05/06/2026
May we learn to listen not just with our ears, but with our hearts, following the example of Jesus, whose love is open to all. 🧡
Ngayong unang Biyernes ng Hunyo, matapos ang pagdaraos ng Banal na Misa at pagbabasbas ng mga bagong water lorries, sama-sama po tayong nagkatipon sa New Government Center upang ipagdiwang ang selebrasyon ng pagbababa ng mga sagisag ng ating bayan, simbolo ng pagtatapos ng unang linggo ng paglilingkod na puno ng biyaya at pagpapala.
Sa ating buhay-paglilingkod, napakahalaga pong lagi nating isapuso ang aral ng ating pananampalataya bilang isang pamilyang nagkakaisa. Sa paggabay ng ating Panginoong Diyos, patuloy po nating pakikinggan ang ating taumbayan, hindi gamit ang tenga kundi puso, upang walang humpay nating mailapit ang Alagang San Joseño at serbisyong may malasakit na ramdam ng bawat San Joseño.