26/05/2026
๐พ๐ผ๐ฟ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐ฎ๐ฃ๐ค๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐๐ง๐ง๐๐ข๐, ๐ผ๐ฃ๐ฉ๐๐ฆ๐ช๐, ๐ผ๐ฅ๐ง๐ช๐๐๐๐ค ๐ฃ๐!
Valderrama, Antique โ Opisyal nang naaprubahan ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) para sa Iraynon Indigenous Cultural Community ng Valderrama, Antique, na nagmamarka ng isang makasaysayang tagumpay sa pagkilala at pagprotekta sa kanilang mga karapatan sa lupang ninuno.
Saklaw ng naaprubahang ancestral domain ang kabuuang 2,532 ektarya na benepisyaryo ang 431 katutubong may hawak ng karapatan (IP rights holders) at 5 hindi katutubo (non-IP) na naninirahan sa loob ng lugar.
Sa proseso ng deliberasyon na pinamunuan ni Commissioner Marie Grace Pascua, nagpalitan ng paliwanagan ang mga proponent ng CADT at ang komunidad. Iginiit ni Commissioner Rhodex Valenciano na dapat maging malinaw ang mga hangganan at saklaw ng aplikasyon, lalo na ang mga bundok na kabilang sa nasasakupan ng CADT.
Nagkaroon din ng tanong si Commissioner Purisimo Tiam tungkol sa pinagmumulan ng ilaw o kuryente sa lugar. Ayon sa komunidad, ito ay mula sa solar energy. Binanggit din na malayo ang lugar sa health center, ngunit may pag-asa ang komunidad sa pagdating ng tulong pangkalusugan at suplay ng enerhiya sa hinaharap.
Si Commissioner Datu โAmarilloโ Marcelo Alejo, Jr. naman na kahit ay nasa biyahe pa papunta sa Iloilo, at habang nagaganap ang sesyon ay nagpaabot ng kanyang commitment na tumulong sa komunidad.
Matapos ang masusing paliwanagan, nagmosyon si Commissioner Valenciano para sa pag-apruba, na sinuportahan naman ni Commissioner Tiam. Dahil dito, opisyal na naaprubahan ang CADT para sa Iraynon ancestral domain.
Matapos ang inanunsyo ng presiding officer ang approval, labis ang emosyon ng mga lider ng IP. Napaluha sila sa tuwa at tagumpay matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, sa wakas, natamo na rin nila ang CADT na matagal nilang ipinaglaban para sa kanilang lupang ninuno.
Sobrang pasasalamat nila sa Komisyon na pinamumunuan ni NCIP Secretary and Chairperson Nancy Catamco.
โ๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ๐๐ฃ: ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ฃ๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ช๐ฃ๐ก๐๐ง๐๐ฃโ