipag, maaasahan, at laging game na Vice-Chairperson na si Arjay Sampang!

Sa bawat plano, sa bawat galaw ng organisasyon, at sa bawat pagkakataong kailangan ng katuwang, nandiyan kaโ€”steady, committed, at laging handang umalalay. Hindi lang bilang lider, kundi bilang taong marunong makisama at tunay na may malasakit sa kapwa.

Salamat sa dedikasyon at sa enerhiyang ibinibigay mo sa SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds. Patuloy kang maging inspirasyon sa kabataang pinaglilingkuran natin.

Nawaโ€™y mas mapuno pa ng saya, tagumpay, at makabuluhang pagkakataon ang iyong taon.

Happy Birthday, Vice-Chair Arjay! ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ. ๐ŸŽ‚๐Ÿ’š

๐‡๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐Œ๐š๐ฒ. ๐š๐ญ ๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ ๐ซ๐ข๐ง ๐ฌ๐š๐ฒ๐จ, ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š ๐ค๐š? Hindi lang ito bagong buwan. Ito ay paalala.Paalala na kumustahin ang sarili....
03/05/2026

๐‡๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ, ๐Œ๐š๐ฒ.

๐š๐ญ ๐ก๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ ๐ซ๐ข๐ง ๐ฌ๐š๐ฒ๐จ, ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š ๐ค๐š?

Hindi lang ito bagong buwan. Ito ay paalala.
Paalala na kumustahin ang sarili.
Paalala na makinig sa iba.
Paalala na hindi kailangang itago ang nararamdaman.

Ngayong ๐— ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, buksan natin ang mas maraming usapan, mas maraming pag-unawa, at mas maraming espasyo kung saan pwedeng maging totoo ang bawat isa.

Kung pagod ka, pahinga ka.
Kung mabigat, ilabas mo.
Kung kailangan mo ng kausap, lumapit ka.

Dahil sa SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds, naniniwala tayo na ang bawat kwento ay mahalaga, at bawat tao ay may lugar kung saan siya ligtas.

๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜†, ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ณ๐—ฒ๐—ฒ๐—น, ๐˜๐—ผ ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ.

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ | ๐Œ๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐†๐€๐–๐€๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐ŽSa araw na ito, ginugunita natin ang hindi matatawarang sipag, sakripis...
30/04/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ | ๐Œ๐€๐๐”๐‡๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐๐†๐†๐€๐†๐€๐–๐€๐๐† ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž

Sa araw na ito, ginugunita natin ang hindi matatawarang sipag, sakripisyo, at tibay ng bawat manggagawang Pilipino. Mga taong araw-araw lumalaban hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya at kinabukasan ng iba.

Sa likod ng bawat serbisyo, produkto, at tagumpay ng lipunan ay ang pagod, puyat, at tahimik na pakikibaka ng mga manggagawa na madalas hindi nakikita, pero araw-araw nararamdaman ang kanilang ambag.

Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, mahalagang alalahanin na sila rin ay tao na napapagod, nasasaktan, at nangangailangan ng pahinga, pag-unawa, at malasakit hindi lamang sa pisikal na aspeto kundi pati sa kalusugang pangkaisipan.

Sa paggunita na ito, nawaโ€™y higit pa sa pasasalamat ang ating maibigay kundi tunay na paggalang, pakikinig, at pagkilala sa kanilang dignidad bilang tao.

๐— ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผโ€”๐˜€๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ฑ, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€. ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฟ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น.

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ | โ€˜๐–๐š๐  ๐ค๐ข๐ฆ๐ค๐ข๐ฆ๐ข๐ง, ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ฌ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง.Ibinabahagi ng SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds ang programang โ€œ...
28/04/2026

๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ | โ€˜๐–๐š๐  ๐ค๐ข๐ฆ๐ค๐ข๐ฆ๐ข๐ง, ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ฌ๐š๐ฉ๐š๐ง ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง.

Ibinabahagi ng SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds ang programang โ€œSafe Space for the Youthโ€ ng San Mateo Rizal Municipal Health Officeโ€”isang ligtas at youth-friendly na espasyo kung saan maaaring lumapit ang kabataan para sa counseling, guidance, health education, at confidential consultation.

Kung may mabigat kang nararamdaman o kailangan mo lang ng makakausap, may lugar na handang makinig nang walang paghusga. Kasama rin dito ang suporta para sa physical at mental well-being at Psychological First Aid (PFA).

๐Ÿ“ San Mateo Super Health Center
Municipal Complex I, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal

๐Ÿ•’ Clinic Schedule:
Monday & Thursday | 8:00 AM โ€“ 12:00 NN
Tuesday, Wednesday & Friday | 1:00 PM โ€“ 5:00 PM

Minsan, isang paglapit lang ang kailangan para gumaan.
May espasyo para saโ€™yo. Handa silang makinig.

BALIKAN | Project Bigkis Kabataan: Participatory Annual Youth Investment Programming WorkshopNoong ika-17 ng Abril 2026,...
23/04/2026

BALIKAN | Project Bigkis Kabataan: Participatory Annual Youth Investment Programming Workshop

Noong ika-17 ng Abril 2026, nagtipon ang mga lider-kabataan ng San Mateo, Rizal upang sama-samang balangkasin ang San Mateo Youth Investment Program para sa taong 2027. Ang AIP 2027 ay magsisilbing batayan ng Annual Budget 2027.

Nagkaroon din tayo ng pagkakaroon na na mapakinggan ang mensahe ni G. Jose Enrique Desiderio, Administrador ng Pamahalaang Bayan, at ni Kgg. Emmanuel "Noel" Sta. Maria, Konsehal ng Bayan.

Layunin ng aktibidad na ito na gawing mas inklusibo at epektibo ang paglalaan ng mga resources para sa mga programa ng LYDO at ng ibaโ€™t ibang organisasyon sa ating bayan.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga nakaraang Annual Investment Plans (AIP) at pagbuo ng mga bagong mungkahi para sa 2027, tiniyak ng ating mga lider-kabataan na ang bawat proyekto ay tumutugon sa tunay na mga hamon ng ating pamayanan. Higit sa lahat, ipinakita nila na ang kabataan ay hindi lamang mga benepisyaryo ng mga proyekto, kundi mga aktibong tagapagtaguyod ng makabuluhang pagbabago.

Sa huli, ang bawat grupo ay nagbuo at nagpresenta ng mga Programa, Proyekto, at Aktibidad (PPA) na nais nilang makita at maisakatuparan sa taong 2027, na maaaring tumugon at magbigay-solusyon sa mga pangangailangan ng ating lokal na pamayanan.

Maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok at sa patuloy na pagtitiwala sa mga programa ng ating tanggapan. Patuloy tayong magkaisa para sa mas progresibong San Mateo!

Kitakits naman sa ika-28 ng Abril 2026 - 6:00 pm para sa ating online consultation!

Mula sa kabataan, para sa kabataan!


๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐’๐Œ๐‘-๐„๐˜๐€๐‡๐Œ ๐Ÿ–๐ญ๐ก ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ Naisagawa ang ๐Ÿด๐˜๐—ต ๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ng SMR Empowered Youth Alliance for Healthy...
22/04/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐’๐Œ๐‘-๐„๐˜๐€๐‡๐Œ ๐Ÿ–๐ญ๐ก ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐ 

Naisagawa ang ๐Ÿด๐˜๐—ต ๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ng SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds nitong Abril 20, na nakatuon sa pinal na pagbuo at pagrebisa ng ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—•๐˜†-๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„๐˜€ ng organisasyon, gayundin sa mga paghahanda para sa opisyal na pagpaparehistro sa National Youth Commission (NYC).

Sa pagpupulong, mas pinagtibay ang pundasyon ng organisasyon mula sa malinaw na mga patakaran hanggang sa sistematikong daloy ng pamamahala bilang paghahanda sa mas malawak at mas organisadong pagkilos para sa kabataan. Kasabay nito, patuloy ding pinlano ang mga nalalapit na programa na nakatuon sa kalusugang pangkaisipan at sa pagbuo ng ligtas na espasyo para sa kabataang San Mateo.

Malapit na. Sa bawat hakbang, mas napapalapit ang organisasyon sa layunin nitong makapagsimula at makapaghatid ng mga programang may saysay at may malasakit.

๐—œ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ผ.

Address

San Mateo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMR Empowered Youth Alliance for Healthy Minds posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share