Vice Mayor JC Patiag - LGU San Isidro

Vice Mayor JC Patiag - LGU San Isidro Patuloy kong ilalaan,
Serbisyong Nasimulan! Ako, Ikaw, Sama Sama tayo!
-Vice Mayor Jc Patiag

๐™ท๐šŠ๐š™๐š™๐šข ๐™ฝ๐šŽ๐š  ๐šˆ๐šŽ๐šŠ๐š› ๐ŸŽ‡
31/12/2025

๐™ท๐šŠ๐š™๐š™๐šข ๐™ฝ๐šŽ๐š  ๐šˆ๐šŽ๐šŠ๐š› ๐ŸŽ‡

๐™†๐™ฃ๐™ž๐™œ๐™๐™ฉ๐™จ ๐™Š๐™› ๐˜พ๐™ค๐™ก๐™ช๐™ข๐™—๐™ช๐™จ๐™‡๐™–๐™—๐™ง๐™–๐™™๐™ค๐™ง ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ก 4277๐˜พ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ข๐™–๐™จ ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ฎ 2025Sa liwanag ng kapanganakan ni Kristo, nagtipon-tipon ang mga...
28/12/2025

๐™†๐™ฃ๐™ž๐™œ๐™๐™ฉ๐™จ ๐™Š๐™› ๐˜พ๐™ค๐™ก๐™ช๐™ข๐™—๐™ช๐™จ
๐™‡๐™–๐™—๐™ง๐™–๐™™๐™ค๐™ง ๐˜พ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™˜๐™ž๐™ก 4277
๐˜พ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ข๐™–๐™จ ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ฎ 2025

Sa liwanag ng kapanganakan ni Kristo, nagtipon-tipon ang mga kapatid ng Knights of Columbus, Labrador Council 4277 upang ipagdiwang ang Christmas Party 2025, sa pangunguna ng aming Grand Knight Atty. Mark Lawrence Patiag at Deputy Grand Knight Joel Apolonioโ€”isang gabi ng pagkakaisa, pasasalamat, at tunay na diwa ng Pasko.

Higit pa sa kasiyahan at salu-salo, ang pagtitipong ito ay paalala ng aming paninindigan bilang magkakapatid sa pananampalatayaโ€”na patuloy na maglingkod nang may pagmamahal, malasakit, at pagkakaisa sa pamilya, simbahan, at komunidad.

Sa bawat ngiti, tawanan, at pagbabahaginan ng biyaya, mas lalo naming pinagtitibay ang aming samahan bilang mga lingkod ng Diyos at tagapangalaga ng mga pagpapahalagang Kristiyano. Nawaโ€™y ang diwa ng Pasko ay manatili sa aming mga puso hindi lamang sa araw na ito, kundi sa bawat araw ng aming paglilingkod.

24/12/2025

Sa Pamilya Patiag, bawat tawanan, kwentuhan, at simpleng sandali ay espesyal. Kahit maliit o malaking kasiyahan, sabay-sabay naming nararanasan at natatandaan.
Dito namin nararamdaman na tunay kaming magkakasamaโ€”hindi lang pamilya, kundi barkada rin sa bawat tawa at halakhak. Ito ang aming mundo, ito ang aming bonding, at dito kami laging masaya.

Maligayang Pasko sa ating lahat!Sa gabing tahimik at sa ilaw ng mga parol, nawaโ€™y maramdaman natin ang tunay na diwa ng ...
24/12/2025

Maligayang Pasko sa ating lahat!

Sa gabing tahimik at sa ilaw ng mga parol, nawaโ€™y maramdaman natin ang tunay na diwa ng Paskoโ€”ang pagmamahalan, kapatawaran, at pag-asa. Ito ang panahong mas pinipili nating magbuklod, magpasalamat, at magbahagi, kahit sa simpleng paraan.

Nawaโ€™y mapuno ng saya ang bawat tahanan, liwanag ang bawat puso, at kapayapaan ang bawat pamilya. Dalangin ko na ang Paskong ito ay maging paalala na sa kabila ng lahat, may pag-asa, may pagmamahal, at may bukas na mas maganda para sa ating lahat.

Maligayang Pasko po, mula sa aking puso para sa inyo at sa inyong mga pamilya. ๐ŸŽ„

๐†๐ข๐Ÿ๐ญ ๐†๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“๐Š๐ง๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐›๐ฎ๐ฌ๐‹๐š๐›๐ซ๐š๐๐จ๐ซ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Ÿ’๐Ÿ๐Ÿ•๐Ÿ•Hindi lamang ito simpleng pamimigay ng regalo, kundi isang taos-...
23/12/2025

๐†๐ข๐Ÿ๐ญ ๐†๐ข๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“
๐Š๐ง๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐›๐ฎ๐ฌ
๐‹๐š๐›๐ซ๐š๐๐จ๐ซ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐Ÿ’๐Ÿ๐Ÿ•๐Ÿ•

Hindi lamang ito simpleng pamimigay ng regalo, kundi isang taos-pusong pagbabahagi ng pagmamahal, pag-asa, at malasakit. Sa Gift Giving na ito ng Knights of Columbus Labrador Council 4277, muling ipinakita na ang tunay na diwa ng paglilingkod ay ang pagtulong sa kapwa nang bukal sa puso at may pananampalataya.

Sa bawat ngiti at pasasalamat na aming nakita, ramdam ang presensya ng Diyos na kumikilos sa pamamagitan ng mga taong handang magbigay. Ang mga regalong inabot ay naging simbolo ng pagkakaisa, kabutihan, at malasakitโ€”lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng masisipag at mapaglingkod na members ng Knights of Columbus Labrador Council 4277, sa aming Grand Knight Atty. Mark Lawrence Patiag, at sa aming Deputy Grand Knight Joel Apolonio sa inyong walang sawang paggabay, pamumuno, at malasakit. Kayo ay patunay na ang tunay na lakas ng samahan ay nagmumula sa pagkakaisa at pagmamahal sa kapwa.

Nawaโ€™y magpatuloy pa ang ganitong mga gawain na nagbibigay liwanag, pag-asa, at inspirasyon sa ating komunidad.

09/11/2025

๐Ž๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž ๐ˆ๐Œ๐๐„๐‘๐€๐“๐€
(๐‘ƒ๐‘Ž๐‘›๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘›๐‘”๐‘–๐‘› ๐‘๐‘Ž๐‘Ÿ๐‘Ž ๐‘™๐‘๐‘Ž๐‘”-๐‘Ž๐‘‘๐‘ฆ๐‘Ž ๐‘ ๐‘Ž ๐‘š๐‘”๐‘Ž ๐พ๐‘Ž๐‘™๐‘Ž๐‘š๐‘–๐‘‘๐‘Ž๐‘‘)

Amang Makapangyarihan,Itinataas namin sa lyo ang aming mga pusong nagpapasalamat sa kagandahan ng lyong nilikha kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangallangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng daigdig.Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa lyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan. Pinagkamali namin ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam.

Ang "global warming" ay laganap na. Ang mga bagyo, pagbaha, pagputok ng bulkan at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta.Lumalapit kami sa lyo, Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.Hinihiling namin na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari- a***n at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan ng tao.Iniluluhog namin gawin kaming mapanagutang katiwala ng lyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan. Sa Pangalan ni Hesus.

Amen.

Nuestra Senora de la Soledad de Nueva Ecija
Ipanalangin mo Kami.

San Isidro ang Magsasaka
Ipanalangin mo Kami.

17/10/2025
Knights of ColumbusLabrador Council 4277 October 17, 2025Friday (8:00AM- 12:00PM)@ St. Isidore the Farmer Parish, San Is...
05/10/2025

Knights of Columbus
Labrador Council 4277
October 17, 2025
Friday (8:00AM- 12:00PM)
@ St. Isidore the Farmer Parish, San Isidro, Nueva Ecija.

Save the date and join the mission of Knights of Columbus Labrador Council 4277 on October 17, 2025, Friday, 8:00AM- 12:00PM at St. Isidore the Farmer Parish, San Isidro, Nueva Ecija.

๐š‚๐šŠ ๐š‹๐šŠ๐š ๐šŠ๐š ๐šŒ๐š‘๐šŠ๐š•๐š” ๐š—๐šŠ ๐š”๐šž๐š–๐š’๐š”๐š’๐šœ๐š”๐š’๐šœ ๐šœ๐šŠ ๐š™๐š’๐šœ๐šŠ๐š›๐šŠ,๐šŠ๐šข ๐š–๐š๐šŠ ๐š™๐šŠ๐š—๐š๐šŠ๐š›๐šŠ๐š™ ๐š—๐šŠ ๐šž๐š—๐š๐š’-๐šž๐š—๐š๐š’๐š—๐š ๐š‘๐š’๐š—๐šž๐š‘๐šž๐š‹๐š˜๐š.๐š‚๐šŠ ๐š‹๐šŠ๐š ๐šŠ๐š ๐šœ๐šŠ๐š•๐š’๐š๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐š—๐šข๐š˜๐š—๐š ๐š‹๐š’๐š—๐š’๐š‹๐š’๐š๐š”๐šŠ๐šœ,๐šŠ๐šข ๐š•...
04/10/2025

๐š‚๐šŠ ๐š‹๐šŠ๐š ๐šŠ๐š ๐šŒ๐š‘๐šŠ๐š•๐š” ๐š—๐šŠ ๐š”๐šž๐š–๐š’๐š”๐š’๐šœ๐š”๐š’๐šœ ๐šœ๐šŠ ๐š™๐š’๐šœ๐šŠ๐š›๐šŠ,
๐šŠ๐šข ๐š–๐š๐šŠ ๐š™๐šŠ๐š—๐š๐šŠ๐š›๐šŠ๐š™ ๐š—๐šŠ ๐šž๐š—๐š๐š’-๐šž๐š—๐š๐š’๐š—๐š ๐š‘๐š’๐š—๐šž๐š‘๐šž๐š‹๐š˜๐š.
๐š‚๐šŠ ๐š‹๐šŠ๐š ๐šŠ๐š ๐šœ๐šŠ๐š•๐š’๐š๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐š—๐šข๐š˜๐š—๐š ๐š‹๐š’๐š—๐š’๐š‹๐š’๐š๐š”๐šŠ๐šœ,
๐šŠ๐šข ๐š•๐š’๐š ๐šŠ๐š—๐šŠ๐š ๐š—๐šŠ ๐š๐šž๐š–๐šŠ๐š๐šŠ๐š‹๐šŠ๐šข ๐šœ๐šŠ ๐šŠ๐š–๐š’๐š—๐š ๐š•๐šŠ๐š—๐š๐šŠ๐šœ.

๐™ท๐š’๐š—๐š๐š’ ๐š•๐šŠ๐š—๐š ๐šŠ๐š›๐šŠ๐š•๐š’๐š— ๐šŠ๐š—๐š ๐š’๐š—๐šข๐š˜๐š—๐š ๐š—๐šŠ๐š’๐š๐šž๐š›๐š˜,
๐š”๐šž๐š—๐š๐š’ ๐š–๐š๐šŠ ๐šŠ๐š›๐šŠ๐š• ๐šœ๐šŠ ๐š‹๐šž๐š‘๐šŠ๐šข ๐š—๐šŠ ๐š ๐šŠ๐š•๐šŠ๐š—๐š ๐š”๐šŠ๐š๐šž๐š–๐š‹๐šŠ๐šœ.
๐š‚๐šŠ ๐š’๐š—๐šข๐š˜๐š—๐š ๐š™๐šŠ๐š๐š๐š’๐š๐š’๐šข๐šŠ๐š๐šŠ ๐šŠ๐š ๐š–๐šŠ๐š•๐šŠ๐šœ๐šŠ๐š”๐š’๐š,
๐š—๐šŠ๐š๐šž๐š๐šž๐š๐š˜ ๐š”๐šŠ๐š–๐š’๐š—๐š ๐š–๐šŠ๐š—๐š๐šŠ๐š›๐šŠ๐š™ ๐šŠ๐š ๐š–๐šŠ๐š๐šœ๐š’๐š”๐šŠ๐š™.

๐™ผ๐šŠ๐š•๐š’๐š๐šŠ๐šข๐šŠ๐š—๐š ๐™ฐ๐š›๐šŠ๐š  ๐š—๐š ๐š–๐š๐šŠ ๐™ถ๐šž๐š›๐š˜!

๐Ÿ”ด PUBLIC ADVISORY / BABALA ๐Ÿ”ดMay kumakalat na PEKENG FACEBOOK PAGE na nagpapanggap bilang opisyal na fan page ni dating V...
30/08/2025

๐Ÿ”ด PUBLIC ADVISORY / BABALA ๐Ÿ”ด

May kumakalat na PEKENG FACEBOOK PAGE na nagpapanggap bilang opisyal na fan page ni dating Vice Mayor JC Patiag.
โŒ Hindi po ito opisyal at wala itong kaugnayan sa amin o sa anumang opisyal na pahina.
โš ๏ธ Napag-alaman din na ang pekeng account na ito ay nagpapadala ng mga mensahe at ginagamit para sa panlilinlang / scam.

๐Ÿ‘‰ Paalala sa lahat:
โ€ข Huwag pong maniwala o sumagot sa anumang mensahe mula sa pekeng account.
โ€ข Huwag ding magbigay ng personal na impormasyon o anumang detalye.
โ€ข I-report at i-block na lamang ang naturang account. https://www.facebook.com/share/19XPQX4mCe/?mibextid=wwXIfr

Tanging ang mga lehitimong impormasyon ay matatagpuan lamang sa mga opisyal na platform.

Maraming salamat po sa inyong pag-iingat at pakikipagtulungan.

05/06/2025

Mapagpalang Araw!

Isang paalala po mula sa PESO San Isidro, sa araw ng June 6, 2025 ay appearance na po ng ating PASSPORT ON WHEELS
Applicants, mangyari pong pakidala ang mga sumusunod:
-Follow up requirements if there's any;

EX.
1.) PSA birth or Marriage Cert
2.) Government issued valid ID
3.) Others supporting documents written at the back of each applicants' envelope.

Pinapaalalahanan din po ang lahat na magsuot ng presentable sa araw ng appearance, maaaring mag suot ang mga applicant's ng POLO SHIRT, DECENT PANTS at CLOSE SHOES, at pakiusap din po na huwag nang magsama ng kaibigan o kaanak na walang appearance schedule upang mapabilis po ang ating proseso.

Maraming Salamat po!

Address

San Isidro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor JC Patiag - LGU San Isidro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category