Kon. Shalimar Salud

Kon. Shalimar Salud

Ang bawat araw ng paglilingkod ay pagkakataong makagawa ng pagbabago para sa ating mga kababayan. 💚
03/06/2026

Ang bawat araw ng paglilingkod ay pagkakataong makagawa ng pagbabago para sa ating mga kababayan. 💚



Kahapon ay matagumpay nating dinaluhan ang regular na pagpupulong ng Sangguniang Bayan, kung saan tinalakay ang iba't ib...
02/06/2026

Kahapon ay matagumpay nating dinaluhan ang regular na pagpupulong ng Sangguniang Bayan, kung saan tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin, programa, at panukalang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Bilang inyong lingkod-bayan, patuloy tayong nakikibahagi sa mga talakayan at pagpapasya upang masig**o na ang bawat hakbang at proyekto ng ating pamahalaang lokal ay nakatuon sa kapakanan ng ating mga mamamayan. Ang bawat pagpupulong ay isang mahalagang pagkakataon upang mapag-usapan ang mga pangangailangan ng ating komunidad at makabuo ng mga konkretong solusyon para sa mas maayos na serbisyo publiko.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta. Asahan po ninyo na mananatili tayong masipag, responsable, at dedikado sa paglilingkod para sa isang mas maunlad at mas magandang kinabukasan para sa ating bayan.



Sunday Mass kasama ang aking mahal na pamilya. 🙏❤️Walang hihigit sa biyayang makapagsimba at makapagpasalamat sa Pangino...
31/05/2026

Sunday Mass kasama ang aking mahal na pamilya. 🙏❤️

Walang hihigit sa biyayang makapagsimba at makapagpasalamat sa Panginoon kasama ang mga taong pinakamamahal natin. Nawa’y patuloy Niya tayong gabayan, pagpalain, at bigyan ng lakas sa bawat araw.

Blessed Sunday everyone!



31/05/2026

Ay talaga naman, tagaktak na ulit ang pawis — pistahan season na! 💃

Buhay na buhay pa rin ba ang mga garine sayawan sa inyong barrio, kagaya neto sa Brgy. Pulangbato kagabi? Solid ang saya at saya ng samahan!





Maligayang Kaarawan po, Kap. Emerson Ramos ng Brgy. Pinagbayanan! 🎉Sa espesyal na araw na ito, nais po naming ipaabot an...
30/05/2026

Maligayang Kaarawan po, Kap. Emerson Ramos ng Brgy. Pinagbayanan! 🎉

Sa espesyal na araw na ito, nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyong dedikasyon at mahusay na pamumuno sa inyong nasasakupan. Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan.

Hangad namin ang inyong kaligayahan, tagumpay, at marami pang kaarawang darating na puno ng pagmamahal at pagpapala.

Maligayang Kaarawan po, Kap. Emerson Ramos! Mabuhay po kayo!



Maligayang Kaarawan po, Kap. Joselito Pesigan! Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at ...
30/05/2026

Maligayang Kaarawan po, Kap. Joselito Pesigan!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at maraming biyaya. Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod at dedikasyon sa ating barangay. Dalangin namin ang inyong patuloy na tagumpay at gabay ng Poong Maykapal sa lahat ng inyong mga adhikain para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Maligayang kaarawan po at mabuhay kayo!



Bilang isa sa inyong lingkod-bayan, aking dinaluhan kahapon ang isinagawang Public Hearing ng Sangguniang Bayan na ginan...
29/05/2026

Bilang isa sa inyong lingkod-bayan, aking dinaluhan kahapon ang isinagawang Public Hearing ng Sangguniang Bayan na ginanap sa Municipal Plaza. Tinalakay dito ang mga mahahalagang panukalang ordinansa na naglalayong mapabuti ang kalusugan, kaayusan, edukasyon, at pangkalahatang kapakanan ng ating mga mamamayan.

Patuloy po tayong makikinig, makikilahok, at magsusulong ng mga programang makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan. Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at sumuporta.



Maligayang Kaarawan po kay Hon. Ildebrando D. Salud!Nawa’y patuloy po kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, a...
28/05/2026

Maligayang Kaarawan po kay Hon. Ildebrando D. Salud!

Nawa’y patuloy po kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at mas marami pang biyaya upang maipagpatuloy ang tapat at masigasig na paglilingkod para sa bayan. Maraming salamat po sa inyong malasakit at dedikasyon sa ating mamamayan.

Hangad po namin ang inyong tagumpay, kasiyahan, at mahabang buhay kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay. God bless you always, Mayor! 💚



Sa pagdiriwang po ng Eid’l Adha, nawa’y manaig ang diwa ng sakripisyo, pananampalataya, pagmamahalan at pagkakaisa sa ba...
27/05/2026

Sa pagdiriwang po ng Eid’l Adha, nawa’y manaig ang diwa ng sakripisyo, pananampalataya, pagmamahalan at pagkakaisa sa bawat isa.

Maligayang Eid’l Adha po sa ating mga kapatid na Muslim. Nawa’y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Poong Maykapal tungo sa mapayapa at masaganang pamayanan.



Tayo po ay kaisa sa Brigada Eskwela bilang suporta sa patuloy na pag-unlad ng ating mga paaralan at sa kapakanan ng atin...
26/05/2026

Tayo po ay kaisa sa Brigada Eskwela bilang suporta sa patuloy na pag-unlad ng ating mga paaralan at sa kapakanan ng ating mga mag-aaral. Ang aking opisina po ay laging bukas at handang tumulong sa anumang pangangailangan ng ating mga paaralan upang masig**o ang maayos, ligtas, at mas magandang kapaligiran para sa pag-aaral ng ating kabataan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng bawat isa, mas lalo po nating mapapalakas ang edukasyon sa ating bayan. Maraming salamat po sa lahat ng mga g**o, magulang, volunteers, at mga taong walang sawang sumusuporta at nakikibahagi sa Brigada Eskwela. Ang inyong dedikasyon at serbisyo ay malaking tulong para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.



Address

San Juan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kon. Shalimar Salud posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category