31/05/2026
Isang malaking PASASALAMAT po sa lahat ng tumugon at nakiisa sa ating isinagawang Clean Up Drive sa ating Barangay mula po sa inyong Barangay Council sa pangunguna ng ating Kapitan Hon. Manolito B. Blen! 🌿♻️
Sa pamunuan po ng Guardians Viking Chapter, 4 Ps Gumaoc West, Barangay Scholars, Sangguniang Kabataan at ating mga Kawani, Maraming salamat po sa inyong paglalaan ng oras, lakas at walang sawang malasakit para panatilihing malinis at ligtas ang ating Barangay.
Dahil po sa ating pagtutulungan, mas nagiging maganda at maayos ang ating kapaligiran!
Sa ating pong mga kabarangay, nawa'y ipagpatuloy natin ang disiplinang ito. Simulan natin sa ating sariling tahanan at bakuran ang disiplina ng maayos at malinis na kapaligiran. Ito po ay napakalaking tulong na sa ating Barangay!
Sama-sama nating alagaan ang ating barangay, lahat po tayo ay responsable dito!